CHAPTER 24 Nakangiti si Gio habang naglalakad na may hawak na tumbler pabalik sa table niya. Laman ng isip niya si Leon at ang kapilyuhang ginawa nito kanina habang nasa pantry sila. Habang nagtitimpla siya ng kape'y pinisil nito ang pwet niya. Wala namang tao at wala rin namang CCTV sa parteng 'yon kaya walang nakakita sa kanila. “Ang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak,” sabi ni Dexter habang nakahawak ang kanang kamay sa ulo. “Gaano ba karami ‘yung nainom ko? Buti nagising pa 'ko kanina.” “Kulang na lang order-in mo lahat ng alak doon sa bar, kaya pati ‘tong sina Buddy at Gio, nagpakalunod kasama mo," sagot ni Vida habang nakaharap sa maliit na salamin na nakapatong sa table nito at naglalagay ng kilay gamit ang hawak na eyebrow pencil. Pumasok ito nang walang make-up dahil tinanghali

