CHAPTER 12

3955 Words
           TUMAWA ako sa harapan n’ya ng parang timang. “Sir! Masyado naman po kayong seryoso, alam n’yo ba na mas madaling nagkaka-wrinkles ang tao kapag laging serious mode? Atsaka po, sir, hindi po ganoon! Wala pong ganoon, ako lamang po ay isang babaeng nagmagandang loob na nawawala po ngayon. Sir! Kasalanan ko po ba na I am lost baby girl? Sir! Inosente akong tao! Wala po akong sinasaktan! Ay meron po pala, lamok nga lang po! Actually! Actually, po tinulungan ko nga po ‘yong matanda kaya nga po ako napunta rito, eh. Tama! Tama! Kasi po ano nakita ko na parang unstable siya kaya po ako pumasok sa gate ninyo ng walang pahintulot! Sorry na po!” taranta kong pagpapaliwanag pero tinitignan n’ya lang ako. Ako ba ay talagang sinususpentiyahan nitong lalaking ‘to? How dare him!            “Sa katawan ko pong ‘to sa tingin n’yo masasaktan ko po siya? Tumulong lang po talaga ako! No more, no less!” Maniwala ka naman po, sir!            “Nakita mo siyang hindi maayos ang tayo kaya pumasok ka ‘without anyone’s persmission’, tama ba?” seryoso n’yang salita. Bakit dinidiin n’ya talaga na pumasok ako ng walang permission? Enough na ba ‘yon para gawin at tignan na ako ang kriminal? This is too much!               Isusumbong ko siya sa Adams family! Malakas ako sa mga ‘yon! Nahulog ang balikat ko sa pinag-iisip ko dahil nagawa ko pa talagang magbiro?!               "Opo! Opo! Tama po, sir! Tamang-tama!” nauutal kong sagot. Kasalanan ‘to ng mga mata n’ya! Parang mangangain kasi! Nakakatakot tuloy.            "Can you follow me upstairs? Just a few minutes, young lady," anito bago hawakan ang kaliwa kong balikat at ilahad ang kaliwa n’yang kamay para sabihin na mauna akong maglakad papasok.               Papa! Mama! Why naman siya gan’yan?! "Po? Ha! Pero po para saan? Wala po talaga akong ginawa! Bakit parang kasalanan ko po lahat? Preamble! Tama!  Preamble! According to it anyone is innocent unless proven guilty! Hindi mo po ako pwedeng ikulong dito! Wala po akong ginawa talaga! Kung hindi n’yo po ‘yon naintindihan in english po I did not do anything. Kaya bitawan n’yo na po ako, kailangan ko na po talagang umalis," naiiyak ko ng pagpapaliwanag habang sinusubukan talagang maglakad pero ang lakas n’ya! Ni hindi ko nga magawang humakbang kahit isa.               Patay na naman ako nito sa nanay at tatay ko, kapag nalaman nila ‘to magkakaroon na naman ng tatlong oras na litanya.               Bakit ba kasi ako kailangan papasukin pa? Mukha ba akong magnanakaw sa mga mata n’ya?! Sa putla kong ‘to? Sabihin n’yang multo ako tanggap ko pa, eh. Pero magnanakaw? Hindi pwede ‘yan!               “If it is what you believe, but still, please follow me. I'll ask you few questions, and this will be quick if you cooperate with me," saad n’ya atsaka na ako binitawan.               Ang hirap naman papaniwalain itong si sir, daig pa ang NBI kong mag-interrogate!               Ako malang da si Bless nga cute ag fresh! (Translation: Ako lang ‘to si Bless na cute at fresh!)               Itinaas ko ang kamay ko na sinundan ko pa ng ngiti, with ngipin out. “Pwede po ba mag-request? Pwede po ba i-reschedule or baka pwede naman pong video call na lang? Kahit tawagan n’yo pa po ako araw-araw ibibigay ko po phone number ko. Pauwiin n’yo na po ako, kailangang kailangan ko na po talagang umuwi, hinahanap na po ako nito sa amin,” sabi ko pero parang mas lalong naging seryoso ang mukha n’ya habang tinitignan ako. Argh! Mas mahirap pa yatang mag-defense sa kan’ya kaysa sa research panels namin sa school!               He really is suspecting me! My gosh! Tulong po! Tulungan n’yo po ako!               "Young lady, this way," matigas n’yang ulit at muling inilahad ang kamay sa daanan papasok ng malaking bahay na ‘yon.               Gosh! Sir, ayaw ko po!               "Sir, please, pauwiin n’yo na lang po ako, ayaw ko po pumasok!" pagmamakaawa ko sa kanya pero mas matigas pa yata sa great wall of China ang puso nitong kausap ko.               "Young lady, this way," muli n’yang ulit at seryoso akong pinapapasok.               Bakit! Bakit! Padabog akong naglakad papasok habang mas lalo pang lumumbay ang mga balikat. Sir, never akong pinatawag sa guidance office namin! Ganoon ako kabait tapos ngayon pagkakamalan akong magnanakaw kasi tumulong ako? Ako na nga itong masakit ang katawan ako pa ang napagkamalang masama! Pero, teka, Bless? Bakit ang dami mong iniisip. Ayaw mo n’on makakapasok ka sa loob ng magandang bahay na ‘to?!               Pero kasi!               "Sir! Gusto ko na pong umuwi, pauwiin n’yo na po ako, " pamimilit ko sa kan’ya habang naka-cross fingers na baka sakaling tumalab sa kan’ya.                     Pero hindi talaga! Nagmamatigas talaga siya, anong gagawin ko?!               Tumahimik na ako habang pareho kaming naglalakad, dire-diretso ang naging paglalakad n’ya halatang sanay na siya sa bahay na ‘to.               Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko habang nakayuko at tinitignan ang bawat hakbang na ginagawa n’ya hanggang sa tumigil siya sa napakagandang at sosyal na two doors, ang ganda!               Shock! This is awesome talaga!               Teka? Hindi kaya nagpapanggap lang na guard ‘tong si kuya pero ang totoo apo pala siya ng may-ari nitong bahay tapos tapos! Omg! Baka akala n’ya talaga may ninakaw ako kaya n’ya ako dadalhin sa kuwarto para ikulong to by time kasi parating na pala ang mag pulis? Hindi kaya? Hindi kaya? Hindi kaya ako nito pupulutin sa kulungan? Tapos kapag nasa kulungan na ako may mga kakusa akong bubugbugin ako kasi maingay akong matulog? Kasi ang tagal ko kapag kumakain o ‘di kaya naliligo?               Oh, my gash! I cannot po!               Minangalit ko ang aking mga ngipin habang iniiling ang aking ulo. Hindi pwede! Hindi ako papayag na maguguyo ako ng lalaking ito at ipapakulong n’ya ako, wala naman akong ginawang mali! Justice will prevail! Lalaban ako hanggang kamatayan! Inosente akong tao, inosente ako! Makibaka! Huwag matakot! Makibaka! Huwag matakot! Pilipino ako kaya lalaban ako! Ipaglalaban ko ang katarungan! Hindi ako papayag na sa kulungan lang mauuwi ang buhay ko, ipinaglaban ko ‘to ng ilang taon kaya walang kahit sino! Walang kahit na ano ang makakapigil sa kin.               “Sir, naman hindi pa po ako nagkaka-boyfriend baka naman po pwedeng huwag n’yo na lang ako ipakulong,” pagmamakaawa ko.                      Gulat na gulat akong tinignan ng lalaking nagdala sa kin sa loob ng napakagandang kuwarto na ito. Hindi ko siya maintindihan kasi ang mukha n’ya ay parang natatawa na hindi makapaniwala sa sinabi ko. Teka! Ibig sabihin ba n’on?               “Hindi n’yo po ako ipapakulong?!” bulalas ko.               Umiling-iling siya mga tatlong beses siguro bago ako tinignan at nagsalita. “Hindi, young lady. Kung wala ka namang ginawang masama ano ang karapatan kong ipakulong ka?”               Hay! Salamat po, ligtas!               Ngumiti na lamang ako sa kan’ya bilang tugon at inayos ang aking pagkakaupo. Inilibot ko na lamang ang aking mga mata sa paligid. Ang dami kong iniisip hindi ko man lang na-appreciate na ang ganda dito sa loo bang bango pa amoy vanilla!               “Ang dami po sigurong pera ang nagastos n’yo sa bahay na ito, sir? Ang ganda po parang walang pangit,” subok kong kausapin at hulihin na rin siya, ika nga nila ang taong nagsisinungaling mahuhuli mo sa sarili ring bibig.               “This is not my house,” seryoso n’yang sagot. Hindi madaling guyuhin ang lalaking ito, ah.               Tatawa-tawa na lang ako bilang sagot, bumalik siya sa kung anong kinukulikot n’ya roon sa kan’yang computer kaya ako naman in-enjoy ang sarili na magtingin-tingin pa lalo sa paligid.               