Shaira's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, sa bahay ni Andrew. Wala akong magawa kung hindi ang matulala lang sa dingding at mag-buntong hininga. Sabi kasi sa’kin ni manang, tatawagin niya na lamang daw ako kapag kakain na ng hapunan.
Tumunog naman ang phone ko. Kinuha ko ‘yon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ng bestfriend ko.
“Shai!” Masayang bungad niya.
“Mukhang masaya ka ngayon, Uh?” Tanong ko.
Nagtititili naman siya sa kabilang linya. Feeling ko nagtatatalon na rin ‘to sa kama niya.
“Yieeeeeee! Shai, may boyfriend na ‘ko waaaaaah…” Kinikilig na balita niya. Ako naman ay nawala ang ngiti sa labi at kumunot ang noo.
“Shane!” Pagbabawal ko sa kaniya. Paano ko siya makakausap ng maayos kung tili siya ng tili.
“Sorry, kinikilig lang!” Tawa niya.
“Hmm wala ata akong natatandaan na may pinayagan akong manligaw sa’yo?” Mataray na tanong ko. May nanligaw pala sa kaniya nang ‘di ko man lang alam? Pano kung r****t pala ‘yon? At isa pa, paano nakalusot ‘yon sa’min?
“Sorry na, Shai. Biglaan din nman kasi. Hayaan mo, iku-kwento ko na lang sa’yo bukas, okay?” Sabi naman niya ‘tsaka siya tumili ulit ng tumili sa kabilang linya. Inlove na Inlove lang?
“Siguraduhin mo lang na iku-kwento mo sa’kin ‘yan bukas. And by the way, sino pala ‘yang malas na lalaking ‘yan.” Biro ko.
“Ouch! Malas talaga? Hmm pero ‘di ba kilala mo ‘yong captain ng basketball, si Jiro?” Tanong niya sa’kin.
“Oo, kilala ko nga ‘yon, bakit?”
“Yiieeee! Siya kasi ang boyfriend ko!” Aniya.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
“WHAT?!” Sigaw ko sa kaniya. Loka-loka ba siya? Nakalimutan niya bang babaero ang lalaking ‘yon?!
“Aww my ears. Makasigaw ka naman diyan, Shai.” Reklamo niya.
“Nako, Shane. Malilintikan ka talaga sa’kin bukas pe-pektusan kita.”
“Bakit na naman ba? Wala naman akong ginagawang masama eh?” Kahit ‘di ko siya nakikita alam kong naka-pout siya ngayon.
I heard a knock. Baka si Manang na ‘yon. “Basta bukas na tayo mag-usap, okay? Bye!” Hindi ko na siya hinintay makasagot. Magre-reklamo lang naman siya.
Pagkababa ko ng phone, agad kong pinuntahan kung sino ang kumakatok sa pintuan.
"Magandang gabi po, señorita. Handa na po ang hapunan ninyo." Nakangiting bungad sa’kin ng isa sa mga kasambahay ni Andrew na hindi ko pa kilala.
"Uhm sige. Susunod na lang ako. Thank you." Nakangiting sagot ko sa kaniya. Nag-bow muna siya sa’kin bago umalis.
Nag-ayos muna ako bago bumaba para mag-hapunan. Ang haggard din kasi ng itsura ko, para akong ninakawan ng paboritong chocolate. By the way, this my second night sa bahay ni Andrew kaya naninibago pa din ako.
I sighed. kasabay ko kayang kumain si drew? Umalis kasi siya kanina, eh. Kaya ako lang mag-isang nag-breakfast at nag-lunch. Nakakawala tuloy ganang kumain.
Nagulat ako nang makita siyang nakaupo sa upuan niya. He’s eating dinner with me. Ewan ko ba pero parang na-excite ako. Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko at umupo sa pwesto ko malapit sa kaniya.
Tahimik lang kaming kumakain at tanging mga kutsara’t tinidor lang namin ang maririnig sa buong dining hall, maski ‘yong mga maid na nakatayo sa gilid tahimik rin. Rule ba ‘yon rito?
Kakatakot naman dito sa bahay ni Andrew, sobrang tahimik. Tahimik rin naman sa bahay namin pero iba ditto. Doon kasi sa’min kahit papaano nakakausap ko ang mga maid, dito naman parang bawal. Try ko nga later makipag-interact?
Pero nakakailang sila. Nakatayo lang kasi sila gilid eh, ‘di nagsasalita o gumagalaw. Ano kaya binabantayan nila? Kung may mahuhulog na butil ng kanin sa table namin?
"Tapos kana?" Tanong ko kay Andrew. Bigla bigla na lang kasi siyang tumatayo ng walang pasabi, eh. Nakakagulat kaya.
"Tingin mo?" Mataray niyang sagot bago niya ako tinalikuran at akmang iiwan.
