Shaira's POV
"Dad, sorry po. hindi ko po sinasadya." Paghingi ko ng tawad kay Daddy nang matapunan ko siya ng juice.
"STUPIDA!" Galit na singhal niya 'tsaka ako sinampal.
"Sorry po..." Umiiyak na sabi ko.
"Ayokong tanggapin 'yang punyet*ng sorry mo!" Singhal niya pa bago ako hinila papunta sa basement namin.
"D-Dad, A-Ayoko po dito. Please, dad ilabas mo po ako dito!" Pagmamakaawa ko ng iwanan niya ako sa loob ng madilim na basement.
"Diyan ka lang hanggang sa magtanda ka!" Sigaw niya mula sa labas.
Wala si mommy dahil may interview siya sa studio ngayon kaya walang tutulong sa'kin. Napasiksik nalang ako sa gilid at umiyak ng umiyak.
Simula no'n nagsimula na akong matakot sa dilim.
"Wake up, bitch."
Nagising ako ng may magbuhos sa'kin ng tubig. May liwanag na rin kaya nakikita ko na ang mga taong kasama. May mga iilang tao ang nasa harapan ko pero ang mas nakakuha ng atensiyon ko ay ang lalaking may kausap sa telepono.
"Buhay pa naman siya.......hahaha......Gawin mo lang lahat ng gusto namin kung gusto mo pa siyang makitang buhay." Sabi nito bago lumingon sa'kin.
"Maganda 'tong babaeng napili mo, Alcantara. Sexy, makinis at maputi." Tawa niya habang palapit sa'kin.
Akma niyang hahawakan ang pisngi ko nang i-iwas ko 'yon. "Don't touch me!" Singhal ko.
"Fck you, Jonel!" Narinig kong asik ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Naka-loudspeaker na pala ang phone.
Nanlaki ang mga mata ko. Napuno ng saya at pag-asa ang puso ko kahit boses lang niya ang naririnig ko. "Andrew!"
"Shaira?! Shaira, are you okay? Sinaktan ka ba nila?" Kalmadong tanong niya.
Naiyak ako. "AIisin mo naa ko dito, drew. Ayoko na dito. Natatakot ako." Pagmamakaawa ko.
"Shhhhh....Don't worry, I'll save you. No matter what---" Hindi na siya pinatapos no'ng lalaki.
"---Ang sweet naman. Paano kaya kung patayin ko ang babaeng mo? Susunod ka kaya sa kaniya sa impyerno?" Nakangising sabi niya.
"Mauuna ka muna sa impyerno pangit!" Sabat ko.
Marahas niya akong binalingan at binigyan ng malakas na sampal.
"Gago ka, Jonel. Kapag nagkita tayo papatayin kita! Putang*na mo!" Galit na sigawi ni Andrew sa kabilang linya.
"Matapang pala 'tong babae mo, Andrew." Tawa niya sabay hawak ng mahigpit sa buhok ko. Napaigik ako sa sakit.
"What.do.you.want.?" Kalmado ngunit may diing tanong ni Andrew.
Mukha namang natuwa ang baliw. Mabilis ako nitong nilubayan at nag-focus kay Andrew.
"Simple lang naman ang gusto ko, Andrew. Gusto kong bumaba ka ng trono para ipaubaya sa boss ko." nakangising sabi nya.
Nakatingin lang ako sa kaniya ng may pagtataka. Anong sinasabi niyang trono? May amo pa pala siya, pero sino? Anong kailangan niya sa'kin at kay Andrew? Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon, hindi ko na namalayan na naibaba na pala ng lalaki ang cellphone nya.
"Sa mga tingin mo, parang wala ka pang alam?" Nakangising tanong niya. Bakit kanina pa 'to ngumingisi?
"Ano bang ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.
"Poor girl." Sabi niya bago sila lumabas ng kwarto kung saan nila ako tinatago.
Naiwan na naman akong nag-iisa. Ano bang ibig niyang sabihin? Hindi ko sila maintindihan.
Gusto kong malaman ang totoo pero parang may pumipigil rin sa'kin na alamin 'yon. Pakiramdam ko masasaktan lang ako. At natatakot ako sa posibleng malaman.