CHAPTER 26 “Pasok ka. Dito na lang tayo sa kwarto kasi ayos na ‘yung aircon,” sabi ni Noah sa kanya. Nasa condo unit siya nito uli para sa practice nila sa sayaw. Silang dalawa lang dahil hindi talaga nagsipunta ang mga kasama nila. Magaling naman kasing sumayaw ang mga ito at madaling matuto, hindi tulad niya. “Yung damit mo pala, hindi ko pa nalalabhan. Sa office ko na lang ibibigay sa ‘yo,” sabi niya habang nakasunod siya rito papasok ng kwarto. “Yung damit mo naman napa-laundry ko na and sa office ko na rin mabibigay sa ‘yo.” “Para tayong mag-e-exchange gift niyan sa office,” natatawa niyang sabi. “Parang nga.” Hinawakan siya sa likuran nito. “Dito ka muna. Kukuha lang ako ng maiinom.” Tumango siya at lumabas na ito ng kwarto. Naupo siya sa dulo ng kama at pinagmasdan ang loob

