CHAPTER 57 “Okay. Oo. Hindi. Oo. Minsan.” Nakahiga sa kama si Gio at kausap niya si Angela. Ang isa sa mga babaeng madalas niyang makausap at makapalitan ng text messages. Sa ibang school ito nag-aaral at tulad niya'y nasa ikatlong taon na rin ng high school. Maganda ito, mestisahin, at sikat sa school nito. Palagi rin itong kinukuhang muse. Unang beses niya itong makilala noong nakaraang interschool competition. Unang kita pa lang ay nagandahan na siya rito, ngunit hindi siya nagkalakas ng loob na kausapin ito lalo na't marami itong kasamang mga kaibigan. Nagkita lamang sila uli tatlong buwan na ang nakakaraan sa isang bookstore nang may bilhin siyang school supplies para sa isang school project. Mag-isa lamang ito at nagkakwentuhan sila hanggang sa hingin na niya ang cellphone number ni

