Third Person’s POV “HINDI n’ya alam na hindi naman nawala ang unang n’yang diary kasi nasa akin naman talaga.” “Noong una wala naman talaga sa kin. Wala rin akong alam na pumunta siya n’ong araw na ‘yon sa bahay ng kaibigan n’ya para gawin ang una n’yang bucket list, dance under the rain. Ang plano lang naman noon ay pupunta ako roon para mas mapalapit sa kan’ya and accidentally naligaw ako n’ong gumamit ako ng banyo sa second floor ng bahay nila dahil sa pinaghihinalaan ko na siya bilang batang babae na niligtas ko noon sa pagkalunod ay pinakialaman ko ang mga gamit n’ya roon ko natuklasan ang diary kung saan nakasulat ang sampung bucket list n’ya. Itinago ko ‘yon. Pfft! Hanap sila ng hanap ‘yon pala na sa kin na.” “Eat buffet, hindi ko alam kung nakikiayon lamang ang tadhana sa min pe

