TUMAHIMIK ang buong paligid na literal ang na lahat kami nakatingin sa anim na lalaki ngayon na nagtutulakan palabas ng elevator. Bakit ba kasi sila magtutulukan pa? Eh, pwede namang may mauna ‘di ba? Halos lahat sila parang mga kakagising lang well except sa isang makapostura naman akala mo naman nasa Korea, ala-Lee Min Ho ang pormahan pero parang pamilyar siya sa kin?
Pero before anything else nasabi ko na ba? Na parang nanonood ako ngayon ng Seven first kisses? Six nga lang sila kasi alam n’yo ba kung bakit?
Ulalammmmmm!
Lahat guwapo! Walang tapon ulo! Sexy na nga lahat matatangkad pa tapos guwapo talaga! Sarap mag-sight seeing, ganito ba naman tinitignan mo pwede na yatang araw-arawin ay hindi! Umagahan, meryenda sa umaga, tanghalian, meryenda sa hapon, hapunan at may pa-midnight snack pa!
Nakangiti ako ng ubod lapad ng mapawi lang ‘yon ng lahat sila nagtakbuhan sa gawi namin at nagkagulo na naman kung sino ang unang makakalapit sa matandang sinagip ko kanina. Kaano-ano nila siya?
Don’t tell me?!
"Grandfather! / Lolo, what happened? / Anong nangyari sa ‘yo, lo? / Haman nakasakay ka ina, chairman? (Translation: Bakit ka nakasakay d’yan, chairman?) / Why did you let him on his own? One is to one, but you still suck! / Grandfather! Huwag mo kaming iiwan!" sabay-sabay nilang sabi habang pinapalibutan ang chairman na halos kong ako siguro ang nasa sitwasyon na ‘yan ay hindi ako mamatay sa sakit ko pero mamatay naman ako sa suffocation.
Pe-pero anim silang lahat? Grandfather? Chairman? Lolo? Huwag mo sabihing sila ang sinasabi sa kin nina Eves at Mona kanina? Sino sa kanila si Alas? Sino si Nazarene? Tignan mo nga naman ang tadhana, oo, when it rains it pours nga naman. Parang kanina kinukuwento lang sa kin ng mga kaibigan ang mga taong ‘to ngayon naman nakikita ko na nasa harapan ko na.
Sila nga yata ang mga apo nitong ni chairman. Sa lahat ng sinabi sa kin nina Eves at Mona mukhang may tama naman sila, hindi naman pala tsismis ni Aling Marites ang nakuha nilang mga impormasiyon.
I must admit, pwede na. Pwedeng-pwede na akong magka-jowa, joke! Paano ba sumigaw ng walang boses? Kasi kanina ko pa gustong sabihin na parang feeling ko nasa langit ako.
Ang guwapo nilang lahat! Oh, my gash!
"Oh? Nandito na pala kayong lahat. With that being said layuan n’yo muna ako mga apo, you should be ashamed may bisita tayo at gan’yang ang mga suot n’yo, right, miss?” dinig kong pagsasalita ni chairman pero napalunok na lang ako sa sarili kong laway habang tinitignan ang anim na kan’ya-kan’yang umayos ng tayo at humakbang para pumwesto sa gilid ng chairman.
Hindi naman sila angkan ng mga naguwa-guwapuhang mga tao ano? Hiyang-hiya naman ang genes ng mga leading man sa dramas.
"Miss?" untag muli sa kin kaya agad naman akong napabalik sa wisyo. Sorry po natulala, guilty your honor!
“Po-po?” utal kong sagot sa kan’ya, medyo natulala ako sa mga nakikita ko ngayon. Wala naman ako sa shooting ng kung anong Korean drama ano? Pinapalibutan yata ako ng mga anghel na bumagsak mula sa langit pero hindi una ulo dahil lahat sila ay guwapo.
Juice ko po! Ginoo, haman kaguwapo?! (Translation: Gosh! Lord, bakit ang gaguwapo?!)
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng umalingaw-ngaw sa buong bahay ang malakas at malulutong na tawa ng matanda. Siguro kahit siya ay napansin ang mukha ko ngayon, mukhang windang. "Grandsons, f*****g fix yourselves. We have a visitor here!" sigaw n’ya pero hindi pa rin pinipigilan ang kakatawa. Ang saya-saya po? Parang hindi nawalan ng malay kanina, ah? Agaling ‘yan? Echos lang!
Napaiwas ako ng tingin sa kanilang anim, hindi naman ako makatingin ng diretso kay chairman kaya yumuko na lang ako. Nakakahiya pero nakakakilig parang sobra pa ako sa nanood ng Mister World.
"Hija, kinakausap kita, anong pangalan mo?" tanong n’ya ulit sa kin kaya itinaas ko ng kunti ang aking mukha para makita ang ekspresiyon ng matanda.
Tumawa na naman siya bago dugtungan ang sinasabi. “Huwag kang mahiya sa min, kami pa nga ang dapat mahiya sa ‘yo dahil ganito ang mga apo kong humarap sa ‘yo. Anong pangalan mo nga, hija?” nangiti na lang ako ng pilit. Ano bang dapat kong isagot ‘di ba? Okay lang po talaga, chairman, ang sarap nga po sa eyes, eh, ganoon?
Pero pangalan ko raw! Ano nga bang pangalan ko? Sino nga ba ako? Nasaan nga ba ako?
Bago ko pa maibuka ang bibig ko may nagsalita na sa isang tabi. "Bless, she’s Bless, grandfather," aniya ng isang lalaki. Sabi ko na nga ba may pamilyar akong mukha na nakita kanina. Sa hindi ko sinasadyang pagkatataon pati yata mga mata ko hindi na sumusunod sa kin dahil kusa n’yang tinignan ang lalaking sumagot.
Natugma ang mga mata naming dalawa. That eyes, lungkot, galit at pagkamuhi. Oo na, alam ko na ‘yan! Ano pa bang aasahan ko mula sa kan’ya? Hindi ko na natagalan ang mini-staring game naming dalawa at ako na mismo ang umiwas. Gusto kong ngumiti. Sabi ng utak ko kailangan kong ngumiti pero ang puso ko at ang katawan ko pareho ang sinasabi sa kin, huwag ng piliting ngumiti kung masakit.
Pamanakit.
"Oh, yes po! Winona Bless Cayabyab po, chairman," dugtong ko sa sinabi n’ya na sinundan ko pa ng nahihiyang tawa.
Napakamot ako ng batok ko lalo at nararamdaman ko ang mga titig na pinupukol n’ya sa kin ngayon. Hanggang ngayon hindi talaga nawawala ang lamig sa katawan ko kapag nandiyan siya at malapit sa kin.
He never changed.
Nakasubaybay sa mga ginagawa ko at patuloy lang ito sa pagtawa na animo’y nasisiyahan sa nakikita. Ano pong nakakatuwa? Kanina ayos lang po sana kasi ang ganda ng view pero parang ngayon biglang umiba ang ihip ng hangin sa paligid. Feeling ko ang lamig, ang tensiyonado.
Ilang saglit lang ang katahimikan ng tumikham ang chairman at kinumpas ang kan’yang mga daliri. Inuutusan ba kami nitong sundan siya? Pero uuwi pa ako! Tumalikod mula sa min si chairman habang ang nurse na umaalalay sa kan’ya ang nagtulak ng wheelchair na sinasakyan n’ya.
Naman, eh! Kailangan ko na ngang umalis. Tinignan ko si Sir Rama pero halata namang umiiwas siya sa mga tingin ko, sinunod kong tignan ‘yong lalaking maghahatid sa kin pero ngiti lang ang natanggap ko sa kan’ya.
Aish! Hindi na naman ako makakauwi nito ng mas mabilis?! Hindi na ako magtataka kapag lechong baboy ang labas ko kapag umuwi ako ng bahay.
"Si-sir, pasensiya na po pero kailangan ko na po kasing umuwi," pagmamakaawa ko na matapos ko siyang lapitan at hawakan ang mga kamay n’ya. Naman, eh! Kailangan ko na talagang umuwi.
Tinignan n’ya ako ng matagal bago niya pinalapit ang lalaki kaninang maghahatid sana sa kin at papuntahin sa tabi niya.
"Can you look for her friends?" saad n’ya habang nakatingin sa lalaki.
“Sino nga ba sila, hija?” baling n’ya sa kin.
"Po? Ah! I mean sina Monalisa Grey at Evelyn Steeleman po," nataranta kong sagot.
"Yes, there you go. Hanapin n’yo muna sila pakisabi na rin na kakausapin ko muna si Miss Cayabyab kaya kung pwede ay hintayin nila,” utos n’yang agad naman tinanguan ng lalaki.
