CHAPTER 52 Paggising ni Gio, ang sama ng pakiramdam niya. Masakit ang ulo niya at parang gusto niyang sumuka. Tulala lang siya habang nakaupo sa kama. Paano ‘ko napunta rito? Sigurado ako si Noah ang kasama ko kagabi. Nandoon ako sa condo niya. Napatingin siya sa suot na damit. Naka-sando at shorts na siya. At sando pa ni Leon ang suot niya. Napasapo siya sa noo niya. s**t! Si Leon ata talaga ‘yung nakita ko kagabi. Tumayo siya at kumuha ng tuwalya sa cabinet. Ililigo na lang muna niya ang sama ng pakiramdam. Paglabas niya ng kwarto, nakita niya si Leon na nakaupo sa may dining area at nagkakape. Nagkatinginan sila pero bigla rin siyang umiwas ng tingin at dumeretso ng pasok sa banyo. Habang nakatapat sa shower, tulala na naman siya. Naalala na naman niya ang eksenang nasaksihan niya ka

