ILANG minuto ang katahimikan na lumamon sa hapagkainan kung nasaan kami ngayong dalawa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o ‘di kaya ay gagawin ko. Ico-comfort ko ba siya o ano? Ang sarap magsalita ng mga masasamang word sa mga oras na ito. Ang bait n’ya sa kin at kahit wala mang kami ni Nazarene, halatado naman yatang mas pinapaburan ko ang mokong na ‘yon ngayon. “Premo / Bless,” sabay pa naming saad. Napaka-akward lang talaga! “Una eon, ano ing nahambae (Translation: Mauna ka na, ano ang sasabihin mo)?” nagmamadali n’yang pagpapaubaya. “Premo, sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon sa ‘yo, ayaw din naman kitang masaktan. Wala kang ibang pinakita sa kin kundi kabaitan kaya hindi ko talaga alam kung anong dapat kong sabihin pero kasi sa kondisyon na meron ako