"Hmmmp sungit." Bulong ko. Pinilit ko na lang na inubos ang pagkain ko kahit wala na rin akong gana. Sayang naman ‘tong mga niluto nila manang kung ‘di kakainin ‘di ba? Si Andrew naman hanggang limang subo lang ata siya? Diet ang lolo ninyo?
Napatigil naman siya at hinarap ako. "Anong sabi mo?" Nakataas ang kilay niyang tanong. Nag-cross arm pa ang abnormal. Lakas naman ng pandinig niya? Kahit bulong ko abot ng radar niya? Edi wow.
"Wala! Ang sabi ko masama ang hindi masyadong kumakain." Patay malisyang sabi ko sabay subo ng pagkain.
"So?" Maikling sagot niya. Napatingin ulit ako sa kaniya. Nakataas pa rin ang kilay niya.
"Nakakailang subo ka palang tumayo ka na agad. Nagda-diet ka ba?" kunot noong tanong ko.
He tsked. "The food is not delicious." Balewalang sagot niya bago nag-iwas ng tingin. So, kaya pala? Kasi hindi siya nasasarapan sa mga pagkain?
Napatingin naman ako sa mga maid sa gilid. Yumuko lamang sila habang si manang ay tumango lang sa’kin.
I sighed heavily. Tumayo ako at nilapitan siya. Ngumiti ako. Nagtataka naman niya akong tiningnan. "Halika." Nakangiting hila ko sa kaniya. Nagulat naman siya, lalo na nang dalhin ko siya sa Kusina.
"Bawal tayo dito. At ayoko dito." Iritang pagpupumiglas niya.
Kumunot lang ang noo ko. Apakaarte. "Ano bang masama kung pupunta tayo dito sa kusina? Sayo din naman ‘to." Sabi ko habang nangangalkal sa ref. niya. s*******n ko muna siyang pinaupo sa highchair.
"Oo, sa’kin ‘to. But, I hate kitchen! Malansa at mabaho." Nakangiwing reklamo niya pero hindi naman siya umalis siya pwesto niya. Good boy. Ang arte nga lang, lalaki ba talaga ‘to?
"Ang arte mo! Ang linis linis naman ng kusina mo, Uh? Ano pang inaarte mo diyan?" Mataray kong sagot. Adobo na nga lang ang lulutuin ko para mabilis.
"Ho-hoy! Hindi ako maarte! ‘tsaka huwag mo nga akong tinatarayan, tandaan mo bahay ko pa rin ‘to!" Sumbat niya.
Napa-irap ako. "Whatever! Umupo ka na nga lang diyan!" Sabi ko. Kailangan huwag niya akong inisin kapag nagluluto na ako. Sabi kasi ni Mommy, kailangan kapag nagluluto dapat raw masaya ako para lalong sumarap ang niluluto ko.
"Marunong ka bang magluto? " Tanong niya sa’kin. Napatingin naman ako sa kaniya na kumportable nang nakaupo sa highchair.
"Anong tingin mo sa’kin? Walang alam sa kusina?" Naturuan na kaya ako ni Mommy.
"Naninigurado lang. Mahirap na baka masunog mo pa ‘tong kusina ko." Bored na sagot niya.
"Don't worry, drew. Talent ko kaya ang pagluluto, kaya safe ‘tong kusina mo sa’kin" Sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko.
"Whatever." Irap niya.
Umingos na lamang ako. Kapag ‘di talaga masarap ‘tong luto ko, kasalanan niya.
Makalipas lang ng ilang minute, natapos din ako sa pagluluto. Agad ko naman ‘yong inihanda sa kaniya.
No’ng una inaamoy-amoy niya muna tapos patikim-tikim lang. Hanggang sa tumagal, lalong bumibilis ang pag-subo niya. Parang batang gutom na gutom lang.
Napangiti na lang ako habang tinitingnan siyang kumain. May pagka-matakaw rin pala ang isang ‘to.
"Hindi masarap. Ang lansa lansa naman ng niluto mo." Reklamo niya pagkatapos ubusin ang niluto ko. Namumula siyang nag-iwas ng tingin.
Ngumisi ako. "Kaya pala naubos mo. Hindi Masarap, Huh? Takaw." Tukso ko sa kaniya. Lalo naman akong natawa nang mamula siya lalo.
"Sino bang nag-turo sa’yo magluto?" Curious niyang tanong. Medyo ‘di na siya namumula pero ‘di pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.
"Mommy ko. Parati niya akong tinuturuang magluto kapag wala ang daddy. Shh secret lang ‘yan, ha?" Ngumiti ako. Naalala ko pa noon, hindi ako pinapayagan ni daddy na mag-aral magluto kaya ang ginagawa namin ni mommy, kapag umaalis si dad, doon kami nagluluto.
