KABANATA 08

990 Words
Shaira's POV Nasa tapat na ako ng comfort room nang may biglang humila sa'kin. Hindi agad ako nakaalma, lalo na nang yakapin ako nito. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. What the? Nagpumiglas na ako pero mas lalo namang humigpit ang yakap niya. Sino ba 'to?  "A-Ano ba? Let me go!" Asik ko. Sinusubukan ko pa ring lumayo sa kaniya. Napipikon na ako at naiinis. Baliw ba ang isang 'to? "Calm down. Its just me." Nanigas ako nang marinig ang malamig at pamilyar niyang boses. Ilang beses pa akong kumurap bago tuluyang na-proseso sa utak ko kung sino ang taong 'to. "Andrew?" Kunot noong bulalas ko. "What are you...doing?" Hindi na ako nag-pumiglas pa pero hindi ko siya niyakap pabalik. "Bumabawi lang. I've been an asshole this morning." Aniya. Ngumuso ako. "This morning lang ba? You've been an asshole to me since day one." Unang araw ko palang na nakatira sa bahay niya, binabalewala na niya ako at sinusungitan. "Really?" Sabi niya. Humiwalay siya sa'kin 'tsaka ako tinitigan. "I'm sorry for that. I promise, I'll be kind to you." Seryosong sabi niya. He's saying 'sorry?'. Wow! Marunong pala siyang humingi ng tawad?  "Magiging mabait ka talaga? Promise mo 'yan, ha?" Sabi ko. "Yes, Ma'am!" Naningkit lang ang mga mata ko lalo na ng ngumiti siya. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganiyan, 'yong totoong ngiti? Nag-mukha siyang normal na tao ngayon. Para kasi siyang alien dati.  "Hindi ka na galit sa'kin?" Tanong niya. Umiling ako. "Hindi naman ako galit. Nagtatampo lang." Tampo lang ba talaga? Well, hindi ko naman talaga ipagkakailang nainis ako at nasaktan sa ginawa niya kanina. Sobra na rin kasi, pero kahit gano'n marunong pa rin naman akong magpatawad. "Bagay pala sa'yo ang nakangiti, eh." Sana parati ka nalang ganiyan.  Natawa ako ng mag-iwas siya ng tingin. Nahiya pa ang suplado.  "Ang cute mo..." Namula siya. "W-Will you stop that..." Utal at hiyang hiya niyang bulalas. Ngumuso ako. "Why? Pinupuri lang naman kita." Sabi ko. Masaya pala kapag ganito si Andrew.  Lumalabas ang pagka-childish niya pati na rin ang pagiging pala-ngiti niya. Napansin ko naman na may mga taong nakatingin na sa'min. Mga Nagtataka at naku-curious sa'min. Nailang ako. Nakakapagtaka rin naman kasi talaga mga kinikilos namin ngayon, lalo na si Andrew na walang kinakausap dito sa university maliban sa dalawa niyang kaibigan. Bago sa paningin nila na may kausap itong babae at ako pa talaga. Idagdag pa na ngumingiti ito sa'kin. Hindi pa rin pala nila alam na magkakilala kami ni Andrew at nakatira ako sa kaniya ngayon. Walang nakakaalam sa mga nangyayari. May ginagawa ata siya para walang kumalat na kung ano ano. "What the fck are you looking at?!" Maangas na asik niya sa mga nanunuod. Nag-iwas naman agad sila ng tingin. Iyong iba nga halatang natakot kasi agad silang nagsialisan. Takot talaga sila kay Andrew. Mabilis na bumalik ang atensiyon ko kay drew. Nakabusangot na naman siya at nakakunot ang noo. Halatang naiirita na naman siya sa mundo. Laki ng galit sa lahat, 'no? Para namang aping api siya ng mundo. Kaya iwas mga tao sa kaniya, eh. "What are you doing?" Gulat na tanong niya nang ihilamos ko ang kamay sa mukha niya. "Sinusubukan ko lang tanggalin 'yang busangot sa mukha mo. Kunot noo ka na naman, eh." Nakangiting sabi niya. "Tsk." Sabi niya lang, pero may maliit na ngiti sa mga labi. "Bipolar." Ngisi ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay. May nakakaloko pa siyang ngisi na ngayon ko lang nakita. Okay naman pala siya, eh. Marunong naman palang ngumiti. I must say, mas gusto kong ganito siya. Mas gusto ko ang mood niya ngayon kaysa sa mood niya noo. "Sinong bipolar. Mrs. Alcantara?" Nakangiting sabi niya, Wait what? Tinawag niya ba akong Mrs. Alcantara? Bakit pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha? Gosh. Lumakas ang pintig ng puso ko. "M-Mrs. Alcantara?" Namumulang bulalas ko. Enebe? "Your blushing, Mrs. Alcantara." He breathed. Kailangan ba talagang ulit-ulitin? Nagiging kamatis na ako. "H-Hindi, 'no! M-Mainit lang!" Katwiran ko. Ba't kasi ganiyan tawag niya sa'kin? "Really?" Nakangising tanong niya. Hindi pa siya nakuntento sa lapit namin. Mas dumikit pa siya hanggang sa ma-corner niya ako. Napalunok ako. "O-Oo! T-Teka nga....l-lumayo ka nga s-sa'kin...." Natatarantang bulalas niya. Ang lapit ba naman kasi ng mukha sa'kin. "Can I kiss you, Mrs. Alcantara?" Natulala ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Bumaba ang mga mata ko sa mamula-mulang labi niya. Gusto niya raw akong halikan? Mas lalo akong kinabahan. Nakagat ko ang ibabang labi dahilan para bumaba ang tingin niya roon. Ohmyyyy...first ko po mukhang manganganib! "I want to kiss you so bad..." Bulalas niya. Napalunok ako. A-Ano ba? Gawin mo naaa-Ano ba Shaira! Kalma ka lang. Huwag kang bibigay. Syet! Masyado ata akong nahumaling sa anghel na 'to kaya kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Pigilan mo sarili mo,gurl! Pagsubok lamang 'to. "A-Andrew, ano ka ba. H-Huwag ka ngang m-magbiro ng g-ganyan....." Kinakabahang tanong ko. Baka totohanin ko! Ngumiti lang naman siya at mas lalong nilapit ang mukha sa kaniya. Feeling ko hihimatayin na 'ko dito. Sobrang init na mukha at leeg ko. "Mukha ba ako nagbibiro, Mrs. Alcantara?" Tumingin ako sa kaniya. Mukha namang seryoso siya.  Kumurap ako. "Stop cal-----" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang dumampi na ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mata ko. Nang ma-realize ko kung anong nangyari, kusa na lamang pumikit ang mga mata ko at sumunod sa galaw ng labi niya. Mahigpit akong kumapit sa damit niya nang mas lumalim pa 'yon. Para akong na-blangko. Ni hindi ko na naisip na may makakita at nanunuod sa'min. This is a freaking PDA! Bawal ito at nasa rules but what the hell? Wala akong pakialam sa mga rules rules nang oras na 'yon. Nakulong na ako sa mga halik niya. "Andrew...." Hingal kami parehas nang matapos ang mainit na halik na 'yon.  Dinikit niya ang noo sa noo ko. "I Like You..." Sabi nya. "I like the way you smile, The way you laugh, The way you talk. I like Everything about you, Shaira."  Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Gulat pa rin ako sa bilis ng mga pangyayari. Should I say thank you? Should I say----"W-What the?!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD