NATARANTA ako ng nag-deliver na ang message ni Eves kay Nazarene gamit ang account ko. Kailangan ko ng tubig! Tubig! Hihimatayin ako sa lagay ko ngayon! “Evelyn! Anong sa tingin mong ginagawa mo?!” asik ko habang nanlilisik na ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa na nanatiling prenting-prenti habang naka-upo sa harapan ko. Talagang nakuha pa nilang dalawa na maging komportable kahit nasa kalagitnaan na ako ng kahihiyan dahil din sa kagagawan nilang dalawa?! Geez! Hindi talaga ako minsan makapaniwalang nakapagtiis akong maging kaibigan ang dalawang ito sa mahabang panahon. Pero kung hindi silang dalawa ang kaibigan ko sino naman kaya? Wala na akong ibang taong maisip na maari kong maging kaibigan ng ganito ka-close. Minsan lang naman sila ganito kakulit kaya siguro dahil isa akon

