CHAPTER 23 Akay ni Gio si Dexter habang pasuray-suray na ito kung maglakad dahil sa labis na kalasingan. Mahina pa itong kumakanta ng One Last Cry ni Brian McKnight. Ikinakanta na lang nito ang sakit ng pagkabigo sa pag-ibig. “Kami nang bahala kay Dexter. Kami na ni Simon ang maghahatid sa kanya sa bahay,” sabi ni Vida na naglalakad sa tabi niya habang nakasunod dito ang nobyong si Simon. Sa kanilang anim si Simon lang ang hindi uminom dahil magmamaneho pa. Tumigil sa paglalakad si Buddy at nilingon sila. “Paano ‘yung kotse ni Dexter?” tanong nito. Lasing na rin ito at ang mapulang mukha nito ang ebidensya. “Dy, naiwan doon sa office ‘di ba? Kotse lang ni Simon ang ginamit natin papunta rito,” sabi ni Julie na nakayakap ang isang braso sa tagiliran ng nobyo. Napatigil din ito sa pag

