KABANATA 06

1574 Words
Shaira's POV Two weeks na ako rito sa bahay ni drew. Nakakabagot. Mabuti nga at nag-tagal ako dito. Sabagay, kahit papaano mas mukha namang bahay 'to kaysa sa puder ni Daddy. Doon kasi parang impyerno. Minsan nga lang nagtataka ako kay Andrew. Madalas ka siyang umaalis at kung minsan gusto ko na ring mag-tanong kung saan siya pupunta o saan siya galing. Gusto ko siyang kulitin tungkol sa bagay na 'yon, kaya lang baka masabihan naman akong pakilamera. At baka masyado ko na ring pinanghihimasukan ang buhay niya. Eh, nakikitira lang naman ako rito kaya inahayaan ko na lang siya. Ngayong araw naman naisipan kong gumising ng maaga para ipaghanda siya ng breakfast in bed. Alam ninyo namang masyadong maarte ang isang 'yon kaya sinusubukan ko rin siyang lutuan. Kinakain niya naman kasi ang mga niluluto ko. "Good morning, Señorita!" Bati sa'kin ni manang at ng iba pang maid nang bumaba ako.  "Ba't ang aga ninyo po atang nagising, Señorita?" tanong sa'kin ni manang. "Gusto ko po kasing ipaghanda si Andrew ng breakfast in bed." Nakangiting sagot ko. Napansin ko namang natigilan sila at nagkatinginan bago sabay na nag-kibit balikat. Nagtaka ako. May masama ba sa paghahanda ng breakfast in bed? "Señorita, ayaw po kasi ng Señorito ang pinaghahanda pa siya ng almusal." Nakangiting saad ni manang. "Ha?bakit naman po?" Takang tanong ko. "Hindi po kasi sanay ang Señorito na pinaghahanda siya ng breakfast." sabi ng isang maid na 'di ko pa kilala. Maniniwala ba kayo na sa loob ng dalawang linggo kong pananatili dito ay wala pa akong kilala sa mga kasambahay,  maliban na lang kay manang. Hindi ko pa nga kabisado 'tong buong Mansiyon. Sobrang laki kasi. Madalas din kasi akong nasa kwarto lang tuwing wala si Andrew. Kapag nandiyan naman siya, doon ako  nambubulabog sa kwarto niya. Wala kaming ginagawang kababalaghan, huh? Nag-aaway nga lang kami parati, eh. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa kaniya. Madalas na nga siyang umaalis, kapag nandito naman wala ng ginawa kung hindi ang mag-kulong sa kwarto niya para mag-trabaho. Nakakainis. Hindi ko nga alam na siya na pala ang CEO ng company nila, eh. Kailangan ko pang mang-g**o sa kwarto niya para lang malaman ko. Asar! "Ako na po ang bahala sa kaniya. Pipilitin ko na lang po siyang kumain." Nakangiting sabi ko kay manang. "Nako. Baka magalit na naman si Señorito, Señorita." Kinakabahang sabi ng isa sa mga maid. "Ako na po ang bahala." Sabi ko sa kanila. Balak ko siyang ipagluto nalang ng bacon, egg and fried rice. Dagdagan ko na rin ng coffee. Habang nagluluto ako, napapatingin ako sa kanila manang na may iba't ibang ginagawa. Ang seryoso nila at puros mga abala. Hindi ko nga maiwasang itanong sa sarili ko kung paano nagtatagal ang mga to sa bahay na sobrang tahimik at may nakakatakot na boss, tulad ni Andrew. Napabuntong hininga na lang ako at itinuloy na lang ang pagluluto.  Makalipas lang rin ang ilang minuto, natapos ko na ang breakfast ni drew. Excited akong nagpaalam sa kanila manang. Mabilis akong umakyat ulit at dumiretso sa kwarto ni Andrew. Siguro tulog pa ang lalaking 'yon. Napuyat din siguro sa kaka-trabaho. Ayaw kasing papigil, eh. Tigas ng ulo. Pag-pasok ko naman sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nasa kama pa rin. Tama nga ako, tulog pa nga siya kaya dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Binaba ko muna ang tray na pinaglagyan ko ng almusal sa side table. "Drew...." Sabi ko ng makalapit na ako sa kaniya. Niyugyog ko siya sa balikat. "Hmmmm...." Ungol niya. Gumalaw siya pero hindi niya pa rin dinidilat ang mga mata. "Drew, gumising ka na. Pinaghanda kita ng almusal mo." Hay naku! Ang hirap talagang gisingin ng mga taong trabaho ng trabaho. Binuksan niya naman agad ang mata niya. Tiningnan niya lamang ako bago muling pumikit. "Ayoko." Simpleng sagot niya. Sumimangot ako. Pinaghirapan ko 'to tapos 'di niya kakainin? Sayang naman pala ang effort ko kung 'di ko kakainin. "Sayang naman 'tong niluto ko. Pinaghirapan ko pa man din 'to." Nakasimangot kong sabi habang niyuyogyog ulit siya. "Drew, kainin mo muna 'tong niluto ko. Sayang naman, eh. Gumising pa ako ng maaga para magluto." Sabi ko. "Wala akong sinabing gumising ka ng maaga. Lumabas ka na nga lang ng kwarto ko!" Galit niyang sabi bago siya tumalikod.  Sayang naman 'tong niluto ko kung 'di niya kakainin 'di ba? Kaya kinuha ko na lang ang tray sa side table 'tsaka ko binuhat papunta sa harap niya. "Drew, kainin mo na kasi 'to. Please..." pagsusumamo ko sa kaniya. Pagkatapos ay itinapat ko sa kaniya ang kutsarang may bacon. "Drew, try mo 'to." Nakangiting sabi ko. Tiningnan niya lang ako ng masama. "Drew, oh?try mo----" Hindi iko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa pagkabigla. Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang tinapon lahat ng pagkaing hinanda ko sa kaniya. Kahit ang kapeng natapon sa kamay ko ay 'di ko pinansin ang sakit. Mas nangingibabaw pa rin talaga ang pang-hihinayang ko sa mga pagkaing niluto ko. Pinagpaguran ko 'yon, tapos itatapon niya lang? "A-Andrew naman...." Nangilid ang luha ko. Tiningnan niya lang ako na parang wala lang sa kaniya. Bakit siya ganiyan? Minsan mabait minsan naman masungit. Madalas ang cold niya. Galit ba siya sa'kin? Naiinis na ba siya kasi nandito ako bahay niya? Sana pala sinunod ko na lang si manang. Sana 'di ko na lang siya pinagluto ng almusal niya. "Will you please go?!!" Nagulat ako ng muli siyang sumigaw. Kinalagkad niya pa ako palabas ng kwarto niya. Pagkatapos ay padabog niyang sinara ang pinto. Sumikip ang dibdib ko. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak hanggang sa makababa ako ng hagdan. Palabas na ako ng mansiyon nang makasalubong ko si manang. Tinanung niya ako kung bakit ako umiiyak. Umiling lamang ako at 'di na siya pinansin. Tumakbo na lang ako papunta sa driver para mag-pahatid sa school. Mabuti na lang nakabihis na ako.  Buong byahe iyak lang ako ng iyak. Minsan napapansin ko rin na sinusulyapan ako ng driver mula sa rear mirror ng sasakyan, pero 'di ko na lang siya pinapansin. Bahala siya kung maputol man iyang leeg niya kaka-sulyap. Pagdating ko sa university. Agad na akong bumaba ng kotse at nagpasalamat sa driver. Hindi muna ako dumiretso sa room namin. Nag-stay lang muna  ako dito sa parking lot. Baka kasi kapag pumasok ako do'n nang mugto ang mata, magtaka ang mga kaklase ko at sila Liro. "Shai!" Nagpalinga linga ako sa paligid para hanapin kung sino ang tumatawag sa'kin. Napangiti naman ako ng makita ko siyang naglalakad palapit sa'kin. "Kamu--- Umiyak ka ba? Sinong nagpaiyak sa'yo? Ang daddy mo ba?" Sunod na sunod niyang tanong sa'kin. "Kararating mo lang ang dami mo ng tanong." Pagbibiro ko sa kaniya. "Nag=aalala lang ako sa'yo, shai." Nagkakamot ulo niyang sabi. "Okay lang ako, Liro. Tara? Samahan mo muna akong magkape." Nakangiting sabi ko. Hindi pa ako nag-aalmusal. "Okay ka lang ba talaga?"  Tumango lang ako bilang sagot. Kahit ako 'di ko rin alam kung okay lang ba ako o hindi. Basta ang alam ko lang nasasaktan ako at parang may tumutusok na karayom sa puso ko. Ano nga ba 'tong nararamdaman ko.? Hindi ko alam kung anong oras na kami rito ni Liro sa coffee shop. Ang dami niya kasing kinu-kwento. Tawa nga ako ng tawa kasi puros kalokohan naman pinagsasasabi niya. Kung gaano din karami ang kwento niya, gano'n din karami ang na-order niyang kape. Grabe nga itong lalaking to, eh. Ako ang nagpasamang magkape, pero mas marami pa siyang nainom sa'kin. Well, Okay lang naman kahit ubusin niya lahat ng kape dito basta siya ang magbabayad. I smiled. Atleast kahit papaano nakakalimutan ko ang nangyari sa'kin kaninang umaga dahil sa mga kwento ni Liro. Tawa nga kami ng tawa dito sa coffee shop, eh. Kahit pinagtitinginan na kami ng mga customer parang wala lang sa'min lalo na si Liro. Kahit sumasayaw siya ng cha cha sa harap ko hindi siya nahihiya. Parang baliw. Ang daldal niya ngayon. Iyong may nanghaharass nga daw sa kainyang bading at muntik na raw siyang marape kinukwento niya, eh. Kahit hindi nakakatawa ang mga kwento niya basta tumawa lang siya? Matatawa ka na rin, kapag tumawa kasi siya parang wala ng bukas. Sinasabayan ko na lang nga ang kaengotan niya para 'di sya mapahiya. Andrew POV Nang ma-realize ko kung ano ang nagawa ko kanina kay shaira ay dali dali na akong nag-ayos at pumunta sa university. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko kanina. Kung ba't ko 'yon ginawa? Siguro 'di lang ako sanay na may gumagawa sa'kin non. Pero, Putangna naman! Tinapon ko na nga ang pagkaing niluto niya, nasigawan ko pa. At ang pinaka-Tangna dito ay ang napaiyak ko siya. Gag* kasi ako, eh. Sa lahat ng Gago,  ako ang pinaka Gago. Gusto ko syang makausap. Gusto ko siyang makita pero F*ck sh*t naman! Ano namang sasabihin ko sa kaniya? Na Gag* ako at walang kwenta? Tapos anong mangyayari? Mababago ba non ang nangyari? Sh*t! Pagkapasok ko ng room, siya agad ang hinanap ko, pero wala akong nakitang shaira. Kahit nang pumasok na ang mga prof.  wala pa rin sya. Hanggang sa makapasok na ang prof. namin na manyak. Tang*nang matandang manyak na 'to, eh. Sa tuwing minamanyak niya si shaira, parang gusto ko na siyang ilibing ng buhay Gag* siya. Aalis na sana ako ng room para hanapin si shaira at para mapigilan ko ang sarili ko na patayin ang manyak na prof. na 'to nang dumating si shaira. Matutuwa na sana ako. Kaya lang napansin ko na may kasama pala siya. Lalong nag-init ang ulo ko. Naghintay ako sa kaniya tapos nakikipag-date lang pala siya sa isa pang Gag*ng lalaki. Bakit pakiramdam ko gusto kong manuntok ng mukha ng tao? Pakiramdam ko niloloko ako? At pakiramdam ko Inaagaw siya sa'kin! F*ck Sh*t na pakiramdam 'to. Kung pwede lang pumatay ng tao ngayon gagawin ko. Tang*na bat may parang tumutusok sa puso ko 'di ba pang bading lang 'yon. Putang*na talaga pati pakiramdam ko sinasabing bading ako. gago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD