NAKAUPO ako sa isang wheelchair habang nakaharap ngayon sa salamin ng aking kuwarto. Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay sinubukan ko pa ring maglagay ng pulbo sa aking mukha at suklayin ng maingat ang mga buhok kong unti-unti na talagang nalalagas, maingat kong kinuha ang isang kulay blue na balabal na may nakaguhit pang mga bulaklak at dahan-dahan iyong ipinulupot sa aking ulo upang matakpan ang buhok kong halos pakalbo na. Wala, eh, minsan daw kasi kailangan ko ring bigyan ng chance ang iba para mag-shine, hindi lang dapat ako ‘yong laging acute. Syempre joke lang ‘yon. Sunod kong ginawa ay maglagay ng liptint sa napakaputla kong mga labi bago ko kinuha ang diary ko na nakalagay sa drawer ng vanity table ko. Napatitig ako sa labas at matagal akong tumingin sa kawalan. Bakas pa rin sa

