Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Gulat pa rin ako sa bilis ng mga pangyayari. Should I say thank you? Should I say----"W-What the?!"
Nagulat ako ng may biglang sumuntok kay Andrew at may biglang humila sa'kin palayo sa kaniya. Sobrang bilis ng pangyayari. Sa sobrang bilis 'di ko na namalayan na may kumakaladkad na pala sa'kin palayo kay Andrew.
Tiningnan ko kung sino ang kumaladkad sa'kin. Nakaramdam naman ako ng takot ng makita ko ang galit sa mukha niya. Mahigpit pa ang hawak niya sa braso ko at nakakatakot ang mga tingin niya.
Ito ang kinakatakutan ko sa kaniya. Sa 'di ko malamang dahilan naalala ko naman ang mga nangyari noong isang gabi na may pinatay siya. Nakatatak na 'yon sa isipan ko at mukhang hindi na talaga maaalis.
"Liro..." Mahinang bigkas ko sa pangalan niya 'tsaka ko pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko.
"Liro, ano ba? Nasasaktan ako!" Pagpupumiglas ko ng mas lalo niya pang higpitan ang hawak sa'kin, parang lahat ata ng galit niya inilalabas niya sa braso ko.
Napapangiwi na ako. "Liro, nasasaktan nga sabi ako. eh!" Kahit anong gawin ko parang hindi niya na ako naririnig. Galit na galit siya, pero bakit? bakit siya nagagalit? at kanino siya galit?.
Nasa labas na kami ng university at papunta na kami sa sasakyan niya nang may humila na naman sa'kin. Nabitawan naman ako ni Liro at galit na hinarap kung sino 'yon. Gulat akong napatingin kay Andrew nang dalhin niya ako sa likod niya bago sinugod si Liro.
Nagulat na lang ako at hindi na siya napigilan nang suntukin niya si Liro. Parehas silang galit at walang gustong magpapatalo. Hindi ko alam kung paano sila aawatin. Nanigas na lamang ako sa kinatatayuan at hindi makaalma sa gulat. Kahit sino naman kasi siguro matatakot sa mga aura nila at sa mga tingin nila sa isa't isa. Parang handa na silang magpatayan, eh.
"Damn you! Wala kang karapatang ilayo siya sa'kin." Galit asik ni Andrew.
"Karapatan? Bakit ikaw anong karapatan mong lumapit sa kaniya? Hindi ba wala?" Nakangising sabi ni Liro.
"She's mine. Wala kang alam kung anong karapatan meron ako. So, you better shut the fck up!" Galit na singhal ni Andrew. at bago ko pa siya mapigilan, muli niyang sinugod si Liro at sinuntok.
Napasigaw ako. Ngumisi lang naman si Liro at tumayo na parang walang nangyari. "You.don't.own.her." Mariing bulalas niya bago gumanti ng magkasunod na suntok kay Andrew.
"Tumigil na kayo!" Hindi ko na namalayan na umiiyak na ako habang nanunuod sa away nila.
Walang tigil sila sa pagpapalitan ng suntok sa isa't isa. Wala na silang pakialam sa paligid nila. Kahit mga sigaw ko ay hindi na nila pinapansin. Nakita ko ang isang guard na may kinakausap sa walki talkie na 'to habang nakatingin sa dalawa. Alam ko 'di ito aawat dahil kilala ang dalawa sa walang sinasanto kahit sino. May iilan ding nakakakita pero mukhang wala pa ding balak makialam.
"Ano ba?! Tumigil na kayo!" Sigaw ko pero parang wala talaga silang naririnig.
Sinubukan kong lumapit sa kanila pero aksidente lamang akong naahahawi ni Andrew. Napaatras ako at lumayo sa kanila. Hindi na sila nakikinig at ayaw na rin magpaawat. "Tumigil na sabi kayo!" Sigaw ko.
Hindi pa rin sila tumitigil kahit nagkakasakitan na hanggang sa may humintong itim na Van sa tabi ko at may mga nag-labasang mga lalaki doon. Namutla ako nang lumapit sila sa'kin. Napahakbang ako paatras at takot na nilingon sila Andrew. Sisigaw sana ako para humingi ng tulong sa kanila ng may nagtakip ng panyo sa ilong ko. Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng hilo.
"SHAIRA!" Ang boses ni Andrew ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Bumungad sa'kin ang madilim na kwarto nang magising ako. Nanginig ako sa takot. Ayoko sa madilim. Ayoko rito. Gusto kung tumakbo palayo sa lugar na 'to pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay ko sa likod ng upuan. Humikbi ako.
"Drew. Ayoko rito." Hindi ko alam kung bakit si Andrew agad ang pumasok sa isip ko. Basta ang alam ko lang, siguradong ililigtas niya ako rito. Alam ko 'di niya ako pababayaan.
"Gising kana pala..." Tanong sa'kin ng nakakatakot at mala-demonyong tao. Hindi ko siya nakikita dahil sa dilim pero alam ko na lalaki siya, dahil sa boses niya.
"A-Anong kailangan mo sa'kin?!" Kinakabahang tanong ko.
"Wala kaming kailangan sa'yo pero sa dalawang taong nagbibigay ng importansiya sa'yo, malaki ang kailangan namin sa kanila." Halakhak niya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Baka nagkakamali ka lang ng kinuha!"
Tumawa ito na parang baliw 'tsaka hinawakan ng mahigpit ang buhok ko. Napaigik ako sa sakit.
"Huwag ka ng mag-maang-maangan dahil alam mo kung sino ang mga tinutukoy ko." Nanggigigil na sabi niya. Mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak sa buhok.
"W-WaLa akong alam sa sinasabi mo!" Kahit namimilipit na ako sa sakit, pinilit ko pa ring sagutin siya.
"Sinungaling!" Mas lalo siyang nagalit. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong sampalin. Humapdi ang pisngi ko sa ginawa niya. Nalasahan ko rin ang dugo sa gilid ng labi ko.
"Pasalamat ka at 'yan lang ang ginawa ko sa'yo, dahil kung tutuusin pwede na kitang patayin ngayon!" Asik niya bago umalis.
Naiwan akong umiiyak at takot na takot sa lugar na 'to.
"Drew, please. Sunduin mo na ako....."
Gusto ko nang umuwi....sa bahay ni Andrew.