Gosh! Bakit naman ang ganda ng bahay na ‘to? Parang palasyo tulad sa mga fairytales na napapanood ko lang sa movies! Ito pa lang first floor ang nakikita ko pero ang ganda na, sobrang linis na parang pati alikabok mahihiya na lang na magkalat, eh. Tapos lahat ng bagay na nandito parang laging pinupunasan sa linis at kintab! Parang literal na may shining shimmering sa mga mata ko kapag nakikita ko sila! Ang dami siguro nilang kasama sa bahay para linisan ‘tong lahat.               Lahat ng nasa bahay ay modern pero ‘yong vibes ng kabuoan ay ang lakas maka-historical, parang mga antigo kasi ang nandirito.               Nakita ko pa kanina sa labas ‘yong hagdan nila gawa sa glas tapos may elevators din sa loob. Grabi parang mahihiya ang hotel namin dito, tapos napansin ko rin ang daming pinto, siguro mga kuwarto nila ‘yon. Tapos lahat organize na organize daig pa ang library! Lahat ng bahay nasa tamang lalagyan, parang bahay tuloy ng mga hari at reyna sa England!               Oh, my gash! Hindi ko talaga in-expect na may ganitong bahay dito sa Aklan! Bakit hindi ko ‘to napuntahan? Nga pala, bakit naman ako pupunta rito, eh, may ka-war ako sa bahay na ‘to. Ang yaman talaga n’ong mga Marquez, magpaampon na lang kaya ako? Joke! Hindi ko ipagpapalit ang nanay at tatay ko sa mga kayamanang ito. Higit pa sa kayamanan ang naging sakripisyo nila para iligtas at mahalin ako.               Speaking of! Diyos kong mahabagin! Baka hinahanap na ako ng mga magulang ko!               Ibinalik ko sa kasa-kasama kong lalaking ang aking atensiyon, nakatutok pa rin ito sa harap ng computer n’ya. Ano bang tinitignan n’ya at napakaseryoso n’ya naman yata? Pero hindi pwede! Kailangan ko na talagang umuwi kung gusto kong may bahay pa akong uuwian kailangang-kailangan to the highest level na makauwi na ako now na!               Darna!               Joke!               “Sir! Please na po! Parang awa n’yo na po pwede po bang pauwiin n’yo na ako? Kailangan ko na po kasing umuwi talaga kasi baka po hinahanap na po ako sa min ng mga magulang ko. Hindi mo po naitatanong pero medyo overacting po kasi minsan sila pero secret lang po natin ‘yon love na love ko po ang mga magulang ko pero seryoso po, sir! Kailangan ko na po talagang umuwi, wala po talaga akong ginawang masama sa matanda, sir. Promise po! Close my heart! Mamatay man! Tinulungan ko lang po talaga ‘yong matanda! Maniwala po kayo sa kin! Please po! Please!” mahaba kong pagmamakaawa. Sir, baka naman ang haba na ng pinagsasabi mo sana naman po maawa ka na sa kin at pauwiin mo na ako.               “Young lady, hindi ko naman sinabi na may ginawa kang mali. Nakita ko na ang CCTV footage sa lugar kanina kaya kunting tanong na lang. Hindi naman ito magtatagal basta makipag-cooperate ka na lang sa kin. Atsaka pwede po ba ay huwag kayong sumigaw? Pagkakamalan po akong minomolistiya ka rito sa loob,” seryoso n’yang saad. Bakit lagi siyang seryoso? Kahit ano bang sabihin n’ya seryoso lagi ang mukha n’ya? Hindi ba siya napapagod mag-poker face? Ang boring kaya n’on.               Going back, naiintindihan ko naman kasi ang point n’ya. Alam naman na pala n’yang wala akong ginawang masama, eh, pero bakit hindi pa ako pauwiin? Alam n’ya bang habang tumatagal ako rito mas lalong malaki ang chance na maging dragona ang nanay ko? Paano na lang kung nakauwi na pala sina Eves at Mona tapos wala ako, patay talaga ako nito sa mga magulang ko! Argh!               Oh, my gash talaga!               “Sir, hindi po ba pwedeng umpisahan na natin? Kailangan ko na po kasi talagang umuwi na, ayaw ko pong mapagalitan,” kabado kong saad. Hindi na ako mapakali rito sa kinauupuan ko. Parang may apoy na sa puwit kong nag-iinit at sinasabi sa kin na kailangan ko ng umuwi kong ayaw kong mawalan ng buhok dahil kakabulhin ako ng nanay ko.               “Teka lang, may hinihintay kasi akong tawag mula kay chairman,” sagot n’ya.               Mas lalong akong nanlumo sa pinagsasabi n’ya, sino ba kasi ‘yang si chairman na ‘yan at bakit masyadong pa-importante? Hindi n’ya ba alam na importante rin sa kin ang oras? Nagumpisa akong i-rub ang dalawa kong mga palad dahil nagsisimula na akong manlamig sa kaba. Isa pa iniisip ko rin sina Mona at Eves baka kung saan-saan na sila nakaabot sa kakahanap sa kin.               Oh, my gash! Sana naman hindi!               Tumikham ‘yong lalaki. “Young lady, tulad ng sabi ko kanina hindi naman ito magtatagal kaya huwag kang mag-alala makakauwi ka naman ng buhay,” pakunsuwelo n’ya.               “Sir, kasi naman! Kanina ka pa po sabi ng sabi na hindi ‘to magtatagal pero tignan mo naman po kanina pa po tayo rito wala naman po kayong tinatanong sa kin. Anong trip n’yo po sa buhay? Bird box? Wrong turn? Hindi ko po ‘yon napapanood pero sure po ako bawal mag-ingay doon. Pero, sir—“ napalunok ako ng sarili kong laway matapos n’ya akong putulin sa pagsasalita.               “I just need to secure and know your background for security purposes, sana maintindihan mo rin kami hindi lang basta-basta ang lugar na ito, this is part of our job, trabaho lang po, walang personalan," seryosong-seryoso n’yang saad kaya mas lalo akong natahimik.               Aish! Bakit parang kasalanan pa ngayon na nagmagandang loob ako? Mali na ba ngayon ang tumulong. Anong gusto nilang gawin ko? Pabayaan lang siya kahit may pagkakataon naman akong tulungan siya?               “Opo-opo, pasensiya na po, naiintindihan ko naman po kayo kahit po magdaldalan tayo ng ilang oras dito ayos lang po talaga kaso hindi po kasi ako nakapagpaalam ng maayos sa mga magulang po kaya sana po maintindihan n’yo rin ako,” sabi ko na lang para tapusin ang usapan.               “Halata naman pong madaldal ka,” pagbubulong n’ya kaya napatikham ako. Sorry po ha? Ito lang po kasi talaga ako, madaldal. Hehehe               Napataas ako ng tingin n’ong tumayo siya at naglakad papunta sa harapan ko. Inayos n’ya ang kan’yang mga damit bago sa kin yumuko. "Good Day, young lady. I greatly apologize for taking so much of your time and introducing myself late. Before anything else, I want to introduce myself, and I am Rama Laurent, the head security of the Marquez family. Nice to meet you," malugod n’yang inilahad ang kan’yang kamay kaya malugod ko rin iyong tinanggap at nag-shake hands kaming dalawa.               Bumitaw ako matapos ng ilang segundo kaya muli siyang ngumiti sa akin at naglakad pabalik sa kinauupuaan n’ya kanina.               "Pasensiya na kung paulit-ulit po ako pero again this will not take too long if you just cooperate with me, young lady. Your cooperation is greatly appreciated," muli n’yang saad. Bakit ang dami n’ya pang sinasabi? Pwede naman na diretsahan na lang hindi ba? Less hassle, less time. Eh ‘di makaalis na ako rito ng mas mabilis at makakauwi na rin.               Naging pormal ako bago ko siya sagutin. “Ano pong itatanong ninyo? Wala pong problema sasagutin ko po ng pawang katotohanan,” dahil serbisyong totoo ang binibigay ni Mel Tiangco at Mike Enriquez.               Kabado man ako sa mga itatanong n’ya ay bahala na! Bahala na rin si Batman kapag nalaman ‘to ng mga magulang ko bukod sa hindi ako nagpaalam ng maayos nandito pa ako ngayon napagkakamalang magnanakaw.               "What are you doing in the garden a while ago? How did you manage to enter and help the Chairman?" una n’yang tanong. Nasa hot seat ba ako? Bakit parang feeling ko kahit inosente ako parang magnanakaw pa rin ang tono ng pagtatanong n’ya sa kin.               Ngumiti ako ng ubod ng lapad bago ako nagsalita para sumagot. “Sa totoo lang po, sir, kasama ko po talaga ang dalawa kong best friends. Naglakad-lakad lang po kami kasi gusto nilang ipakita sa akin ang famous na Pharoah’s mansion kasi maganda nga raw po. Habang nasa labas po kami at nakatingin dito sa loob napansin ko po ‘yong chairman – pero teka! Chairman? Don’t tell me na ang lalaking matanda na tinulungan ko po kanina at ang chairman mo ay iisa? Siya po ba si Luxurious Marquez?” bulalas ko. Bakit ngayon ko lang napagtanto ang mga bagay na ito? My whole life was a lie! Joke!               Tumawa siya ng mahina bago ako tignan. “Please continue. I will be answering your questions later,” pormal na naman n’yang sagot. Hindi ba siya nauubusan ng english? Kanina pa siya english ng english sa kin, hindi naman ako foreigner.               Tumango na lang muna ako sa kan’ya bago pinagpatuloy ang pagkukuwento. “Tulad nga po ng sinasabi ko nakita ko po na parang pagiwang-giwang si chairman habang pabalik po yata siya sa loob ng bahay galing sa garden nitong malaking mansion. Dapat nga po aalis na kami ng mga kaibigan ko lalo at nakita po namin na may mga guard po na naglalakad papunta sa gawi namin kaya imbes na mapagalitan po kami aalis na sana kami kaso napako po ako sa kinatatayuan ko lalo n’ong sinubukang hilutin ng chairman ang sintido n’ya. Alam ko pong hindi maganda ang pakiramdam n’ya kasi lagi ko po ‘yong nararamdaman,” natigil ako sa pagsasalita at napatawa ng kunti.               “Never mind po, ‘yon po ang nangyari. Hindi ko na po alam kung paano ko siya naabot sa ilang segundo lang pero tinakbo ko na po ang labas papunta sa kinatatayuan n’ya bago pa po mahuli ang lahat, ayaw ko naman pong mapahamak siya,” dugtong ko na lang. Sana naman maniwala na siya sa pinagsasabi ko na ‘to.               "So, how did you manage to enter the gate 'without anyone's permission'?" follow up question na naman n’ya. Parang nasa job interview lang ako, ah?               “Pumasok po ako sa nakabukas na maliit na gate para makapasok tapos sabay hawi po n’ong gate ninyo. Nakita ko pong bukas kaya pumasok na ako kahit walang permission ng kahit na sino man po. Ang intensiyon ko lang po talaga ay makatulong at matulungan si sir. Promise po, maniwala po kayo sa kin, wala po talaga akong ginawang mali o wala po talaga akong ninakaw dito,”  pagpapaliwanag ko.               Narinig kong tumawa na naman siya ng mahina. "I know. I just to want to talk to you, young lady, especially regarding your identification because I am one hundred percent sure that the chairman will be searching for you to show his gratitude," saad na n’ya na parang naging relax na.               Malakas akong napabuntong hininga lalo at napansin kong hindi na siya ganoon kaseryoso tulad ng kanina. Nabawasan na rin kasi ang aura n’ya na nakakatakot.               Tumawa na lang ako bilang sagot. "I see po," I awkwardly replied.               "By the way, to answer your question, yes, that old man you saved a while ago is the chairman of Marquez Empire, the owner of this Pharaoh's mansion. The one and only Luxurious Marquez. May I know the name and the address of the person who saves our chairman?" sabi n’ya. Siya nga?!               Grabi imaw ta gali ro chairman eaom ko iba ta simple eata abi imaw nga taeo ‘to kaina (Translation: Grabi! Siya pala ‘yong chairman, akala ko hindi lalo at ang simpleng tao lang n’ong tinulungan ko kanina). Hindi ko napansin na ‘yon pala ang taong nasa likod nitong magandang bahay. Hindi halatang yayamanin!               "Ah? Winona Bless Cayabyab po kami po ‘yong may-ari n’ong Wings Hotel malapit po sa Station 3 ‘yon na rin po ‘yong permanent residence namin, sir," sabi ko na siyang tinatanguan at pinapakinggan n’ya lang ng mabuti habang may kung anong sinusulat doon sa maliit n’yang notebook.               "We will send you home. We'll give you a ride, and please be ready. I know that when the chairman wakes up, he will immediately find you to thank you," pag-aassure lang n’ya. Parang lumiwanag ang mukha ko ng marinig ko na sabihin n’yang ihahatid na ako nila pauwi. Gusto ko ‘yan!               “Wala pong problema ‘yon! Hindi na nga po n’ya kailangan pang magpasalamat kasi taus puso po akong tumulong sa kan’ya ng walang hinihingi na kapalit at isa pa po ay wala naman akong gaanong ginawa,” aniya ko.               "I understand your generosity, young lady. But still, I want you to know that I am very grateful that you were able to notice the unstable situation of our chairman if not because of you we may be lost our chairman and,” tumigil siya at napailing.               “That's the very thing we can't attain to happen, especially that now his grandsons are not yet ready," pagpapatuloy n’ya pa sa kan’yang sinasabi.               Indeed, he really is loyal and devoted to his responsibilities and work. Pero sana huwag siyang magalit kung kailangan ko siyang putulin sa pagsasalita.               "But, sir? Pasensiya na po kong kailangan kitang putulin pero tapos na po? Wala na po ba kayong itatanong? Pwede na po ba akong umuwi? Sure po kasi akong hinahanap na talaga ako nito ng mga magulang ko. Nag-aalala na po ‘yon kung saan po ako napunta at ang tagal ko pong makauwi," kinakabahan kong salita.               "Yes, you can. I’m sorry for taking so much of your time. We can get going. I'll let my crews assist you home. Thank you so much." sagot naman n’ya.               Ngumiti ako sa kan’ya at ganoon din siya sa kin. Tumayo na ako upang makapag-umpisa ng maglakad ganoon din naman siya. Paglabas namin ng kuwarto na iyon ay sumalubong sa amin ang busy na busy na mga medical staffs yata dahil lahat sila nakaputi. Natigil na lang kami sa paglalakad ng may isang lalaki na humarang sa dadaanan namin.               "Sir," tawag n’ya habang direktang nakatingin sa kasama kong lalaki. Tumango naman itong si Sir Rama kaya nagsalita na ‘yong lalaki.               "Good news. Chairman is stable, and he is now awake. He is asking for you and," tumigil siya upang tignan ako at ibalik din naman agad ang tingin sa sir n’ya.               Gosh! I really need to go home!               "And the girl who saved him, he is also asking for you, ma'am," dugtong n’ya pa. Sinasabi ko na nga ba, eh!               "Me? Pero po, sir! Kailangan ko na po talagang umuwi! Hinahanap na po talaga ako nito sa amin!" pagmamakaawa ko na.               Nagkatinginan silang dalawa na animo’y nag-uusap sa pamamagitan ng tingin.               "You drive her home. I'll see the chairman and tell him about this," utos ni Rama Laurent na siyang nagpahinga naman sa kin ng malalim.               Oh, my gash! Kailangan ko na talagang umuwi!               "Pwede na po ba? Tayo na po," nagmamadali ko ng sabi. Wala na akong pakialam kong ano pang sasabihin nila ang importante ay important joke! Ang importante ngayon ay makauwi na ako.               Sumaludo na ‘yong lalaking humarang sa amin kay Sir Rama. Nagsimula na kaming maglakad na dalawa palabas ng may biglang malakas na tunog ang alingaw-ngaw. Ito ay ang pagbukas at pagsara ng pintuan mula sa isa sa mga kuwarto sa mansiyon na ito.               "Miss, can you marry one of my grandson?" baritonong boses ang narinig ko.               Dahan-dahan akong lumingon mula sa likod kung saan nagmula ang boses na iyon. Siya ‘yong lalaki na tinulungan ko kanina at nakasakay na siya sa isang wheelchair habang may isang nurse na inaalalayan siya.               Si Chairman Luxurious ba ‘to? Siya ba talaga ang chairman?               "Po? Ako po ba ang kausap n’yo? Ano pong ibig n’yong sabihin? Medyo nabingi po yata ako saglit,” takha kong tanong.               Tama ba ang narinig ko? Wala pa akong jowa pero bakit kasal naman agad?!               "Young lady, my statement is clear I want you to marry one of my grandsons," seryoso n’yang pag-uulit habang nakatingin direkta sa aking mga mata.               Hindi naman siya nabagok kanina, ah? Hindi naman tumama kung saan ang ulo n’ya pero bakit gan’yan siya? Hindi naman kaya nahihibang na si Chairman Marquez? O baka naman nanaginip lang siya kaya kung ano-ano na lang ang pinagsasabi n’ya ngayon?               Pero bago pa ako makapagsalita ng magiging tugon ko nagulat kami ng may limang lalaki ang nagkakagulo sa elevator at sabay-sabay na tumakbo sa harapan naming lahat.               Sino ang mga ito? Bakit halos hubo’t h***d silang lahat?               My precious eyes!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD