CHAPTER 51 Isang linggo na naman ang lumipas pero wala pa ring pinagbago sa pagtrato sa kanya ni Leon kaya sa loob ng isang linggo na ‘yon walang ginawa si Gio kundi ang umiyak nang palihim. Naaawa na siya sa sarili niya dahil alam niyang nagpapakatanga na siya, pero hindi niya pa rin magawang iwan si Leon. Kahit pakiramdam niya'y hindi na siya nito mahal, gusto pa rin niya na magkasama sila. Tinanggap na niya sa sarili niya na siya na lang ang pilit na kumakapit sa relasyon nilang dalawa. “Hon, I’m going out,” sabi nito sa kanya pagkapasok niya sa kwarto nila galing sa banyo. Nakasuot na ito ng maong na pantalon, at light blue na polo. Nakasapatos na rin ito at hawak ang susi ng kotse. “Saan ka pupunta?" Napatingin siya sa orasan. Pasado alas-nuebe na nang gabi. "Late na.” “May docum

