“TREVOR, hindi ginagawang biro ang gan’yan kaseryosong mga bagay. Sarili mong kadugo ang kinakalulung mo sa kin ngayon, hindi mo ba naiisip na maari kong isumbong si Austin ngayon na sa mga pulis? Paanong pinabayaan kayo ni lolo chairman? Nakita ko kanina kung paano hindi makamayaw si lolo chairman na bumalik sa kompanya ninyo tapos sasabihin mo pinabayaan n’ya si Nazarene?!” pagtaas ko ng aking boses. “Hindi naman kita pinipilit na maniwala, Bless. Nakita mo kung paano gumalaw ang nanay ko noon, hindi ba? Kung kaya ng nanay kong gumawa ng ganoong mga bagay mas kaya kong gumalaw ng mas polido at kapag sinabi kong si Austin ang may kagagawan nitong lahat, si Austin talaga. Sabagay wala ka naman doon, hindi mo naman nakikita kung paano maghirap si big bro ngayon para lang maayos ang pangal

