KABANATA 03

1297 Words
Shaira's POV Pagkatapos ng usapan namin ni Andrew kanina ay hindi ko na siya ulit nakausap. Balik na naman kami sa dati naming pakikitungo sa isa’t isa, Like a STRANGERS to each other. Hindi pa rin naman nagbabago ang pakikitungo sa kaniya ng mga kaklase namin, pati na rin ng iba pang estudyante. Kinakatakutan talaga siya, maski nga ang mga teacher napapahinto na lang sa pagtuturo kapag dumadating na siya. Nakakatuwa lang kasi kapag wala pa siya laging magulo at maingay ang classrom, pero kapag nandyan na siya wala na silang magagawa kung hindi ang tumahimik na lang at pagmasdan ang bawat galaw niya. Minsan nga iniisip ko kung bakit siya ganiyan? Bakit ang cold niya sa ‘ming lahat dito sa university? Bakit ang tahimik niya? Napapansin ko rin kasi na kahit tahimik lang siya, parang ang dami niyang problemang pinagdadaanan. Or siguro para sa’kin ganoon talaga siya. Baka malungkot din siya tulad ko? "Ms. Perez." Nagulat ako ng tawagin ako ng prof. namin sa math. Napatayo agad ako. "P-po?" Kinakabahan kong tanong. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot kung ‘yong prof. mo sa math ay nanlalaki ang mga mata at umu-usok ang ilong kapag galit? "Are. You. Listening. To. Me?"  Mariin niyang tanong. Mas lalo naman akong kinabahan ng magsalita siya ng ganoon at tingnan ako na parang ililibing niya na ko patiwarik.  Waaaaah creepy. Natataranta mga brain cells ko. "Ah! an----" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mag-salita ulit siya. "Ms. Perez, wala sa bintana ang lesson natin, kaya pwede ba sa akin ka tumingin?! Hindi sa labas! Sinasayang mo lang ang oras ko sa pagtuturo dito!" Sigaw niya. Napayuko na lang ako, hindi dahil sa kahihiyan kundi dahil sa nakikita kong galit niya sa’kin. Ayokong pati dito sa school may magagalit sa’kin. Tama na ‘yong sa bahay lang. Huwag na dito sa comfort zone ko. Sawang sawa na akong manlimos ng pagmamahal sa taong kahit kailan ay hindi naman ako kayang mahalin. "Sorry…" Nakayuko ko pa ring sabi sa kanya. Nakakapagod na din naman kasing masaktan at kasuklaman ng isang tao, lalo pa kung pamilya mo pa ‘to. "Kung pagod ka na sa pagtuturo mo. Edi magre-sign ka, hindi ka namin kailangan dito!" Gulat akong nag-angat ng tingin at tiningnan kung sino ang nag-salita. "Drew?" Mahina kong sambit sa pangalan niya. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang pag-tawag ko sa pangalan niya, naka-talikod kasi siya sakin ‘tsaka nasa harap lang ang buong atensiyon niya. Namutla naman si Sir. "S-sorry…" Sabi niya na halata ang takot kay Andew. Pina-upo niya na rin ako kaagad bwahaha buti nga sa kanya, de joke lang kasalanan ko rin naman eh, di ako nakikinig. Kahit punong puno ako ng pagtataka dahil sa ginawang pag-sabat ni drew, na hindi niya naman talaga gawain. Hindi ko na naman tuloy maiwasang titigan siya.   Pagkatapos naman ng klase ko ngayong araw ay nag-paalam na agad ako kay Liro at Shane para pumunta sa Lux Restaurant. Medyo late na nga ako, eh. Sobrang traffic kasi kaya siguradong lagot na naman ako kay Daddy. Pagdating ko sa restaurant na sinasabi ni daddy. Galit niyang mukha agad ang sumalubong sa ‘kin. Kung wala lang sigurong ibang tao, baka na-sampal na naman niya ako. Nakaramdam naman ako ng kaba, kahit simpleng tingin lang kasi niya sa’kin ay nanginginig na ako sa takot. "S-Sorry, dad late ako." Sabi ko ng makalapit na ako sa kanya. "Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na huwag kang male-late?!" Nagpipigil sa galit niyang singhal. Alam kong gusto na niya akong sampalin, hindi niya lang magawa dahil maraming makakakita sa kanya.  Isang huwarang ama at asawa kasi ang tingin sa kaniya at isang taong may perpektong pamilya. "I'm sorry, dad." Nakayukong sagot ko. "Wala akong pakialam diyan sa lintek mong sorry, shaira! magtutuos tayo mamaya sa bahay!" Galit niya pang usal sabay hawak ng mahigpit sa braso ko. Hinila na niya papasok sa loob.  Binitiwan lang niya lang ako ng malapit na kami sa table namin. May dalawang likod ng lalaki na agad akong nakita, tingin ko si Mr. Alcantara na ‘yon at ang anak niya. Kahit kinakabahan pa ako, pinilit ko talagang maglakad papunta sa kanila. Kasabay ko lang din si daddy. "I'm sorry, I'm late." Sabi ko sa dalawang alcantara. Hindi ko pa nakikita ang mukha nila dahil humalik muna ako kay mom bago ako nag-bow sa kanila. Nahihiya akong mag-angat ng tingin sa kanila.  "It's okay, Iha. Have a sit." Sabi sa’kin ni Mr. Alcantara. Inangat ko naman ang ulo ko para tingnan siya. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya ‘tsaka bumaling sa katabi niya.   o_O What the? Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang katabi ni Mr. Alcantara. Dahan dahan at gulat akong umupo sa tabi ni Mommy, sa harap niya. "D-Drew?" A-Anung ginagawa niya dito? B-Bat kasama niya si Mr. Alcantara? Wait..Alcantara nga rin pala siya! "Magkakilala na pala kayo?" Naka-ngiting tanong ni Mr. Alcantara. "Opo, Mr. Alcantara. Kaklase ko po siya.." Nakangiting sagot ko sa kaniya bago nagtatanong ang mga matang bumaling kay Andrew. "Talaga? Mabuti naman at hindi na ako mahihirapang ipakilala sa’yo itong anak ko." "Anak niyo po sya?" Hindi pa rin makapaniwala at gulat na gulat kong tanong sa kaniya sabay turo kay drew. Natawa lang si Mr. Alcantara sa’kin. "Hindi ba obvious?" Nakataas ang kilay na tanong ni drew sa ‘kin. Oo nga naman, Shaira? Kasama nga niya, eh. Tiningnan ko silang dalawa. Infairness, magka-mukha nga sila. Mag-ama nga talaga sila. waaaah nakakahiya ka, shaira. Ang tanga tanga mo. Namula ako sa kahihiyan. "You know what, shaira? I want you for my son." whaaaat? Shocks naman! Haba ng hair ko. Boto na agad daddy niya sa ‘kin kahit may pagka-tanga ako. "Ah hehehe thank you Mr. Alcantara" nahihiyang sabi ko sa kaniya. "Your welcome, Iha. Siya nga pala, from now on call me papa. Masyado kasing pormal kung Mr. Alcantara ang itatawag mo pa sa’kin." Nakangiting sabi niya sa’kin. Tumango lang ako at ngumiti. Kahit nahihiya ako sa kaniya, masaya pa rin ako kasi kahit papaano meron pa palang taong gusto akong maging anak. "So? Mr. Alcantara, tuloy na ba ang plano natin sa dalawang batang ‘to?" Nakangiting tanong ni dad kay Mr. Al- este papa pala. "Well, kung magpapakasal sila ay okay lang sa akin. Bagay naman sila ‘tsaka gusto kong maging manugang itong si shaira." Nakangiting sabi ni papa. Ngumiti lang ako sa kaniya. Tiningnan ko naman si Andrew. Nahuli ko naman na nakatingin din siya sa’kin habang nakasandal sa upuan niya at naka-cross arm. Patuloy lang ang pag-uusap ng mga parents namin tungkol sa kasal daw namin, pero wala akong masyadong naintindihan dahil nakatutok lang ang mga mata at diwa ko kay drew. Nakatingin lang din naman siya sa’kin. Kahit nakakailang ang mga titig niya, hindi ko pa rin talaga kayang iwasan ang mga mata niya sa hindi ko malamang kadahilanan. "Napag-usapan din pala namin ni sheila kanina na mula ngayon titira na si Shaira sa bahay ni Andrew."  Nagpantig ang tainga ko sa narinig kay papa. Gulat akong napatingin kay mommy. “M-Mom..” Nanginig ang boses ko. Nginitian niya lang ako ‘tsaka hinawakan sa kamay. Napatingin naman ako kay daddy na mukhang walang alam sa usapan nila Mommy at Papa. Pa-simple niya akong tiningnan ng masama. Napalunok ako. "Okay lang ba sa’yo, shaira? Doon ka na sa bahay ni Andrew titira mula ngayon?" Nakangiting tanong sa’kin ni papa. Hindi agad ako naka-sagot. Ayokong iwan si mommy. Ayokong iwan siya mag-isa sa puder ni daddy. Paano na lang kung may mas malala pang gawin si daddy sa kaniya tapos wala ako sa tabi niya? Tiningnan ko muna si papa na naghihintay ng sagot ko bago ako bumaling kay Andrew. Tumango-tango lang si drew na parang nababasa niya ang nasa isip ko. Gusto kung umalis sa puder ni daddy at maging malaya pero hindi kasama do’n ang iwan si mommy ng mag-isa. “It will be fine, Shaira. I will be fine.” Bulong ni Mommy ‘tsaka hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Nahihirapan ako sa pagde-desisyon. Tiningnan ko ulit si Andrew na nakatingin din sa’kin at bahagyang tumango na parang sinasabi niyang pumayag na ako. Napakurap ako. Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata niya at napapa-sunod niya agad ako. Basta ang alam ko lang ngayon, kaya niyang buoin ang desisyon ko. I sighed heavily. Kahit nalilito pa ako, pinilit kong humarap kay papa at ngumiti. Gagawin ko ang gusto ni mommy ngayon at ang gusto ni andrew. "Opo, papa. Payag po ako." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Ngumiti din siya sa’kin. Tumingin naman ako kay drew, tinanguan niya lang ako. Ibig sabihin gusto niya ang desisyon ko. Tumingin naman ako kay daddy na nakatingin din sa akin. Siguro kung wala lang dito sila papa, baka kanina niya pa talaga ako na-sampal. Alam kong nagpipigil lang din siya ng galit ngayon. Hindi ko na matagalan ang mga titig niya kaya bumaling naman ang tingin ko kay mommy na ngumiti lang sa’kin. ‘Yong ngiting nagsasabing 'magiging okay na ang lahat' nginitian ko lang din siya. Kahit kailan talaga parati niya na lamang iniisip ang mas makakabuti sa akin kaysa sa sarili niya. Kaya nga mahal na mahal ko talaga ang mommy ko. Si Daddy lang talaga. Bakit kaya iba ang pakikitungo niya sa ‘kin? ba't parang hindi n’ya ako anak? bakit madali lang sa kaniya ang saktan ako? Siguro nga hindi nya lang ako tanggap, tama. Siguro, mahal nya rin ako at hindi niya lang kayang ipakita. Tama ‘yan, shaira. Think positive. Mahal ka ng daddy mo. Dahil ikaw lang ang nag-iisang anak niya. Ikaw lang ang anak niya at wala ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD