CHAPTER 53 Nakaharap sa salamin ang binatilyong si Gio. Nakasuot siya nang unat na unat na puting polo at itim na pantalon na uniporme nila sa school. Inaayos niya ang buhok na nilagyan niya ng gel na kinuha niya sa mga gamit ng kuya niya. Pati pabango nito’y hiniram niya rin na ini-spray niya sa buong katawan. “Hmm... Bango talaga.” Napatingin naman siya sa repleksyon niya sa salamin. “Tsk! Gwapo ko talaga,” sabi niya sabay ngiti at himas sa gilid ng buhok. Pagkatapos niyang mag-ayos, binitbit na niya ang bag niya na nakapatong sa kama at saka lumabas ng kwarto. “Ginamit mo na naman ‘yung pabango ko ‘no? Amoy na amoy kita eh,” bungad ng kuya niya pagbaba palang niya ng hagdan. Nasa kusina ito at nag-aalmusal kasama ng ina nila. May pan de sal na sa lamesa at scrambled egg. Nagtitimpla

