CHAPTER 25 “Gio, it’s too early. Come back here,” sabi ni Leon sa kanya habang kalahating mata pa lang ang bukas dahil mukhang inaantok pa. Wala itong saplot sa ilalim ng kumot na nakatakip hanggang sa bewang nito. Labas ang matipunong katawan at ma-muscle na braso. “Unang araw ng practice namin ngayon,” sagot niya habang binababa na ang mga paa sa kama at nakalingon kay Leon. Tumayo siya at kinuha ang shorts niyang nasa sahig at sinuot ito. “I wanna go with you…” Nakahiga pa si Leon pero pilit na inabot ang kamay niya. “Alam mong ‘di pwede. Ano’ng iisipin nila ‘pag nando’n ka? Mag-bonding na lang kayo ni Rain dito.” Ngumiyaw ang kuting na nasa loob ng kulungan nito na nasa sala. Dinig nila dahil bukas ang pintuan ng kwarto nila. “See, tinatawag ka ng anak mo,” biro niya rito. “Wag

