CHAPTER 11

1347 Words

CHAPTER 11 “Gio, sabay ka uli?” tanong ni Buddy sa kanya. Ilang minuto na lang uwian na nila. “Hindi ako sasabay ngayon.” “Bakit? May date ka?” usisa ni Vida sa kanya. “Niyaya mo na si Nina?” “Hindi.” Nangingiti niyang sagot. “Dadaan ako sa pet shop. Ibibili ko ng kulungan ‘yung alaga kong pusa.” “Ang cute naman. Para kang si Mino at Jinwoo.” Hindi niya alam kung sino ‘yung mga sinabi ni Julie pero sigurado siyang related na naman ito sa hilig nitong Kpop. “Nakita ko sa kalsada kagabi. Naawa ako kaya inuwi ko,” sagot niya rito. “Ang lakas pa naman ng ulan kagabi. Buti na lang isinakay ako ni—.“ Natigilan siya nang maalala ang sinabi ni Dexter dati. Kung alam ko lang kung saan nakatira si Sir Leon, hihintayin ko siya hanggang sa makauwi siya para mapatunayan ko na hindi sila at hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD