CHAPTER 8 Papasok na naman. Magkikita na naman kami ng boss ko. Bago lumabas ng unit niya, sumilip muna si Gio sa peephole. Sarado ang pintuan ng unit ni Leon at wala naman siyang nakitang tao sa labas hanggang sa abot ng kanyang tingin. Binuksan niya ang pintuan ng unit niya at saka siya lumabas at huminga nang malalim bago naglakad papunta sa elevator. Sa umpisa, mag-isa lang siya sa elevator hanggang sa unti-unti silang madagdagan sa bawat floors na madaaan. May kaunting siksikan pero hindi tulad noong nag-co-commute pa siya papasok galing Laguna na para siyang nasa loob ng lata ng sardinas. Paglabas niya ng elevator mukha pa rin siyang mabango at hindi mukhang galing sa pakikipagdigmaan. Nasa labas na siya ng condominium nang may makita siyang kotse na palabas ng basement. Namuk

