Third Person’s POV “PAULINE! Dalhin mo nga ‘tong documents kay boss, kailangan n’ya ‘yang permahan sa lalong madaling panahon,” utos ng hindi katabaang lalaki sa babaeng halos katabi lang ng table n’ya. Nakayuko ang lalaki at naka-focus sa kan’yang ginagawa gamit ang kan’yang laptop ngunit napataas ito ng kan’yang mukha n’ong wala sa kan’yang sumagot at wala ring kumuha n’ong folder na inilapag n’ya. “Hoy! Pauline, naririnig mo ba ang sinabi ko? Sabi ko dalhin mo ‘yang documents doon kay Sir Nazarene kailangan n’ya ‘yang mapermahan!” ulit nito na medyo aburido na. Agad namang humarap sa kan’ya ang babae na hindi na maipinta ang mukha. “Sir Tads, baka naman pwedeng ikaw na magdala roon kay boss. Guwapo ‘yan pero takot ako d’yan! Baka ma-english pa ako n’yan ng wala sa oras at matameme n

