"MARIE! Dalhin mo nga itong pagkain na order sa VIP Room no. 11," utos ni mama sa isa sa crew namin. Matapos kasi kaninang dumating nina mama at papa ay agad din akong umakyat sa kuwarto ko para magbihis. Pagbalik ko ay buo na ang loob kong sundin ang sinabi sa kin ni Tita Annie. Nagkikindatan na nga kaming dalawa habang si mama busy pa sa mga inaayos n'ya. Agad ko pa ngang kinuha ang walis tambo at nagwalis sa may receiving area namin. Naglalakad pa lang si Ate Marie papunta kay mama ng nagpresinta na ako. "Ate Marie! Ako na lang po. Mama, ako na lang po magdadala sa n'yan sa kuwarto nila," aniya ko. Kaya si Tita Annie na nasa likod ni mama ay agad na nag-approved sign sa kin. Sana lang talaga mag-work 'to. Mabilis pa namang makaamoy ng mga bagay-bagay si mama. Naku! Advance siya lag

