CHAPTER 27 Pag-uwi ni Gio, dinatnan niyang bukas ang TV ngunit walang nanonood. Nasa kama si Leon at natutulog. Naglakad siya palapit sa natutulog na nobyo at dahan-dahang naupo sa tabi nito. Ano kayang ginawa niya at ang aga niyang natulog? O baka naman nainip kahihintay sa 'kin? Gabi na nang makauwi siya. Dahil sa nahihirapan siyang kabisaduhin ang mga steps sa sayaw nila at hindi sumasabay ang galaw ng katawan niya sa tugtog, natagalan sila ni Noah sa pagpra-practice. Hinaplos niya ang malambot na buhok ni Leon habang nakatitig sa gwapong mukha nito. Yumuko siya at bahagyang hinalikan ito sa labi. Gumalaw ang mga kilay nito at kumunot ang noo. Akala niya'y magigising, pero tuloy pa rin ito sa pagtulog. Mamaya na lamang niya ito gigisingin kapag nakaligo na siya. Tumayo siya mula sa

