Shaira's POV
Nagising ako sa 'di pamilyar na kwarto. Puti ang dingding at umiikot sa buong silid ang amoy ng gamot. Nasa hospital ako?
Nilibot ko naman ang mga mata ko sa silid bago tumuon ang buong atensiyon ko sa lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hawak niya nang mahigpit ang kamay ko.
Bumuntong hininga muna ako bago tinaas ang isang kamay ko para abutin ang buhok niya. Marahan ko 'yong hinaplos. Marami pa talaga akong hindi alam sa kaniya. Kung magtatanong ba ako, magsasabi ba siya ng totoo?
Ngumiti ako nang imulat niya ang mga mata at diretsong tumingin sa'kin. "Hi.." Bulalas ko.
"You're awake!" Mabilis siyang tumayo at sinapo ang pisngi ko. "Are you okay? Are you hurt?" Nag-aalalang tanong niya. Halos hindi na siya mapakali habang nakatitig sa'kin.
Natawa ako. "Calm down, Andrew. I'm fine." Gilid lang naman ng labi at pisngi ang masakit sa'kin. Wala naman akong malalang natamo. Hindi ko na rin naman kailangang matakot pa kasi nandito siya. "Kailangan ko lang ng oras para kalimutan ang mga nakita ko." Iyon din kasi ang unang beses na nakakita ako ng mga patay na katawan. Nasa state of shock pa ako.
"I'm really sorry. Kasalanan ko." Halos pabulong na niyang bulalas.
Umiling ako at akmang sasagot nang biglang bumukas ang pinto. Sabay naming nilingon kung sino ang pumasok. "Shaira!" Halos takbuhin na niya ang distansiya naming dalawa.
"Mommy.." Halos itulak na niya palayo si Andrew sa'kin bago ako sinugod ng yakap. "I'm so worried, anak. Are you hurt? You okay? May ginawa ba silang masama sa'yo?" Sunod sunod niyang tanong.
"I'm fine, Mom. Liro and Andrew came to save me." Nakangiting sabi ko. Tumingin ako sa likod niya at nagbabakasakaling kasama niya ang Daddy para bisitahin ako. Wala talaga siyang pakialam sa'kin.
"Busy lang ang daddy mo kaya wala siya rito..." Sabi ni Mommy nang mapansin niya sigurong hinahanap ko ang Daddy.
I sighed. "Okay.." Pilit akong ngumiti para hindi na siya mag-alala pa.
"I love you, Shaira." Sabi lang niya bago ako ginawaran ng magaan na halik sa noo. Napapikit na lang ako.
"Uh, Magpahinga ka na muna." Sabi niya.
Aalma sana ako kasi kagigising ko lang ng kaagad niyang binaling ang atensiyon kay Andrew. Seryoso at mukhang galit ang Mommy nang tingnan niya si Andrew. Kinabahan ako. Baka isisi niya kay Andrew ang nangyari sa'kin.
"Let's talk." Mariing sabi ni Mommy kay Andrew.
Mabilis namang tumango si Andrew. "I'll wait for you outside, Tita." Sinulyapan niya muna ako bago siya lumabas. Nag-aalala ako na baka pagalitan siya at sisihin. Ayokong isipin niya na kasalanan niya itong nangyari. Walang may gusto nito.
Inabot ko ang kamay ni Mommy nang akmang susunod na siya sa labas. She smiled sweetly at me. "Mabilis lang ito, Anak." Malumanay niyang sabi.
"Please, Don't blame him. He save me, mom." Sabi ko.
Inabot niya ang buhok ko at masuyong hinaplos. "I know. Don't worry.." Sabi niya lang bago sumunod kay Andrew sa labas.
Andrew's POV
"Anong nangyari?" kalmadong tanong niya.
"I'm sorry." Tanging nasabi ko. It was really my fault. Kung mas binantayan ko sana siya at kung hindi ko sana pinairal ang galit ko, hindi ito mangyayari.
"I'm sorry?! I told you to protect her! Pumayag akong sa'yo siya tumira dahil ang sabi mo, magiging ligtas siya sayo. Pero bakit parang mas nanganganib siya sa puder mo?" Asik niya.
Napayuko ako. "I'm sorry. Hindi na ito mauulit." For the first time in my life, ngayon lang ako nagpakababa ng ganito. All for her.
"Siguraduhin mo lang. Ako mismo ang kukuha sa kaniya kapag nangyari pa ito." Banta niya. Namutla ako. I know, wala akong magagawa kung kukunin niya sa'kin si Shaira. And it scares me."Take care of her, Andrew. Protect her. That's all I asked."
"I promise." I will protect her this time.
Dismayado siyang umiling. "I have meetings today. Tell her that I'll visit her to your house next week." Sabi niya bago umalis.
Mabigat akong bumuntong hininga. Natatakot ako na baka mawala siya sa'kin.
I can't afford to lose her.
Not now.