CHAPTER 11

3129 Words
            “HOY! Ano ba naman ‘yan? Hindi naman ako nag-expect! Charot! Biro lang, pero seryoso, salamat! Salamat talaga sa inyo! Hindi ko talaga inakala na mag-aabala kayo alam ko naman na busy na kayo sa mga buhay ninyo!” pinaghalong iyak at sayang sabi ko sa kanila lalo na sa dalawa kong kaibigan na for sure ay pumunong abala.             Nakaka-touch lang talaga na ang daming taong nakapalibot sa kin at hindi lang basta nakapalibot lang dahil lahat sila, bawat isa sa kanila gusto akong mabuhay. Gusto ko rin naman, kaso, kung hanggang saan lang ako, doon lang talaga ako.             “Bless! Napaka-drama mo naman may mga chicken sa labas ipatuka kaya kita para tumigil ka na mag-cry,” huhulaan pa ba natin kong sino ang nagsalita? Syempre, sino pa? Eh, ‘di si Evelyn. Taas kilay pa ‘yan siya.             "Ito naman! Eves, masaya lang ako, hindi ba uso ngayon ang tears of joy? Na-appreciate ko lang ‘tong lahat. Uno na nga siguro kayo sa effort! Kaya? Salamat ha? Sobrang salamat,” saad ko habang inililibot ang mga mata ko sa mga malalapit naming pamilya.             “Gosh, Bless! Stop crying na! Let us all start the party na lang!” itinaas ni Evelyn ang hawak-hawak n’yang wine glass na may laman na apple juice at pinasadahan ng tingin ang aming mga kasama.             “Tama! For Bless’ fast recovery!” dugtong naman ni Tita Annie na nakatayo sa may mga desserts. "For Bless' fast recovery!" sunod-sunod na sagot ng lahat.             Ilang minuto lang ang hinintay naming lahat para magkanya-kanya at magsimulang magkasiyahan idagdag mo na ang tsibugan. Halos mapuno ng iba’t ibang kuwentuhan ang bahay namin habang ang dalawa ko namang mga kaibigan ay nag-umpisa ng mag-picture.             “Bless! Lapit ka rito, kunan kita ng picture mo! Ang cute kaya d’yan kaya go ka na!” bungisngis ni Mona habang hawak-hawak na ang phone n’ya.             “Sige! Teka!” saad ko naman bago ako maingat na naglakad patungo sa direksiyon n’ya.             Gumawa rin kasi sila ng pa-backdrop, pinahalong siver at black na metallic paper tas white na balloons. Ang elegante nga tignan, eh!            "Say cheese!" masayang wika ni Mona.             "Cheese!" sabi ko naman at nag-pose. Sunod-sunod ang pagpindot n’ya na halos sa bawat posisyon ko, mga nasa lima ang kuha n’ya. Natigil lang siya n’ong mukhang bina-browse n’ya na ang mga picture isa-isa.             Isa-isa kung ipinatong sa bakanteng mesa ang iba’t ibang regalo, bulaklak at kung ano-ano pang bigay sa kin kanina ng mga kapamilya ko. Pati si Evelyn at Mona ay tinulungan na akong ipagkasiya ‘yon sa isang maliit na pabilog na mesa.             Matapos naming maayos ang mga regalo ay naglakad kaming tatlo pa-upo sa salas, kung saan kunti lang ang mga tao. Halos lahat kasi ay nasa may kusina namin, sila mama at papa naman abalang nakikipag-usap sa mga tita at tito ko. Pareho naming dala ang platong may laman ng pagkain, syempre ako tamang gulay lang.             Nagkukuwento lang sila ng kung ano-ano hanggang sa may na banggit si Evelyn.            "Mona, did you hear ba about the news?" aniya habang nginunguya ang hawak-hawak n’yang muffin.            "Ha? Anong balita naman ‘yan, Evelyn? Spill the tea!” sagot naman nitong si Mona na may sauce pa sa gilid ng labi n’ya. Ang kalat talaga kumain ng spaghetti nito.             “Oh, come on! Seryoso ka ba, Monalisa Grey?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Evelyn.             “Mukha ba akong joke sa ‘yo ay etse mukha ba akong nagjo-joke, Evelyn Steeleman?” balik tugon ni Mona, nakangiti lang ako habang pinapanood silang dalawa. Naku! Sanay na sanay na ako sa bardagulan ng dalawang ito.             "Alas Miller Marquez is in the house! He is living with his cousins and! My oh, so handsome crush na si Dale Nazarene Marquez is in the Phraoh's mansion too!" aniya na may pahalukipkip pang nalalaman. Medyo maharot tayo sa part na ‘yon.             “Oh, girl, kalma! Lumalabas kaharutan natin,” banat ko naman.            "Evelyn. Evelyn. Evelyn. I am so over, Alas! Hindi ko na pagpapantansiyahan ang lalaking iyon! Over my dead gorgoues body! Ayaw ko na! No deal na tayo girl,” todo depensa n’ya naman.            Weh? ‘Di nga? Totoo naman kaya? Ilang beses ko na narinig sa kan’ya ‘yan, eh, hindi naman nangyari.             Pero teka? Sino naman ‘tong mga bagong pangalan na ito? New boy na naman nila? Outdated na yata ako sa buhay ng mga kaibigan ko.            "Really huh? Kahit sabihin ko na he got more masculine? I mean he become more guwapo?” panunukso ni Evelyn kay Mona.            One.            Two.            Three.            "Really? Did you see him?" Kitams? Mona is such a liar!            "Over him huh? Reyna ka ng karupukan, Mona!" singgit ko na sa kanilang dalawa.            "Ano? Bawal maging curious? Bawal magtanong?" bawi naman n’ya sa kin na sinabayan naman n’ya ng paglibot ng mata.            "By the way, sino ‘yang mga ‘yan? At Pharoah’s mansion bahay nila? ‘Yong ano ‘yan ‘di ba? Saan nga banda ‘yan?" sabi ko out of the blue, naririnig ko lang kasi ‘yan sa mga guest namin dito pero never naman ako nagtanong.             Natahimik silang dalawa habang kapuwa ako tinitignan ako ng may pagtataka.            "Ano? Magtatanong ba ako kung alam ko? Alam ko lang ang pangalan kaso hindi naman ako nakapunta d’yan o nakita man lang ‘yan. Common sense, please,” malawak ang ngiti ko habang sinusubo ang panghuling kutsara ng vegetable salad na kinakain ko.             Parehong iniling ni Evelyn at Mona ang mga ulo nila sabay upo ng maayos at dinikuwatro ang isa nilang binti.            Wow ha! Pag-chika-han talaga, game na game sila.            "Actually, Bless, I don't know how the hell happened na you don't know about the mukha ng Pharaoh's mansion?! Omg! That mansion is so popular in whole Aklan!" panimula agad ni Eves na halos pinapasadahan pa ako ng pagtaas kilay n’ya.            "Eves, narinig ko naman ang lugar na ‘yan pero ‘yon nga lang hindi na ako nagtangkang alamin ang itsura atsaka kinalimutan ko na ‘yan lalo’t nakatira d’yan ang taong…Nevermind. Pero dahil sa nabanggit n’yo na rin naman. Itatanong ko na lang sa inyo,” paglilinaw ko.            "Fine! Fine! Whatever, Bless! Lulusot ka pa, eh," reklamo naman ni Mona.            "Okay? So, I'll start. Pharaoh's mansion is the ancestral home of the Marquez family, the owner of the Marquez Empire. The one on television's news, one of the families here in the Philippines na super yaman," pagkukuwento ni Evelyn.              Oh, edi sila na, sana all mayaman. Pero dahil din naman sa kayamanan nila kailangan kong isakripisyo ang isa sa mga bagay na nais ko.            "Chairman Luxurious Marquez, the owner of Marquez Empire, has these six bunch of handsome grandsons! They're all famous because of their looks and wit," tatango-tangong dugtong ni Mona.            "Oh? I see? ‘Yan bang ‘six bunch of handsome grandsons’ na ‘yan kabilang ‘yong mga lalaki n’yo?" tanong ko ulit.            "Lalaki? Excuse me! Magiging jowa ko siya, Bless. Watch me. Anyways, the six of them excel in different fields, and when you said areas, not one but numerous fields. According to a very reliable source, the six of them live differently, sa iba’t ibang place, mentioning Dale, which is nakatira siya sa Manila," pagmamayabang ni Evelyn sa lalaki n’ya.             Hindi pa naman sila, so, lalaki nga n’ya. Lalaking new target!             “At hindi lang ‘yon! Ayon sa sabi-sabi kaya raw nakatira sa iba’t ibang lugar kasi kapag pinagsama-sama sila, malaking trouble!” aniya ni Mona.            "Uhuh? But the table turns! They need to stay in one place na ngayon because the chairman is now searching for his heir," pahabol naman ni Evelyn.            "Ah? Okay?” simple kong sagot. Ano naman kasi mapapala ko ‘di ba? Kayamanan naman nila ‘yon, ‘di akin.             "Pharaoh's mansion is a palace within a house, kumpleto raw sa loob, as in, may sarili silang bar, ganoon! And architects all over the world salute its structure!” Aba? Hindi pa pala kami naka-move on.            "Gusto mo ba puntahan natin? Gusto mo makita?" Naku. Naku. Dinamay pa talaga kami.            "Count me in!" Itong si Mona, reyna talaga ng karupukan.            Nanlaki ang mga mata ko ng kapwa na sila nakatitig sa kin. Ay? Kasama pala ako?            "Teka! Tatanungin ko muna si mama," sabi ko na lang bago tumayo.            "Nice one, Bless!" excited na saad ni Mona.             Ngumiti ako sa kanilang dalawa bago ako naglakad sa kinatatayuan ni mama ngayon na kausap si Tita Annie. Lumapit ako sa kan’ya at n’ong mapansin n’ya ako at agad naman n’ya akong hinarap. Para naman hindi nakakabastos lalo at may kasama pala silang guest ay binulong ko na lang ang gusto kong sabihin.            "Mama, labas muna kami ni Mona at Eves, maglalakad-lakad lang po. Huwag po kayong mag-alala mag-iingat po ako, promise," dire-diretso kong paalam.            "Sige, mag-iingat ka, nak ha? Indi magbuhay sa guwa (Translation: Huwag magtagal sa labas),” aniya kaya napangiti naman ako ng maluwag atsaka tumango bilang tugon,.              Hala! Nakaka-excite kahit papaano makakalabas ako at makakakita naman ng mundo!             Minadali ko ang paglalakad pabalik sa kinauupuan naming tatlo kanina. Kapuwa na nakaabang ng sagot ni mama ang mga kaibigan ko kaya kinikilig pa akong sumenyas na pinayagan ako.             “Yown!” pumapalakpak na sagot ni Mona at sabay silang tumayo para mag-ayos.             Sa pagmamadali na baka mapansin pa ang pag-alis namin ay talagang minadali namin ang paglalakad palabas ng hotel na bahay na rin namin.             Saktong-sakto! Napakaganda pa naman ng panahon ngayon sa labas, hindi mainit, hindi rin mas’yadong makulimlim, tamang-tama para sa akin. Nakangiti ako habang inaaliw ang sarili sa simoy ng hangin na nanunuot sa kamalayan at katawan ko. Nag-usap lang kami ng kung ano-ano habang naglalakad at nakikihalo sa mga turistang nandito.            "Gosh! Naalala ko kung gaano ako kasaya when Dad let me come with them when the Marquez clan hosted a party. Ang laki talaga at ang ganda ng loob! Kahit ‘yong maliit na bagay ang ganda and halatang pinaghirapan talaga ang pag-think and pag-make!" pag-aalala ni Evelyn habang nakangiti pa.            "Wow! Kainggit naman, Eves! Hanggang lobby lang nila ako, eh, pero halata mo talagang historical pero elegant ang ambiance! Chills talaga," pagpapaliwanag naman ni Mona.              “Mukhang maganda nga, ah,” atubili kong sagot.            "Huwag kang mag-aalala, Bless! Malapit na tayo! Ayon na ang bubong nila, oh!" bulalas ni Mona habang tinuturo ang abohing bubong na parang salamin dahil nagre-reflect ang mga ulap do’n.             Natulala ako noong nakarating na kami sa tapat ng napakalaki nilang gate.             “Sus! Maryosep! Gakita pa sanda karun sa sueod? (Tranlation: Nagkakakitaan pa ba sila n’yan sa loob?)” hindi ko makapaniwalang wika.             Parang modern design ‘yong sa labas pero hindi ko mabilang kung ilang floors! Grabi! Hindi pa kasi ako nakapunta sa bandang ‘to ng Malay! Meron palang ganito rito! Kakaiba!             Mas lalo pa kaming lumapit sa gate at naitaas ko na lang ang mukha ko sa kitaas-taas na gate at may nakasulat pa sa pinakatuktuk na ‘Pharoah’s Mansion’. “Ang ganda! Ano ba ‘to hotel?” na-manage ko pang sabihin kahit nanatiling nakauwang ang bibig ko.             Nalula yata ako sa nakikita ko na halos hindi ko na matanggal ang atensiyon ko sa kabuoan ng lugar. Inilibot ko ang mga mata ko sa abot ng paningin ko kahit na may kung ano-anong binubulong ang dalawang kasama ko. Busy sila kakaharot habang ako naman ini-enjoy ang sarili ko na tignan ang mansion. Akala ko sa ibang bansa lang may ganitong klase ng bahay! Meron din pala sa Pilipinas, hindi lang ‘yon! Nasa Boracay pa!            Wonderful! Brilliant! Ano pa ba mga adjectives? Grabi! Kulang yata ang mga adjectives para ma-describe ‘tong bahay nila. Hindi naman pinahirapan ano? At hindi rin naman pinagastusan. Pinagwaldasan lang ng pera.            "Omg! Omg! Hala ka, day! Bless - bless! Run!" bigla-biglang ani ni Mona na siyang hindi naman agad rumehistro sa utak ko.             Bakit kami ta-tak-bo? Tatakbo!?             Napako ako sa kinatatayuan ko habang ang dalawa kong kaibigan ay nakakalayo na sa kin ng kunti at sinesinyasan na nila akong sumama sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ako lumingon sa bahay ulit hanggang sa may napansin akong lalaking nasa katandaan na rin pero halatang alaga ang kutis.             Pinagmasdan ko siya habang binabaliwala ang pagtawag sa kin ng mga kasama ko. Napansin kong tumigil ang matanda at sinunod n’yang hawakan ang sintido n’ya. May sakit lang ako pero hindi pa naman ako bano para hindi maintindihan kong anong nangyayari. Ilang beses na akong nawalan ng malay kaya alam na alam ko na ang mangyayari. Hindi ko na napansin na malakas ko palang naitulak ang gate atsaka ako tumakbo ng kay tulin para maabot ang matandan, alam kong bawal ‘tong ginagawa ko pero naka-focus ang isip ko sa matanda, gusto ko siyang tulungan.            "Sir!" sigaw ko bago ko siya masambot bago ito bumagsak at mawalan ng malay.             Suwerte na lang talaga at sa mga balikat ko bumagsak ang matanda. Nanghihina ako pero salamat sa Diyos at nakaya ko siyang masuportahan.             Pero! Kasi! Ano!             Mabigat siya!!!!!!!!!!            "Sir? Sir, gising po! Sir! Bulig! Bulig! (Translation: Tulong! Tulong!)" naghihiyaw na ako habang inililibot ang mga mata ko sa paligid nagbabakasakaling may nakakita sa sitwasyon namin ngayon.            Sa sobrang laki ng bahay nila halos kahit anino wala kang makikita. Nasaan ba kasi ang mga tao rito? Impossible naman na walang tao rito lalo at yayamanin itong may-ari.              "Sir? Sir? Naririnig n’yo po ba ako? Gumising po kayo, naku! Sir! Naku naman, Bless. Kinakausap mo ‘yong walang malay," aniya ko habang sinusubukan talagang gisingin siya sa pamamagitan ng mahihina kong pagtapik sa kan’yang pisngi. Gamit ang libre kong kamay sinusubukan kong lagyan ng pressure ang sikmura n’ya, ganoon kasi ginagawa ng mga magulang ko sa kin kapag nasa kalagitnaan ako ng pagkawala ko ng malay.             Diyos ko po, ano bang nangyari kay lolo?            Hindi naman na ako nakasigaw pa dahil ilang minuto lang ang nakalipas ay nakita ko na ang mga nagsitakbuhan ang mga lalaki paputungo sa gawi namin. May dalawa agad na kinuha sa kin si lolo at may isa namang dala-dala ang wheelchair.            "Dahan-dahan lang po, manong hihi," nahihiya kong sambit habang nakiki-alalay na sa kanila.             Hindi naman kami nahirapan na mapaupo ng maayos si lolo sa wheelchair lalo na at ang daming lumapit para tumulong. Natanga ako sa gilid nang maipasok nila sa loob ng bahay ‘yong matanda, kaya imbes na para akong shunga-shunga na nakatayo roon ay napagdesisyunan ko na lang na maglakad paalis, nasaan na kaya ang mga kasama ko?             Mas minabuti ko na tumahimik na umalis habang abala silang nagkukumahog na lapatan ng first aid ang matandang nahimatay. Pero hindi pa nga ako nakakalayo ay ang dami na agad na sasakyan na nagsipasukan halos lahat naka-puti.            "Wow! Sana all! Ang layo pala ng tinakbo ko kanina? Akala ko ang lapit lang noon," bulong ko sa sarili ko, kanina kasi noong tinakbo ko ‘yon mula sa gate patungo sa may harapan ng mansiyon, eh, feeling ko ang lapit lang. Ngayon ko lang na-realize na hindi pala malapit, malayo pala talaga.            Habang naglalakad ay m-in-assage ko ang balikat kong sumalo sa lolo kanina, hindi naman ako katabaan dati at mas lalo pa akong lumiit simula n’ong magkasakit ako kaya hindi na ako bago na nanakit o ‘di kaya nangangalay ang kung saang parte man ng katawan ko after ko magkikilos.            "Hay! Pero sana all pa rin mayaman!” aniya ko habang sinisipat-sipat na ang labas ng bahay na ‘to at kung nasaan na ba napunta sina Mona at Evelyn.             “Iniwan ba nila ako?” tanong ko sa sarili ko habang nililingon pa ang mga tao sa mansiyon. Nagkakagulo pa sila so therefore I conclude that the mathematical equation syempre joke lang ang pa-math. Hindi pa siguro gising si lolo.             Sana nagkamalay na po si lolo, Lord.             Walang nakapansin sa pag-alis ko na mas mabuti naman kasi baka hinahanap na ako nito sa bahay. Ang sabi ko pa naman maglalakad-lakad lang kami pero ito ako ngayon, kung saan-saan na nakaabot. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko hanggang sa nangangalahati na ako. Malapit na malapit na ako palabas.             “Hala! Nasaan na ang mga kasama ko, sinundan ba nila ako sa loob?” ani ko habang hinahanap ang possibleng kinatatayuan nina Mona at Eves sa loob ng mansiyon at sa labas.             Busy kong hinahagilap ang mga kasama ko ng may biglang umalingaw-ngaw na sigaw mula sa likod ko.            "Hey, young lady, sandali! Teka lang!" aniya. Baka kung sino lang naman tinatawag n’ya kaya napa-iling ako at pinapatuloy ang paglalakad paalis.             Isa pa si Bless ang pangalan ko hindi si young lady, pangalawa, hindi ako yayamanin kaya hindi rin naman ako si young lady.            "Teka, sandali! Young lady! Young lady!" mas lalong lumakas at naging malinaw ang naririnig kong pagtawag kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad, baka mamaya sabihin nilang magnanakaw ako, ano naman sasabihin ko kapag tinanong nila kung bakit ako nasa loob ‘di ba? Lalo na at hindi naman nila ako bisita.            Naku! Naku, Bless! Minsan talaga hindi ka nag-iisip.            "Hey! Hey! Wait up! I said! s**t! Wait up!" sunod-sunod na wika ng isang lalaki mula sa likod ko.            Naramdaman ko ang paghawak ng isang kamay sa balikat ko kaya sa gulat ay mabilis kong hinawakan ang kamay tr-ina-y nabaliin ito, pero, mukhang kamay ko pa yata ang sumakit dahil ang lakas ng lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon.            “Aray! Bakit parang ako pa ang nabalian?” bulong ko.             Pagharap ko sa kan’ya agad kong binitawan ang kamay n’ya lalo ng mapagtanto kong ang laki n’yang tao, isang suntok lang nito, sure akong magme-meet up kami ni San Pedro ng mas maaga.            "Young lady, indi ta pag-alinon, indi ta sakiton, ayaw it kahadlok kakon (Translation: Wala akong gagawin, hindi kita sasaktan, huwag kang matakot sa kin)," aniya na purong nakangiti. Mula sa gulat kong mukha ay agad akong atubiling ngumiti sa lalaki.             Naka-uniform siya kaparehas ng mga lalaking tumulong kanina, baka guard ‘to rito at pagkamalan akong magnanakaw! Diyos ko po, hindi ako magnanakaw.            "Ah? Eh? Hi po! Uhm? Naliligaw lang po ako, ah, ano, hinahanap ko po kasi ‘yong hotel! Oo! ‘Yong hotel na tutuluyan ko, pasensiya na po talaga, excuse me po, una na po ako," hindi ko talaga siya hinayaang makasagot pa at agad ko siyang tinalikuran. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad habang nagdadasal na sana huwag na siyang umangal pa at pabayaan na lang akong makaalis ng tahimik.             Inosente po talaga ako! Wala po akong kinuha! Huwah! Nagtitingin-tingin lang naman po ako! Promise!            "Stop! If you put your feet out of this mansion, I will really accuse you with trespassing and for harming the chairman," A - accuse?! T-he chairman?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD