“HOY! Sabi ko na nga ba at hindi naman magnanakaw ‘yang palo-loves mo, eh! Congratulations, pamangks!” bulalas ni Tita Annie sa kin n’ong matapos ang interview ni Nazarene at nagpatuloy na ang palabas sa tv. “Congratulations naman saan, tita? Bakit ako? Si Nazarene ang i-congratulations mo at siya naman itong naabsuwelto, hindi ako,” sagot ko naman sa kan’ya bago ako bumalik sa pagkakaupo ko sa sofa habang yakap-yakap ang teddy bear ko. Pero deep inside ang nasa isip ko ngayon ay ang katotohanan na may boyfriend na ako! Oh, my gash! Ganoon-ganoon na lang?! As in wala ng ligaw-ligaw? Wala ng getting to know each other? Ang hindi ko matanggap ay hindi si Premo! Hindi rin si Nazarene ang boyfriend kong sinunod kay Austin! Si Trevor! As in, ang payatot, ang weird, ang anak ng nanay n’yan

