RINIG na rinig ko ang sinabi n’ya. Loud and clear kaya hindi ko na kailangan pang magkunwari at magpakipot na kunwari hindi ko narinig. Magbibingi-bingihan pa ba ako kung alam ko namang hindi naman ako bingi? Kaya ang ginawa ko na lamang ay nginitian siya ng kay lapad at agad na bumitaw sa pagkakayakap sa kan’ya. Agad ko siyang tinapik sa kan’yang balikat at pinitik sa kan’yang noo. “Pfft! Huwag kang mag-alala dahil crush kita matagal na, kalma ka lang kasi gusto rin naman kita,” natatawa kong saad sabay kindat sa kan’ya bago ako muling nag-umpisang maglakad upang talikuran siya. “D’yan ka lang muna at mas mabuti pa ay maupo ka na lang muna. Kukunin ko lang sa labas ‘yong first aid kit ng hotel at ng sa ganoon ay magamot ko na ang sugat mo na ‘yan bago pa lumala at mabahiran ang guwap

