KABANATA 07

1566 Words
Shaira's POV Halos tumakbo na kami ni Liro sa sobrang pagmamadali. Hindi na namin namalayan ang oras. Ilang subject na pala ang hindi namin napasukan. Patay ako kay Daddy kapag nabalitaan niya 'to. Sa pinto pa lang ay nakuha na namin ang atensyon ng lahat at kung minamalas ka nga naman si Sir manyak pala ang prof. namin ngayon. Mariin akong pumikit. Malas talaga! I sighed. Napatingin naman ako kay Andrew nang maramdaman ko ang init ng titig niya. Nagtaas pa siya ng kilay nang magkasalubong ang mga mata namin. Nag-iwas lang ako ng tingin. Naalala ko lang ang nangyari kanina at sa tuwing naiisip ko 'yon, nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. "I'm sorry, Sir. We're late." Magalang kong bungad kay Sir nang hindi ngumingiti. Swerte naman niya kung ngingitian ko siya, baka mamaya tuluyan na akong manyakin nito. "Okay lang, Iha. Pumasok na kayo." Nakangiting sabi niya sa'min habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa. Ito na naman mga manyak moves niya. Wala siguro silang GMRC sa college noon o baka absent siya parati kaya ganiyan? "PWEDE BANG ITULOY MO NA LANG 'YANG WALANG KWENTANG PAGTUTURO MO?! TIGILAN MO 'YANG KAMANYAKAN MO!" Nagulat nalang ako pati mga kaklase namin ng biglang sumigaw si Liro. Nanlaki naman ang mga mata ni Sir at biglang namutla. "Liro, tama na nga 'yan!" Awat ko sa kaniya. Para na siyang papatay ng tao.At papatulan niya talaga si Sir? Hinila ko nalang siya papunta sa upuan namin. Mabuti nalang at 'di sya pumalag. Nagpipigil ng galit siyang sumunod sa'kin. Init ng ulo ng mga tao ngayon? May dala ba akong heater? "Ikaw talaga masyadong mainit 'yang ulo mo. Hindi ka na naawa sa matanda. Paano kung atakihin si Sir  sa puso?!" Sermon ko kay Liro ng makaupo na kami sa upuan namin. "Wala akong pakialam kung atakihin man ang manyak na 'yan. Maganda nga 'yon at ng wala nang mamba-bastos sa'yo!" Inis niyang sagot. Ngumiwi ako at sinapok siya. "Aray!" Reklamo niya. Medyo napalakas nga ata ang sigaw niya kasi napatingin sila sa'min. Tiningnan lang sila ng masama ni Liro kaya kaniya kaniyang nag-iwas ng tingin. "Ba't ba ang sakit mong mambatok? May bakal ba 'yang kamay mo?" Reklamo niya pa habang hinihimas ang batok. "Kung ano ano nalang kasi ang lumalabas sa bibig mo, eh." Sabi ko. Isa talaga kami sa mga estudyanteng hindi nakikinig sa discussion, lalo naman si Shane. Sobrang daldal din ng isang 'yon. By the way, siguro napapansin ninyong wala siya dito, 'no? Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa isang 'yon. Tumawag lang kasi siya sa'kin kanina para sabihin na hindi siya makakapasok ngayon dahil may emergency raw sa kanila. Nag-tanong naman ako kung anong nangyari. Ang sagot ba naman ng bruha sa'kin  "Secret". Lecheng secret na 'yan. "Totoo naman, eh." Katwiran niya pa. Matigas talaga ulo kaya nasasapok ko, eh. "Liro, tama na okay? Hindi na nakakatuwa." Sabi ko 'tsaka sumandal sa balikat niya. "Nag-kape naman tayo pero ba't inaaantok pa rin ako?" Bulong ko nang nakapikit. Humikab pa ako. Nagtaka naman ako nang nanahimik nalang bigla si Liro. Hindi ko nalang din kinulit para makaidlip ako. Hindi naman magagalit si Sir. Wala namang pakialam ang isang 'yon kung hindi kami nakikinig. Masyadong abalang makipag- face to face sa board, eh. Maya maya lang ay naramdaman kong inilipat ni Liro sa dibdib niya ang ulo ko. Mas kumportable. Napangiti na lang ako. Nakasanayan na talaga naming ganito kami. Aakbayan niya ako tapos hahayaang matulog sa dibdib niya. "Kilala na kita, Liro Fajardo." Rinig kong sabi ng pamilyar na boses. Akala siguro nila tulog na ako kaya 'di sila ng-aalala na baka marinig ko ang pag-uusapan nila. "Good. Ngayon, kailangan mo na lang alamin kung kaaway ba ako o kakampi." Makahulugang sagot ni Liro sa kaniya. "Wala akong pakialam kung kaaway ba kita o kakampi. Isa lang ang gusto kong gawin mo, layuan mo siya Liro. You're putting her on danger." Seryoso pero may halong pagbabantang sabi ni Andrew. "Ano bang pakialam mo?" Maangas na sagot ni Liro. "I just want to protect her." Mariing sagot ni Andrew. Ano bang pinag-uusapan nila? Sino? Bakit kailangan pa nilang mag-away. "Po-protektahan ko rin siya. Stay away from her, Alcantara." Mariin ding sagot ni Liro. Hindi naman na sumagot ulit si Andrew. Bigla nalang silang nanahimik na parang natapos na ang pag-uusap nila sa huling salitang binitawan ni Liro. Ano bang pinag-uusapan nila? Sino ang pinag-aawayan nila? At sino ang po-protektahan ni Liro? Kanino naman? Lunch time namin ngayon kaya nandito kami sa canteen ni Liro. Kasama namin ang tatlo niyang kaibigan, si Roy, Ricky at Ralph. Hindi naman sila mahilig sa R, 'no?. At oo bukod sa'min ni shane, may iba pang kaibigan si Liro. Mababait naman ang mga kaibigan niya at mga makukulit lalo na si Roy at Ricky. Masyadong masayahin ang dalawang 'yon habang si Ralph naman ay may pag-seryoso. Minsan lang rin 'yan kung magsalita. "Roy, pautang naman ako, oh?" Sabi ni Ricky kay Roy. "He! Manahimik ka diyan. Hindi mo pa nga nababayaran 'yong 20 pesos na utang mo sakin, eh!!" Reklamo ni Roy. "Grabe ka naman, sa yaman mong 'yan 20 pesos lang pinapabayad mo pa?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ricky. "Aba! Syempre nman, 'no? Kung hindi kita sisingilin, mangungutang ka ng mangungutang sa'kin. Edi namulubi naman ako sa'yo." Naiiritang sagot ni Roy.. At doon na nga nagsimula ang world war 3 sa pagitan nila. Natawa na lang ako. Ang kukulit talaga nila. Parang mga hindi anak mayaman, eh.  Kung nandito lang siguro si Liro, sigurado akong matatawa din 'yon sa mga kalokohan ng dalawa. Speaking of Liro, Sinilip ko siya sa kung saan siya umoorder ng pagkain namin. Siya kasi ang inutusan ko na bumili ng pagkain. Ayaw kasing tumayo ng tatlo, ako naman ay tinatamad. Binabayaran niya nalang ang mga binili niyang pagkain. Kumaway ako nang lumingon siya sa table namin. Napangiti naman siya. Nag-pogi sign pa siya bago binuhat ang dalawang tray ng pagkain. Loko loko talaga. "Iba talaga siya kapag kasama ka." Makahulugang komento ni Ralph. "Huh?" Tiningnan ko lang siya ng may pagtataka. Napansin ko namang natahimik 'yong dalawa at Tumigil  sa harutan. "Ano bang meron sa'yo at bakit ikaw pa?" Seryoso at mariing tanong niya. Kumunot lamang ang noo ko at nagtaka sa biglang asal niya. I know he's weird, pero hindi ko talaga siya maintindihan minsan. Napansin ko na parang hindi mapakali ang dalawa at parang gusto nilang pigilan si Ralph sa pagsa-salita. Magta-tanong sana ako kaya lang sakto namang dumating na si Liro sa table namin. "Mukhang seryoso ata ang pinag-uusapan ninyo, uh?" Nakangiting tanong niya habang inaayos ang mga pagkain. Sasagot nga sana ako kaya lang naunahan na ako ni Ralph. "Napag-usapan lang namin ang mga pagbabago mo, pare. At balak ko rin sanang sabihin kung anong nakakasama do'n kaya lang dumating ka na." Makahulugang sabi ni Ralph. Napatigil naman si Liro sa ginagawa. Nag-angat siya ng tingin kay Ralph at walang emosyong nakipagtitigan dito. Kumunot lang ang noo ko. Nag-iwas naman ng tingin sila Roy at Ricky. Nanahimik rin sila na possible pa palang mangyari? Mabigat akong napabuntong hininga. Kinakabahan ako sa tensyong namamagitan sa dalawa. Parang gusto na nilang sugurin ang isa't isa. Hindi ko alam kung anong meron. Ano bang problema ng dalawang 'to? At bakit pakiramdam ko may kinalaman ako doon? "Uhm Excuse me? CR lang ako." Siguro kailangan ko munang lumayo sa kanila para kasing may 'di magandang mangyayari. "Sasamahan na kita." Sabi agad ni Liro. Umiling lang ako at pinigilan siya. Mukha kasing may importante silang pag-uusapan. At CR lang naman ako kaya 'di ko na kailangan ng kasama. Kaya ko namang mag-isa. Iniisip ko lang kung bakit ang daming weird ngayong araw?  *Beeep* *Beeeeep* Naputol ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko naman agad 'yon sa bulsa ko at agad na sinagot ang tumatawag. 'Hello... ' Bungad ko sa kabilang linya. 'Hello, Shai?' Si shane! 'Shane? Nasaan ka ba ngayon?' Tanung ko sa kaniya. 'Nasa ospital ako ngayon.' 'Whaaat?! Anong ginagawa mo riyan? Okay ka lang ba? Saang ospital 'yan, pupunta ako.' Sunod sunod kong tanong sa kaniya.  'Shai, easy ka lang. Okay lang ako. Hindi naman ako ang na-ospital, eh.'  Pagpapaliwanag niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.  'Eh, ba't ka nandiyan? Anong ginagawa mo diyan?' Alam ko din kasi na takot si Shane sa ospital. Marami raw kasing multo tapos ngayon malalaman kong nando'n siya. 'Si jiro kasi...' 'Bakit? Anong nangyari sa kaniya?' Tanung ko. Kahit ayoko sa lalaking 'yon, basta mahal siya ni Shane tatanggapin ko na lang. 'Ewan ko ba, Shai. Basta tinawagan niya lang ako kanina na nasa ospital raw siya. Agad akong pumunta dito tapos pagdating ko nakita ko nalang siya na puro bugbog at puro benda sa katawan.' Kwento niya. 'Ano bang nangyari sa kaniya? May nakaaway ba siya para mabugbog siya ng ganiyan at kailangan pang ma-ospital?' Tanong ko. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa bf niya kung wala itong nakaaway 'di ba? 'Napagtripan lang daw sa kanto.' Napagtripan? Wow lang, huh? at sa kanto pa talaga. Okay na ako sa nalaman ko na walang kaaway ang Jiro na 'yon. Kasi kung meron man baka ako na mismo ang papatay sa kaniya. Mahirap na, 'no? Baka mamaya idamay niya pa si shane. Huwag niya lang sasaktan ang bestfriend ko. 'Uh shai? Tatawag nalang ulit ako, huh? Nandito kasi ang doktor. Bye!'   Tsk. Kaya pala hindi pumasok ang bruha. Akala ko kung ano nang emergency. Si Jiro the loko loko lang pala. Umismid ako. Siguro, gawa 'yon ng mga niloko niya? Gumaganti siguro. Nagtataka siguro kayo kung ba't ako naiinis sa Jiro na 'yon 'no? Well, siya lang naman ang ultimate playboy ng campus at balita ko pa nga hobby no'n ang pagpapalit ng babae buwan buwan. Kaya nga bwisit na bwisit ako ng malaman kong sila na ni shane.  Huwag lang siyang magkakamaling saktan si Shane. Nako, lintik lang ang walang ganti. Baka 'di na siya abutin sa ospital kapag ako ang gumanti sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD