CHAPTER 24 "Hindi ka na talaga mapipigilan, te?" si Cherry nang minsang napadalaw sa apartment ko. Ngayon na ako aalis at wala na rin namang nagawa si Immanuel tungkol doon. Nalungkot lang ako dahil simula nang medyo nagka-off kami ay hindi na siya pumupunta sa apartment na ito. Ngunit hindi ko na siya pinansin lately dahil busy ako sa work at pagtuturo kay Cheska. 'Tsaka siguro alam niya na ngayon ako aalis dahil hindi niya na ako makikita sa office mamaya at si Cheska na maabutan niya roon. Isa pa, hindi ko na rin inaasahang pupunta siya rito dahil alam kong may board meeting siya dahil ako ang gumawa ng scheds niya- ilang oras na lang ang natitira at magsisimula na ang meeting, kaya binusy ko na lang ang sarili ko sa pag-eempake kaysa sa isipin pa siya. "Hindi na, 'tsaka mag-iisang

