CHAPTER 12 Panay ang buntong-hininga ni Gio. Kanina pa siya nakatitig sa screen ng computer niya at pailing-iling. “Tsk!” Inis na siya. Pinaikot niya ang upuan niya at humarap kay Buddy na ang table ay nasa likuran lang niya. “Bud, paano ba ‘to? Pa-check nga. Hindi ko alam saan ako may mali.” Napakamot siya sa gilid ng ulo niya. Nilingon siya nito. “Mas alam ni Dexter ‘yan. Sa kanya mo pa-check.” “Ano ba ‘yan?” Tumayo si Dexter at lumapit sa kanya. Tumayo ito sa kaliwa niya. “Tingnan mo nga. Naba-badtrip na ‘ko. Sumasakit na ulo ko.” Yumuko si Dexter at tumingin sa screen ng computer niya. Magkapantay na ngayon ang mga mukha nila at konti na lang ay pwede nang magdikit ang mga pisngi nila. “Tingin nga.” “Sir Leon.” Narinig niyang sabi ni Julie. “Hello po.” Napatayo nang diretso si

