KABANATA 04

1972 Words
Shaira's POV Pagkatapos ng pag-uusap nila Daddy at Papa tungkol sa business nila ay nag-kaniya kaniya na rin kaming umuwi. Ako naman kay andrew na sumabay kasi nga ‘di ba sa kaniya na ako titira mula ngayon? Buti na lang nga dinala na ni mommy ang ibang gamit ko kaya kahit papaano may magagamit ako sa paglipat. I sighed. Sana naman hindi ako magka-problema sa paglipat ko sa bahay ni drew. Napatingin na lamang ako sa kaniya. Tahimik lang siyang nagda-drive at naka-focus sa daan. Naka-sakay pala ako dito sa front seat ng kotse niya. Nasa likod naman ang mga gamit ko. Hindi talaga siya palasalitang tao. Napaka-tahimik niya pa at sa sobrang tahimik niya, nakakapanis na ng laway. Kung kausapin ko kaya ‘to sasagot siya? Sasagutin niya naman kaya ako kung magtatanong ako sa kaniya? Waaaah ang hirap naman nito. Bahala na nga. Bahala na si batman. "Hmmm drew? Ikaw lang ba ang nakatira sa bahay mo?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko nga alam kung bakit ‘yon ang tinanong ko. May matanong lang talaga. Ang akala ko sasagutin niya ako o kaya susulyapan man lang pero hindi. Na-snob ang lola mo! Napasimangot ako. Ni hindi man lang ako sinagot o kahit lumingon man lang hindi nya pa magawa. Umakto pa siya na parang wala siyang naririnig o kasama. How RUDE! Bahala nga siya sa buhay niya. Kung gusto niyang mapanisan ng laway diyan, bahala siya. Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Marami kaming bar na nadadaanan. Mukhang masaya sa loob? Sa maniwala kasi kayo sa hindi, hindi pa ako nakakapasok sa kahit anong bar. Magagalit kasi si Daddy. Ni hindi niya nga ako hinahayaang lumabas ng bahay. Nakakalabas lang ako kapag may pasok o kaya kapag may kasama akong body guard, para raw masigurado nyang hindi ako gagawa ng kahit anong ikasisira ng pangalan niya. Naalala ko nga dati noong tumakas ako para makipagkita sa mga kaibigan ko, kay Liro at Shane. Pagka-uwi ko no’n sa bahay, galit na galit si daddy sa ‘kin. Sinaktan niya ako at kinulong sa kwarto ko ng limang araw. Hmmm ang swerte siguro ng mga taong may magagandang alaala noong kabataan nila, samantalang ako-nevermind. Habang nakatingin ako sa bintana ng kotse ni drew. May napansin akong grupo na mukhang may binubugbog sa gilid lang din ng isang bar. Naningkit ang mga mata ko at mas pinakatitigan sila. Sakto din kasi na mabagal ang takbo ni Andrew. Bahagya pa akong umangat sa pagkakaupo nang may pamilyar na lalaki akong nakita. Nakatayo lamang ito at nakapamusal habang nakatingin sa kawawang lalaki. Umawang ang labi ko nang malampasan namin sila. "Andrew, Stop the car!" Natatarantang sabi ko. Nagulat naman siya sa pagsigaw ko kaya bigla niyang natapakan ang preno ng sasakyan. Muntik pa akong masubsob. Mabuti na lang naka-seatbelt ako. "What the Fck, sharia? What's wrong with you?!" Sigaw niya. Hindi ko na siya pinansin. Bumaba agad ako sa kotse niya ‘tsaka tumakbo pabalik sa kinaroroonan nila Liro. Oo, si Liro ang nakita ko. Naririnig ko ‘yong mga tawag ni drew sa akin pero ‘di ko siya pinansin. Kailangan kong makasigurado, gusto kong malaman ang totoo. Nang makalapit na ako sa lugar kung nasaan sila Liro, huminto na lang ako hindi kalayuan sa kanila at sinigurado ko munang ‘di nila ako makikita. "Liro?" Tama ba ‘tong nakikita ko? Siya ba talaga ‘to? Imposible! Hindi ganiyan ang lirong nakilala ko, hindi niya kayang pumatay ng tao. N-Nakita ko. Nakita ko kung paano niya binaril ‘yong lalaking walang awang binugbog ng mga kasama niya. Pero bakit? Nanghihina akong napasandal sa pader. bakit gano’n? Bakit gano’n siya? Hindi siya ang lirong kilala ko, hindi siya ang bestfriend ko. "Shairah! what's Wro-" Hindi na natuloy ni drew ang dapat niyang sabihin nang mapansin niya ang mga luha ko. "Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Tanong niya sa ‘kin. Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya. Gano’n din ba siya? Kung si Liro na matagal ko na ngang kilala kaya palang pumatay ng tao, si andrew kaya? Kaya din ba niyang pumatay? "I’m o--" Hindi ko na natuloy ang dapat kong sabihin ng marinig ko ang boses ni Liro. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napalingon sa grupo ni Liro. Nang makita ni drew kung ano ang nangyayari, hindi na siya umimik o nagtanong pa. Katulad ko, tahimik din siyang nakikinig at nagmamasid sa mga susunod pang mangyayari. "Itapon na ninyo ‘yan sa ilog at siguraduhin ninyong wala kayong iiwan na ebidensiya. Maliwanag?" Utos niya sa mga kasama. "Opo, boss." Boss? Agad naman siyang sinunod ng mga lalaki. "L-liro? Bakit?" Bulong ko sa sarili. Kahit ‘di niya ako naririnig, umaasa pa rin ako na masasagot niya lahat ng tanong sa isip ko. Kinuha ko na lang ang cellphone ko ‘tsaka ko dinial ang number niya. Gusto kong malaman kung iba ba siya kapag kasama ako. Kung siya pa rin ba ang Liro na kilala ko. Pinagmasdan ko siya habang patuloy sa pagri-ring ang phone niya. No’ng una nagda-dalawang isip pa siya kung sasagutin niya ba o hindi. Akala ko nga hindi niya sasagutin, nagulat na lamang ako ng ilapit niya sa tainga ang cellphone niya. Napangiti ako ng mapakla. Sigurado akong kahit papaano may halaga ako sa kaniya. Napatunayan ko ‘yon sa simpleng pag-sagot niya lang sa tawag ko. "Shai?" Nakangiti siya. Kalmado na rin ang itsura niya, parang iba na namang pagkatao ang pinapakita niya. Sa dalawang ‘yon, alin ang totoong Liro? "Liro..." Pinilit kong huwag umiyak pero ‘di ko talaga mapigilan. Nalilito kasi ako. Si Liro at Shane lang ang kaibigan ko at ayokong may mawala ni isa sa kanila. "Shai, umiiyak ka ba? Sinaktan ka na naman ba ng daddy mo?" Hindi. Umiiyak ako ngayon dahil sa’yo, Liro. Bakit kasi iba ang pinapakita mo sa’min sa totoong pagkatao mo? Bakas naman sa mukha niya ang pag-aalala. ‘Yong mga kasama niyang naiwan sa kaniya, kahit punong puno ng pagtataka ang mukha ay nanatili pa ring tahimik. Ngumiti ako kahit ‘di niya ako nakikita. Ngumiti pa rin ako kahit may nadiskubre akong ibang pagkatao ni Liro. Wala pa rin namang magbabago. Siya pa rin ang bestfriend ko. "Wala. Wala namang nanakit sa’kin. Namimiss ko lang kayo ni Shane. Hmm sige na, Liro. Bye!" "bu- " Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya, mas mabuti na siguro ‘to. Mas mabuti na sigurong huwag ko ng pakialaman ang buhay ni Liro. "Halika na. Umuwi na tayo." Malamig na sabi ni Andrew bago siya nakapamusal na naglakad pabalik sa kotse niya. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sundan siya. Hindi na rin ako nag-abalang lingonin pa si Liro dahil baka may makita na naman akong ‘di maganda.     Pagkabalik namin sa kotse. Agad namang pinaandar ‘yon ni Andrew. Tahimik lang kami parehas buong byahe. Hindi ko na rin sinubukang mag-salita, wala na rin naman ako sa mood. Napatingin ako sa kaniya pagkatapos ay sa daan nang medyo bumibilis ang  pagda-drive niya. Napalunok ako nang mas lalo pang bumilis ang takbo ng sasakyan. Kinabahan ako. Ayoko pang mamatay! Mommy ko! My gosh, marami pa akong pangarap sa buhay. "Fck!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng bigla siyang mag-mura. Mas bumilis pa ang takbo niya. "Drew, dahan dahan lang. May humahabol ba sa’tin?" Takot kong sabi. Napakapit na lang ako sa seatbelt ko.  "Damn it." Mariing sabi niya. Luminga-linga pa siya sa likod, sa gilid at sa rear mirror. Hindi siya mapakali. Kung susubukan ko namang tumingin sa likod ay pipigilan niya ako. Ba’t  ba ang weird ng isang ‘to ngayon? "Drew, ano bang problema mo? Ako ‘tong natatakot ditto!" Naiiritang sabi ko. Nanginginig na ako dito sa takot pero parang wala siyang pakialam! Diyos ko, iligtas mo po ako kay kamatayan. Ayoko pang sumama sa kaniya. Bumagal lang ang pagmamaneho niya ng malapit na raw kami sa bahay niya. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Nagulantang ako ng punong puno ng security at cctv camera ang bahay niya. Sa labas pa lang kasi mahigpit na ang security. Sobrang taas pa ng gate niya. Grabe, ang yaman pala talaga ng lalaking ‘to. "Wow!" Nang makapasok na kami sa loob ng mala-mansiyon niyang bahay, hindi ko mapigilang mamangha sa sobrang laki at sobrang ganda sa loob. Maganda at malaki ang bahay namin ni Daddy pero itong bahay niya….it feels home. I don’t know why? Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na titira ako sa mansiyon ng isang Andrew Alcantara. "Manang rosing, Paki-samahan na lang po muna si shaira sa magiging kwarto niya." Utos ni drew sa isang matandang babae. "Opo, señorito." Nakangiting sagot niya bago binaling ang buong atensiyon sa akin. "Magandang gabi po, señorita. Ako po si Manang Rosing. Mayordoma rito. Sasamahan ko na po kayo sa magiging kwarto mo." Nakangiting sabi niya. Kukunin niya sana sa’kin ang dala kong bag nang pigilan ko siya. "Ako na po ang magdadala nito, Manang. Magaan lang naman po." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Ngumiti lang rin siya ‘tsaka ako pinasunod sa kaniya. Habang naglalakad kami paakyat ay hindi ko talaga maiwasang ‘di mamangha sa laki ng mansyon ni Andrew. Nagkikita pa ba mga tao dito? Siguro parati lang nagkukulong si drew sa kwarto niya? Ang laki nitong bahay. Speaking of Andrew, saan na kaya pumunta ang lalaking ‘yon? Bigla bigla na lang kasing nawawala, eh. "Señorita, ito na po ang magiging kwarto ninyo. Sa tabi po nito ay ang kwarto ni Señorito Andrew." Sabi sa’kin ni manang. Tumango lang ako at nilibot ko ang buong paningin sa magiging kwarto ko raw. Mas malaki pa ‘to sa kwarto ko sa bahay namin. Kahit ngayon lang ako nakarating dito, parang kumportable na rin ako. Kamusta na kaya si Mommy sa bahay? Okay kaya siya? Hindi kaya siya sinasaktan ni Daddy? Sana maging okay lang siya. Huminga ako ng malalim. Malungkot akong umupo sa kama  at pinakiramdaman ang lambot no’n. Magiging ayos lang kaya ako dito? Magiging masaya ba ang pagtira ko rito o baka katulad din ‘to sa bahay namin? Punong puno ng galit at p*******t.   Andrew's POV Iniwan ko na si Shaira kay Manang Rosing, wala rin naman akong gagawin kung sasama pa ‘ko sa kanilang dalawa. Isa pa’y may kailangan pa pala akong asikasuhin. Fck it! Kanina no’ng nasa kotse kami ni Shaira ay may mga itim na kotseng humahabol sa’min kaya mabilis ang takbo ng kotse ko. Gusto ko mang ilabas kanina ang b***l ko ay ‘di ko magawa dahil nandyan si shaira. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa siya inaalala, eh. Ano nman ngayon kung malaman niyang may b***l ako? Bakit hindi ko magawang ipakita sa kaniya ang totoong ako? Ang alam ko lang, ayokong matakot si Shaira sa’kin, pero bakit? Tapos kanina nakaramdam ako ng takot na hindi ko pa nararamdaman noon. Hindi ko ngaa alam kung bakit ko naramdaman ‘yon basta ang alam ko lang ng mga oras na ‘yon, gusto kong iligtas at protektahan si sharia. Isa pa’y nakita niya rin ang kaibigan niya kanina, si Liro ata ‘yon na may pinapatay. I know, she’s confused and scared. Ayoko na sanang dumagdag pa doon. I sighed heavily. Totoo pala ang hinala ko na hindi pangkaraniwang estudyante ang lalaking ‘yon. Katulad ko, isa rin siyang mafia boss. Ang tanong ko lang dito ay kung kalaban ba siya o kakampi. Sana hindi siya maging sagabal sa ‘kin dahil kaibigan siya ni Shaira. Paano kaya ako makakalapit sa kaniya ng walang nakakapansin? Argggh!! Nakaka-sakit ng ulo. Napahinto ako ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha ‘yon at sinagot ang importanteng tawag mula sa tauhan ko. “Boss, naayos na po naming. Patay na po ang lima pero may dalawa pong sugatan.”  “Good. Tawagan ninyo ako kapag magaling na ang dalawa. Bantayan rin ninyo ng mabuti, kailangan kong malaman kung sino ang may pakana nito.” Seryosong sabi ko.  anina ang pinag-uusapan namin. Nang malapit na kami sa bahay ko ay binagalan ko na talaga ang takbo para makasigurado akong sumabog ang mga sasakyan na sumusunod sa’min. Nahulog sila sa patibong ko. Sa labas kasi ng bahay ay may mga patibong at kasama na do’n ang bomba na pinasabog ko. Mabuti na lang hindi ‘yon napansin ni Shaira. It’s because, I made it quiet as possible. Ngayon, hihintayin na lang namin ang pag-galing ng dalawang kasama ng mga taong gustong pumatay samin kanina. They will pay for this. Sigurado rin akong alam na rin nila ang tungkol kay Shaira kaya mas lalo ko siyang kailangang protektahan at bantayan.   I won’t them hurt her.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD