“PAMANGKS? Gising ka na ba? Kung oo ay sumagot ka dahil gusto kong pumasok sa loob at kausapin ka ng masinsinan,” dinig kong sambit ni tita sa labas. Mabilis ko na lamang na inayos ang higaan ko atsaka tinakbo ang pinto para pagbuksan si Tita Annie. Ano namang gusto nito? Ang aga-aga nandito agad siya? “Good morning po, tita! Ang aga natin maki-chika, ah?” bungad ko n’ong mapagbuksan ko na siya ng pinto at unti-unti na nga siyang pumasok sa loob ng kuwarto ko. Take note, mga mata n’yang namamasyal na sa kabuoan ng kuwarto ko na parang may hinahanap. “May nawawala ka bang gamit, tita? Wala ka namang pong naiwang gamit dito sa kuwarto ko, ah?” tanong ko habang sinusundan siyang libutin ang kuwarto ko. “Shush! May nararamdaman ako! Malakas na malakas na enerhiya!” bulong n’ya. Naka-tip t

