KABANATA 11

924 Words
Shaira's POV Nagulat ako ng may mga putok ng b***l at pagsabog akong narinig sa labas. Nakaramdam ako ng matinding takot. Pakiramdam ko anumang oras ay hihimatayin ako sa sobrang kaba. Ano bang nangyayari? Nanlaki ang mga mata ko ng biglang kumalabog ang pinto. Maya maya lang ay nakita ko si Jonel na hingal na hingal. May hawak siyang b***l na agad niyang tinutok sa'kin ng tuluyan na siyang makalapit. "Akala niya siguro hindi kita kayang patayin?!" Singhal niya bago ako kinaladkad palabas. "B-Bitawan mo 'ko!" Pagpupumiglas ko sa kaniya.  "MANAHIMIK KA!" Galit at gigil na asik niya. Dinikit niya pa sa gilid ng noo ko ang b***l at pinagdiinan 'yon. "Kung gusto mo pang mabuhay, tumahimik ka!"  Napapikit na lamang ako. Wala na akong nagawa kung hindi ang magpadala sa panghihila niya. Kailangan kong maging matapang. Kailangan kong lakasan ang loo-Namutla ako at parang nahilo nang may madaanan kaming mga patay na tao. Halos maligo na ang iba sarili nilang dugo. Humikbi ako. "Please...l-let me go. W-Wala naman akong atraso sa'yo..." Hikbi ko habang pilit iniiwas ang tingin sa paligid namin. Hindi ko kayang tumingin sa mga taong halos hindi na makilala dahil sa mga tinamo nila. Parang nasa gyera kami! "Sabi nang tumahimik ka!" Singhal niya. Sasampalin niya sana ako ng matigilan siya. May malamig at nakakatakot na boses kasi na nagsalita sa likod niya. "Try to hurt my girl or I'll kill you." Seryoso ngunit may pagbabantang sabi niya. Kumabog ng malakas ang puso ko. Ngumisi lang si Jonel. Parang wala siyang pakialam kung sino man ang humaharang sa'min. "Bakit Andrew? Kaya mo ba akong patayin ng nakatalikod?" Nakangising tanong niya habang nakatingin lang sa'kin. Napalunok ako sa tensiyon. "Alam mong kaya kong gawin 'yan." Mariing sagot ni drew, pagkatapos ay nakarinig ako ng kasa ng b***l. Lumuwang naman ang pagkakahawak sa'kin ni Jonel. Akala ko'y nasindak siya at pakakawalan nalang ako pero laking gulat ko ng bigla niya akong inikot paharap kay Andrew at nagtago sa likod ko. Ginawa niya akong panangga. "Tingin mo ba maliligtas ka ng night and shining armor mo?" Bulong niya sa'kin. Mas kinabahan naman ako dahil do'n kaya napatingin ako kay Andrew. Lumambot ang mga titig niya at unti unting binaba ang b***l na hawak. Humikbi ako. Natakot ako na baka hindi ko na siya makita bago ako mamatay sa araw na 'to. Akala ko hindi na siya darating. "Bakit ka umiiyak? Natatakot ka na ba?" Bulong ng demonyong Jonel. Nakapulupot ang isang braso niya sa leeg ko, samantalang nasa tagiliran ko naman nakatutok ang b***l niya. Nanginig ako sa takot ng mas dumiin pa 'yon.  "A-Andrew...." Hikbi ko. Alam kong kakalabitin ni Jonel ang gatilyo. Ramdam kong hindi siya nagsi-sinungaling. "Anong gagawin mo ngayon, Andrew? Bakit 'di mo pa ako patayin?" Tanong ni Jonel sabay lapit ng bibig niya sa tainga ko. Napapikit na lamang ako. "Huwag kang duwag. Let her go, Idiot." seryosong sabi ni drew. "HINDI AKO DUWAG!" Galit na sigaw niya. Para akong mauubusan ng hangin nang halos sakalin na niya ako. Umawang ang bibig ko para kumuha ng hangin. "Hinahamon mo talaga ako." Banta niya. Nanghina ako at namutla nang makarinig ako ng putok ng b***l.  Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak sa baywang ko at pagtutok sa'kin ng b***l ni Jonel hanggang sa 'di ko namalayang bumagsak na pala ito sa sahig. Napatingin ako sa taong nagpaputok, si Liro . Nandito rin siya? Nakaramdam ako ng panglalambot at panghihina nang makita ko ang duguang katawan ni Jonel. Nanginig ako at namumutlang nilingon si Andrew. Nahilo ako at akmang matutumba nang may sumalo sa'kin. "Shaira?! Shaira!"  Narrator's POV Nang mahimatay si Shaira, naging maagap si Andrew at nasalo niya ito.  Agad niyang binuhat si Shaira papunta sa sasakyan nila para madala na ito sa ospital, samantalang sumusunod naman si Liro sa kanila. Sa mundo ng mga Mafia, magkaaway sila. Ngunit, sa nangyaring ito na nasa panganib si Shaira kailangan nilang magkasundo. Kailangan nilang magtulungan para sa babaeng importante sa kanila. "Is she okay?" Nag-aalalang tanong ni Liro habang sumusulyap sa rear mirror. Nasa backseat ang dalawa kung saan hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Shaira. "She needs to be okay." Mariing sagot niya.  Naniniwala si Andrew na matapang si Shaira. Anumang pagdaanan nito sa buhay niya, naniniwala siya na kaya pa ring bumangon ni Shaira. Sa nangyaring ito, Magiging okay din siya. Tuwing sumusulyap naman si Liro sa kanila ay 'di nya maiwasan ang hindi magselos at masaktan dahil sa mga tingin ni Andrew kay shaira. He looks soft and calm....and in love. Noong una pa lang nararamdaman na niya ang kakaibang turing ni Andrew kay Shaira. At alam niya rin na hindi siya mamahalin ni Shaira ng higit pa sa kaibigan. Kahit gano'n nanatili pa rin siya sa tabi ng kaibigan at nangako siya na kahit anong mangyari, po-protektahan niya ang babaeng minamahal.  Ang  tanging gusto niya lang naman ay maging masaya si Shaira at mailayo sa baliw nitong ama. Mula ng unang makilala ni Liro si Shaira ay nagkaroon na agad ito ng interest sa babae kaya ginawa niya lahat para mapalapit dito. Pina-imbestigahan pa niya ito at kinuha lahat ng impormasyon na kakailanganin niya tungkol sa babae. Doon na rin niya nalaman na sinasaktan ito ng Ama.  Minsan pa nga'y may mga pasa si Shaira na pilit nitong tinatago pero hindi nakakaligtas sa kaniya. Nagagalit siya pero wala naman siyang magagawa kung hindi ang magpanggap na walang alam at pasiyahin ang kaibigan. Nakuntento nalang rin siya sa pagbabantay rito at pagiging bestfriend nito. Atlis nakakasama niya pa rin ang babae at nakikita niya ang mga ngiti nito. Napasulyap ulit siya sa dalawa at mapait na ngumiti. "Kung sa kaniya ka sasaya. tatanggapin ko na lamang. Alam kong mailalayo ka niya sa makasarili mong Ama. Kahit kaibigan mo lang ako,  pwede naman kita sigurong mahalin ng palihim?"   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD