Third Person’s POV TULUYAN na ngang tinalikuran ni Nazarene ang kan’yang pamilya kaya walang nagawa ang iba n’yang mga pinsan kundi ang itikom na lang ang kanilang mga bibig habang ang kanilang lolo ay napahilamos na lamang sa kan’yang mukha atsaka napaupo. “Lolo, hindi n’yo naman kailangang ipamukha pa kay Nazarene ang ganoong bagay. Kahit naman gago ang isang iyon ay may nararamdaman pa rin naman ‘yon. Ikaw ‘tong ayaw masaktan si Austin pero ikaw naman ang nanakit kay Nazarene,” bungad na saad ni Alas sa kan’yang lolo na siya namang nakakuha sa atensiyon ni Chairman Marqez. “Tama si Alas, lo, atsaka isa pa ay mainit din ulo n’on kanina. Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo kung bigla-bigla ka na lang susuntukin ng pinsan mo, hindi ba? Nanahimik naman kaming lima rito pero

