CHAPTER 22 “Ang bilis ng araw ‘no? December na bukas.” Napatingin si Gio kay Julie nang magsalita ito. Nasa pantry sila at nagme-merienda. Kumakain ito ng turon na saging na may makapal na asukal sa labas kaya nang pagkagat nito’y napakalutong ng tunog. Katabi ni Julie ang nobyong si Buddy na kumakain naman ng siomai na maraming chilli sauce, kaya may butil-butil ito ng pawis sa noo dahil sa sobrang anghang ng kinakain. Hindi pa nauubos ni Buddy ang kinakaing siomai pero mauubos na nito ang iniinom na s**o’t gulaman. “Gio, ready ka na ba?” tanong ni Vida sa kanya habang pinapaikot ang plastic na tinidor sa kinakaing spaghetti na nakalagay sa carton box na kulay puti. “Para sa’n?” tanong niya habang tinatanggal ang balot ng sandwich na binili ni Leon para sa kanya kaninang umaga. Bago ka

