“SINO ba naman ang taong hindi nagsisinungaling, big bro? Mas grabi ka pa nga magsinungaling d’yan, eh,” salo agad sa kin ni Trevor bago n’ya ako paghilahan ng upuan na nasa tabi n’ya. Sila palang na lima ang nandoon, wala pa si lolo chairman kaya n’ong nakaupo kami ay bumalik sa pakiramdam ko ‘yong mga panahon na nasa party kami ni lolo chairman at ramdam na ramdam ko ang mga pinupukol nilang mga tingin sa kin. ‘Yon nga lang except kay Trevor na nasa phone n’ya ang atensiyon. Natahimik kami ng ilang saglit n’ong tumayo si Alas mula sa lamesa namin at sinagot ang phone n’yang tumunog. Mas lalo kaming binalot ng katahimikan bago nakabalik si Alas at nagsalita. “Mala-late raw ng kunti si lolo kaya um-order na lang daw muna tayo. Ziggy, ikaw na ang um-order para kay lolo, ‘yong masustansiya

