CHAPTER 20 “Gio,” nagising siya sa boses ni Leon na tumatawag sa pangalan niya. Pagmulat ng mga mata niya, mukha nito ang una niyang nakita. Hindi niya alam na nakatulog pala siyang nakaunan sa bisig at nakasiksik sa dibdib nito. Napabangon siya dahil naisip niyang baka nahihirapan na ito sa pwesto nilang dalawa kaya siya ginising. “S-sorry.” “No. It’s okay. Hindi pa dapat kita gigisingin, pero umiiyak ka habang natutulog.” Humawak siya sa mata niya at basa nga ito. “Ano’ng napaginipan mo?” May pag-aalala sa tono ng boses nito. “Hindi ko maalala,” sagot niya at ito ang totoo. Hindi niya talaga maalala kung ano’ng napaginipan niya pero ramdam pa niya sa dibdib ‘yung bigat at sakit. “May breakfast na. Kain na tayo. Nagpadala na lang ako rito sa kwarto.” “Ang aga mo namang nagising ka

