“AYAW ko kasi ayaw kitang mag-isa. Ayaw kitang maiwanan mag-isa, Nazarene,” tawag ko sa kan’ya atsaka hinaplos ang mga pisngi n’ya. “Ayaw ko na hindi ka na makapangasawa ulit, ang guwapo mo naman para masayang lang ‘di ba? Ayaw ko na mapunta ka sa kin lalo at alam nating dalawa na hindi kita masasamahan habang buhay. Nazarene, gusto kong i-prioritize ka, alagaan ka, pagsilbihan ka at paligayahin ka ng babaeng iibigin mo pero hindi ako ‘yon. Hindi ako ‘yon lalo na ngayon. Hindi kasi ano man ang mangyari sa kin gusto kong mag-move on ka, gusto kong hanapin mo ‘yong babaeng mabibigay lahat ng mga bagay na hindi ko mabibigay sa ‘yo.” “Hon, no, no, ikaw ang una at ikaw na rin ang huli. Please, please, say yes,” pagsusumamo n’ya kaya agod ko siyang kinabig payakap sa kin at hinalikan ang pisn