Good luck na lang talaga kung hindi pa sila nakabalik sa hotel. Good luck talaga sa life expectancy ko kapag nagkataon.
"Copy that, sir," seryosong sagot naman n’ong lalaki bago siya yumuko sa harapan ng chairman at mabilis na naglakad paalis. Oh, eh ‘di siya na ang may mahabang biyas.
Pero muling nagtama ang mga paningin naming dalawa, nag-iba na ang emosiyon na pinapakita n’ya sa mga mata n’ya ngayon. It was all longing na parang may gustong sabihin pero nginitian ko lang siya. Bakit ba kasi nawala sa utak ko na possibleng nandito rin siya lalo isa rin naman siyang Marquez? Higit sa lahat bakit hindi ko naisip na ang Marquez Clan na sinasabi sa kin nina Eves at Mona at ang pamilya n’ya ay iisa? Bakit!
Nauna silang anim na sumunod sa chairman habang kami ni Sir Rama ay nanatiling nakasunod sa likod nilang lahat. Tahimik ang lahat habang ako hindi na ako mapakali, hindi ako komportable na nakatapak ako sa pamamahay nila ngayon. Pumasok sila sa isang kuwarto at si Sir Rama na ang nagbukas ng pinto para sa kin. Nagulat na lang ako sa sobrang laki n’ong kuwarto at may mga nakalinya pang mga kasambahay.
"Welcome, Miss Savior!" sabay-sabay nilang bati sa kin na siyang ikinagulat ko talaga.
Oh, my gash! Bakit ang daming paandar ng bahay na ‘to? Hindi ba sila nauubusan ng kapormalan at ka-echos-an sa buhay? Mga mayayaman nga naman ang daming etiquette na alam. Pagrereklamo ko sa aking sarili.
May nangahas na tumawa ng malakas habang tinuturo-turo pa ako. “Big Bro! Look at her reaction! Damn! It was priceless!" komento ng isang maliit na lalaki, hindi naman siya kaliitan sadyang sa lahat sa kanila siya talaga ang pinakamaliit habang sinusundot-sundot ang isang lalaking naka-cross arms na seryoso ring nakamasid sa kin.
Nagpatuloy lang siya sa pagtawa habang hawak-hawak na ang tiyan. Sige itawa mo ‘yan, mautot ka sanang payatot ka! "What the hell! This is my happy thought!" sabi na naman n’ya sa pagitan ng kan’yang pagtawa, halos mapahiga na siya sa sahig sa kakatawa.
Weird n’ya ha? Parang ‘yon lang? Ngayon lang nakakita ng gulat na gulat na mukha? Pasensiya naman ito lang po ako, simpleng tao!
"Trevor, shut the f**k up!" isang malakas at maawtoridad na puna ng isang boses. Hindi ko na itatanong kong sino dahil memoryadong-memoryado ko na ang boses na ‘yan, ilang taon man ang lumipas memoryanda pa rin ‘yan ng sistema ko.
Tumatawa pa rin siya pero sinusubukan na n’ya ngayong pigilan ang sarili n’ya. "f**k! Pfft! Sorry! Sorry!" sabi n’ya ulit, Trevor pala ang pangalan ng payatot na ‘to.
Sana masaya siyang pinagtatawanan ang mukha ko. Para siyang siraulong hindi maka-get over sa nakita n’ya. Noong tuluyan ng tumigil sa kakatawa ‘yong Trevor ay tinapunan siya ng seryosong tingin ng chairman bago siya muling tumikham na siyang nagpatahimik sa buong lugar.
Inirapan ko ‘yong Trevor ng sinusubukan n’yang tignan ako. Ang OA n’ya ha? Isip bata lang?
"Let me introduce myself and the rest of my family, hija. I am Luxurious Marquez, and these are my grandsons, Nazarene,” sabay turo n’ya sa lalaking kanina pa ako pinagmamasdan at naka-cross arms pa. Malayo siya sa kinatatayuan ko kaya medyo hindi ko alam kong guwapo ba talaga siya or super guwapo talaga?
Nakonsensiya ako bigla ng maalala ko ang sinabi ni Evelyn kanina.
Alas Miller Marquez is in the house! He is living with his cousins and! My oh, so handsome crush na si Dale Nazarene Marquez in the Phraoh's mansion too!
Pinagpapantasiyahan ko rin ang crush ng kaibigan ko! Hindi ito magandang sign!
“Next, is Austin which I think you know very well," makahulugang saad ni chairman, alam ba n’ya? Pero hindi n’ya ako kilala kanina, ah? Paanong alam n’ya?
"This is Premo,” sabay turo n’ong lalaking Moreno at parang ang pinaka may matikas na pangangatawan sa kanilang lahat. Ngumiti ako n’ong nginitian n’ya rin ako.
“Ang sunod sa kan’ya ay si Alas,” baling ng matanda sa isang lalaking parang inaatok po dahil kanina pa siya hikab ng hikab. Kulang pa siya ng tulog sa lagay na ‘yan ha? Eh, parang kakagising nga lang nilang lahat kanina.
“Si Ziggy naman ‘yang nasa upuan at nagbabasa,” aniya ng chairman. Hindi naman halatang bookworm siya?
“And this is Trevor,” nahihiyang saad ng chairman sa kin. Pati yata siya nahiya sa ikinilong ng apo kanina.
“I want to say thank you very much for saving my life, personally. You don’t know how much this means to me, natuluyan sana ako kung hindi ka dumating para tulungan ako. Kaya, salamat, thank you for giving me my second life," na-touch naman ako lalo na at nakikita ko sa chairman kung gaano siya ka-thankful sa ginawa ko.
A genuine smile deserves a genuine smile too, kaya ngumiti ako sa kan’ya pabalik, hindi na pilit o ‘di naman kaya tamad. It was my natural smile lalo na at kong masaya naman talaga ako. “Walang anuman po, kunting bagay lang po ‘yon,” sagot ko naman.
"Holy s**t! Totoo ba ‘yang ngiti mo? Can you do it again for me?" napaatras ako sa pagkakatayo ko ng bigla-bigla na lang humarang sa harapan ko ‘yong si Trevor kanina.
“Ha?” ngatal kong saad habang mas lalo kong nilalayo ang mukha ko sa mukha n’ya.
Anong trip ng isang ‘to? Mas lalo siyang lumalapit sa kin kaya mas lalo rin akong lumayo.
“Ah, a-anong ginagawa mo?” pigil ko sa kanya. Pero seryoso lang siyang tumitingin sa kin habang ngumingiti. Oh, my gash! ‘Yong totoo? Nanaginip ba ‘tong si Trevor? Tinatakot n’ya ako.
"Hey! Don't be afraid. I am harmless. Can you smile at me again? Please? Isa pa, pwede?” pangungumbinsi n’ya.
“Ah, eh? Teka lang, pwe-pwede ka bang lumayo sa kin?” nahihiya kong tanong. Kunting distansiya na lang kasi ang meron sa min kunting maling galaw ko rito maari na kaming maghalikan. Ayaw kong maging first kiss ‘tong payatot na ‘to! Napaka-alien n’ya!
Hindi na siya nakapagsalita at nakalapit pa n’ong hinila siya pabalik sa gilid n’ong pinsan n’yang si Premo.
"Mag-ayos ka gani, Trevor, ginahadlok mo ta ro taeo (Translation: Umayos ka nga, Trevor, tinatakot mo ‘yong tao)," anito.
Buti naman alam nila ‘di ba? Ang guwapo nilang lahat pero at the same time ang weird din. Pero in fairness, nagsasalita siya ng Akeanon (Aklan’s dialect). Rare sa taong mayaman ang pamilya na maalam magsalita ng Akeanon usually kasi tagalog o ‘di kaya english.
"Premo! She is damn beautiful!" malakas na bulong ni Trevor na siyang nagpatawa naman sa kin ng malakas. “Weird po ng apo n’yo, chairman. Parang nangangailangan po ng tulong nakakatakot na po,” walang pakundangan kong wika habang pinipigilan ang sariling tumawa ng ma-realize ko ng lahat ng mga kasambahay ay nakatingin sa kin ng masama.
Kung nakakatunaw lang ng ngiti kanina pa yata ako nalusaw. Sabi ko nga sumobra naman ako sa part na ‘yon.
Tumawa ko ng mahina. “Joke lang po! Pero ayon nga po walang problema po, malugod po akong tulungan kayo. Kahit sino naman po ang nasa sitwasyon ko sigurado akong tutulungan din kayo,” paglulusot ko ng usapan.
Matapos kong sabihin ‘yon lahat ng mga matang nakapukol sa kin kanina ay nawala na. Mabuti naman napaka-awkward na ang daming mata ang nakatingin sa ‘yo pero may isang hindi talaga ako tinatantanan ng tingin.
