IPINARADA ni Trevor ang sasakyan n’ya sa harapan ng hotel namin at mabilis naman siyang umikot para buksan ako pero hindi ko na hinintay na siya pa ang magbukas ng pinto dahil nagkusa na ako. Pagkababa ko ay aambahin sana n’ya akong hahalikan sa pisngi n’ong walang habas akong umiwas. “Salamat sa paghatid at sa pagsalo sa kin doon kanina, Trevor,” mapakla kong sagot bago ko siya nilagpasan ngunit natigla ako ng pasimple n’yang hinampas ng malakas ang pagkakasara n’ya ng pinto. “Masanay ka ng tawagin akong love, love, ano ba! Huwag kang mahiya sa boyfriend mo,” pagdidiin nito sa salitang boyfriend. Bakit mas lalo akong kinakilabutan sa tonong ginagamit sa kin ngayon ni Trevor? “Tamang-tama pala ang pagsagot mo sa kin, love, may family dinner mamaya sa bahay. Susunduin ba kita o dito na l

