CHAPTER 71 Tumingin siya kay Leon. Ang kanyang mga mata mukhang nanghihingi ng tulong. Kahit wala siyang sabihin, mukhang alam ni Leon kung ano'ng nais iparating ng tingin niya. Gumawa ka ng paraan. Utang na loob, Leon. “Marinated na ba ‘yung mga iihawin? Willing akong mag-ihaw basta ready na lahat.” Hindi pa man sumasagot at lumalabas ang ina at kapatid ni Leon, nagpapasalamat na siya sa isip niya para sa paggawa nito ng dahilan para umalis ang dalawa. Napatayo ang mommy ni Leon. “Buti pinaalala mo anak! Hindi pa nga pala! Lulu, sumama ka sa ‘kin. Ang dami pang gagawin.” “Okay po,” sagot ni Lulu at saka sumunod sa ina palabas ng kwarto nila. Nang mai-lock na ni Leon ang pintuan, binato niya ‘to ng unan na nasapo naman nito. “Muntik na tayo do’n. Namawis mga singit ko sa takot.” Nag

