CHAPTER 58 Kasama ni Gio na kumakain sa canteen sina Lulu, Vicky at JB nang lumapit sa kanila si Leon. Katabi niya si Lulu na mabilis na umusog at hinila siya kaya nagkaroon ng space sa tabi niya para doon maupo si Leon. “Bakit nandito ka? Hindi ka doon sa mga kaklase mo sumama?” tanong niya rito. “Wala nang space do'n.” Lumingon siya sa table ng mga kaibigan nito, pero may bakante pa naman. Naisip na lang niya na baka naka-save na ‘yung upuan para sa iba. Wala pang ilang minuto nilang kasama si Leon, pero may lumapit na agad dito na dalawang babae. “Leon,” sabay pang sabi ng mga ito. Tiningnan naman ni Leon ang dalawang babae. “Para sa ‘yo,” sabi ng isa na matangkad, mestisa at kulot ang buhok. May inabot itong letter kay Leon. “Ito rin,” sabi naman ng isa pa na may dala namang bo

