CHAPTER 21 “Ang cute natin dito, ‘tsaka dito rin. Ang ganda ng kuha mo d’yan,” rinig niyang kwentuhan nina Buddy at Julie sa likuran niya habang nasa office sila. “Oy, Gio!” tawag ni Julie sa kanya kaya napalingon siya. “Ano’ng amoy ng kilikili ni Sir Leon?” Napakunot ang noo niya sa tanong ni Julie. Nananahimik siya, tapos tatanungin siya tungkol sa kilikili ni Leon. “Ha?! Bakit ko naman aamuyin ‘yon?” sagot niya kahit na alam naman talaga niya kung ano’ng amoy nito. Mabango. Palagi namang mabango si Leon. “Tingnan mo ‘to,” inilapit ni Buddy sa kanya ang hawak na camera. “Ano ‘yan?” Tiningnan niya ‘yung picture. Si Julie at Buddy ang nakita niya sa picture na ang lapad ng mga ngiti. “Kayo ‘yan eh,” sabi pa niya. “Tingnan mo ‘yung nasa likod,” sabi ni Julie na lumapit na rin sa kanil

