“MAGTAEAW-AN kita it tanda it paghidaet (Translation: Magbigayan tayo ng kapayapaan),” ani ng pari sa harapan. Yumuko rin kami n’ong yumuko ang pari sa aming lahat. “Peace be with you,” pahabol ng pari. Agad akong tumingin sa mga magulang ko at lumapit ako sa kanila. Isa-isa ko silang hinalikan sa pisngi. “Peace with you, papa!” masigla kong sambit kay papa. Yinakap n’ya ako sabay bulong din ng “Peace be with you, anak.” Sunod kong nilapitan si mama na nakangiti nang nakatingin sa ming dalawa ni papa. “Mama! Peace be with you po!” sambit ko kaagad habang nakabukas na ang dalawa kong kamay para yakapin siya. Humalik muna ako sa pisngi n’ya bago ko siya tuluyang yakapin. “Hmmm! Peace be with you rin, anak ko!” aniya ni mama at mahigpit akong yinakap at may kasama pang paghaplos sa akin

