“BAGAY po kayo! Sige po, enjoy the cupcakes!” masigla pa nitong ani bago kami tinalikuran ni Nazarene. “Bakit mo naman sinabi ‘yon? Niloloko mo ‘yong tao! Atsaka sayang naman baka mas deserving ‘yong susunod sa tin na mag-avail nito!” daing ko naman sa kan’ya. “Bakit parang ikaw pa yata ‘tong nalugi? Lugi ka pa ba sa kin? Kung makapag-react ka naman d’yan akala mo sasaktan kita,” maktol naman n’ya. “Excuse me? May sinabi ba akong ganoon? Ang akin lang naman baka naman mas deserving ang totoong couple na sunod sa tin. Tignan mo nga ang dami-dami nito! Sa tingin mo mauubos nating dalawa ‘to?” reklamo ko naman. “Alam mo kaysa nagsasatsat ka d’yan kumain ka na lang. Pwede naman ‘yan ibigay sa madadanan natin mamayang mga bata o ‘di kaya dalhin natin doon sa Ati Community at sa ganoon mas m