"Close kayo ng mommy mo, ‘no?" Tanong niya pa.
Tumango ako. "She’s the best. Sobrang maalaga rin kasi ang mommy ko kaya mahal na mahal ko ‘yon." Nakangiting sagot ko.
Tumango lang siya at muling natahimik. Bigla na naming nagbago ang mood niya. Parang ang lungkot niya. "Andrew nasaan pala ang mommy mo? Bakit ‘di ko siya nakita kanina?" Curious kong tanong.
"She's gone" Mabilis niyang sagot nang hindi ako tinitingnan.
Nakagat ko ang ibabang labi. I feel guilty. "I’m sorry. Hindi ko na dapat tinanong." Tumahimik ka na lang dapat, Shaira! Stupid!
"It's okay." Sagot nya ‘tsaka na tumayo.
Maglalakad na sana siya palabas ng kusina nang yakapin ko siya mula sa likod. Nagulat siya sa ginawa ko, alam ko dahil maski ako ay nagulat rin.
Napapikit ako. "Kung nalulungkot ka tuwing naaalala mo ang mommy mo, nandito lang ako. I can be your mom. Pwede mong sabihin sa’kin kung may problem aka. Drew, I also want to be your home." Sabi ko. Nagulat naman ako ng marahas niyang kalasin ang mga braso kong nakapulupot sa kaniya. Hinarap niya ako agad.
"Hindi ka pwedeng maging katulad niya! Hindi mo ‘ko pwedeng iwan katulad ng ginawa niya!" Puno ng galit niyang bulalas ‘tsaka ako mahigpit na hinawakan sa braso. Nanlaki ang mga mata ko sa biglang pag-sabog ng galit niya.
Hindi niya ba gusto ang mga sinabi ko? Na-offend ko ba siya?
"Andrew, nasasaktan ako." Daing ko. Pakiramdam ko magkakapasa na nman ako nito. Katulad din pala siya ni Daddy.
Binitawan niya naman agad ako. Para siyang napaso nang makita niyang nasasaktan ako.
Tiningnan ko naman ang magkabila kong braso na namumula na dahil sa higpit ng hawak niya.
"I-I’m sorry.." Narinig kong bulong niya. Nang mag-angat naman ako ng tingin, palayo na siya.
Gusto ko sana siyang habulin kaya lang baka kailangan niya munang mapag-isa. Malungkot na lamang akong umupo sa inupuan niya kanina.
"Pagpasensyahan mo na ang batang ‘yon. Iha." Nagulat ako nalang ako ng biglang pumasok ang matandang mayordoma sa kusina.
"Manang, Narinig mo po ba lahat?” Tanong ko.
"Oho. Doon po muna tayo sa sala, Señorita." Aya niya sa’kin.
"Pag-pasensyahan mo na po muna ang Señorito. Mabait naman ang batang ‘yon. Malambing din at maalaga." Seryosong sabi niya sa’kin habang nilalagyan ng Ice ang braso ko.
"Okay lang po, Manang. Naiintindihan ko naman po si Andrew."
"Salamat naman, Señorita.” Ngumiti siya. “Hindi na ako magtataka kung bakit masaya ngayon ang Señorito. Nandito ka kasi." Kumunot lang ang noo ko sa sinabi ni manang. Paano naging masaya si drew? Ni hindi nga ‘yon ngumingiti, eh.
"Paano po ninyo nasabing masaya si Andrew ngayon, Manang? Ni hindi nga po ako nginingitian no’n, eh." Nagtataka ko namang tiningnan si Manang.
"Hindi lahat ng oras ngiti ang pagbabasehan kung masaya ba o malungkot ang isang tao, Señorita." Makahulugang sabi niya.
"Po?" Mas lalo akong naguluhan.
"Malalaman mo rin kung ano ang ibig kung sabihin, Señorita." Nakangiting tugon niya.
"Per-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mag-salita siya.
"---Matulog na po kayo. May klase pa kayo bukas." Sabi niya bago ako iniwang nag-iisip sa tinuran niya.
Umakyat na rin ako at bumalik sa kwarto. Hindi ko naman ma-gets si Manang kanina.
"Hindi lahat ng oras ngiti ang pagbabasehan kung masaya ba o malungkot ang isang tao, Señorita."
"Hindi lahat ng oras ngiti ang pagbabasehan kung masaya ba o malungkot ang isang tao, Señorita."
"Hindi lahat ng oras ngiti ang pagbabasehan kung masaya ba o malungkot ang isang tao, Señorita."
Hindi talaga maalis sa isip ko ang mga sinabing ‘yan ni Manang. Totoo kayang masaya si drew ngayon? Napapasaya ko kaya siya. I just sighed. Edi wow, Shaira. Ang feeling mo.