CHAPTER 28 “Ang pogi naman ni Gio,” sabi ni Vida nang makita siyang papasok ng function room ng hotel kung saan gaganapin ang Christmas party ng company nila. “Thanks,” sabi niya habang paupo. “Vida, bakit ‘di ganyan reaction mo nang ako ang dumating? Parang halos pareho lang naman kami ng suot. May bow tie at suspenders din ako. May pa-baston pa nga o,” sabi ni Dexter na inangat pa ang hawak na baston. Gatsby kasi ang theme ng Christmas party nila ngayong taon. Si Vida naka-fringe dress na kulay black and maroon at may headdress na may feather na kulay itom. May suot din 'tong mga pearl necklace na iba't iba ang haba. “Mas bet ko ‘yung pa-baston ni Sir Leon. Grabe ang pogi.” Napasulyap siya kay Leon na kasalukuyang nakatayo sa gilid at may kausap. Totoo namang napakagwapo nito sa suot

