CHAPTER 9 Pauwi na si Gio galing sa trabaho at naglalakad na siya papunta sa condominium building kung saan siya nakatira. Hindi pa siya nakakalayo mula sa kantong binabaan nang may marinig siyang iyak ng pusa kaya napatigil siya at hinanap kung saan ito galing. Sa gilid ng isang basurahan, may nakita siyang kahon. Nang silipin niya ito, may isang kuting na naroon sa loob. Tumingala pa ito sa kanya at saka ngumiyaw. “Kawawa ka naman. Gutom ka ba?” Tumalungko siya sa tabi ng kahon at inilabas niya ang natira niyang tinapay kaninang meryende at piniraso ito nang maliliit bago ibinigay sa kuting. Medyo malaki na rin ito kaya sa tingin niya’y kaya na nitong kumain ng tinapay. “Gusto sana kitang iuwi, kaso baka hindi rin naman kita maalagaan. Maaga akong umaalis at hapon na kung umuwi. ‘Tsa