It's Nazarene.
Napa-blink ako ng mga mata ko ng magkatinginan nga kaming dalawa. Walang pinagbago sa ekspresiyon n’ya mula kanina. He remained on his poker face.
"Crazy," bigkas n’ya ng walang boses. Obvious namang crazy ang sinabi n’ya. Pinalakihan ko siya ng mga mata ko habang nakakuyom ang mga kamao ko. Nang-aasar ba siya? Nakaka-high blood yata talaga ang pamilya ito. Complete package may weird, may bookworm, may laging tulog, may seryoso, may bastos at higit sa lahat may nevermind.
“Gago,” matapang kong bigkas ng wala ring boses. Crazy n’ya mukha n’ya. Pero saan ko nga ba nakita ang mga mata n’ya? Pati ‘yong pangalanan n’ya? Narinig ko na ba ‘yon or nagkita na kaya kami somewhere?
"Don't be shy, Hija. You can ask for anything. What do you want?" agaw ng chairman ng aking atensiyon.
"Po? Wala po! Huwag na po kayong mag-abala tulad po ng sinabi ko kanina taus puso po akong tumulong kaya hindi ko po kailangan ng ano mang kapalit, ayos na po sa kin na malaman na ayos po kayo.”
“Really? Anything? You know I can give you what you want--" akala ko titigil na siya pero hindi pa pala kaya pinutol ko na ang sasabihin pa n’ya.
“Chairman, pasensiya na po kong medyo bastos po ang sasabihin ko pero alam ko pong mayaman kayo. Alam at naiintindihan ko rin po na masayang-masaya kayo kasi nasa maayos po kayong sitwasiyon kayo ngayon at walang nangyaring masama dahil tumulong ako pero simpleng thank you lang po ang kailangan ko, hindi naman na po natin need pang palakihin ‘to, ayaw ko pong isipin ng kahit na sino man na tinulungan ko po kayo dahil sa may ulterior motive po ako o perahan kayo, hindi po ako pinalaki ng mga magulang kong ganoon. Hindi ko po kailangan ng kahit na ano, mas hihilingin ko na lang po na magpalakas na lang kayo ng katawan ninyo. Ngayon po kung wala na po kayong sasabihin pwede na po ba akong umuwi? Kailangan ko na po kasing umuwi dahil may mga magulang po akong sure akong nag-aalala na sa kin ngayon,” seryoso kong salita. Parang iba kasi ang dating sa kin n’ong tono ng chairman. Kanina pa n’ya inuulit-ulit ang reward na ‘yan, eh, sa ayaw ko nga.
"Hija, hindi naman ‘yan ang ibig kong iparating sa ‘yo. This is how I show my gratitude nothing else," sagot naman n’ya pero napangisi ako.
Pinasadahan ko si Austin ng tingin bago ko sagutin ang lolo n’ya. “Lahat kailangang may perang katumbas? Lahat dapat may kapalit po? Kung ibang tao po siguro ang kausap n’yo ngayon malamang po sasaya sila. Nga naman, sino nga naman po ba ang ayaw ng pera? Pero ibahin n’yo po ako sa kanila dahil hindi ako ganoon, hindi po ako magiging ganoon. Hindi po ako ‘yong tipo ng tao na mabubuhay lang ng pera, ayos na po ako sa kung anong meron ako ngayon. Ang dami ko na pong pinagdaanan sa buhay kaya alam ko na po ang gusto ko sa hindi, mas pipiliin ko po ang tinitibok ng puso ko, ang konsensiya na meron ako higit sa ano mang bahay, higit sa kayamanan o pera,” taas noo kong sagot. Pare-pareho lang kayong lahat, bakit ba ako umasang iba sila sa mga mayayaman d’yan?
Nagbago ang mood ko ng mahinang tumawa ang matanda at tinignan ako. "You remind me of my wife, young lady, gan’yan din siya n’ong una, feisty," tumigil siya sa pagsasalita at inilibot ang kan’yang mata sa kabuoan ng lugar.
Wala ba talaga silang planong pauwiin ako?
"Can you give us a moment? I want to talk to her privately," patapos na saad ni chairman kaya tahimik na nagsilabasan ang mga kasama naming mga tao rito.
Pero matigas talaga ang ulo ng isa dahil bumalik pa talaga. Trevor.
"Grandfather, can I marry her?" seryoso n’yang saad. Gosh!? Seryoso ba siya? Para siyang timang sa pinagsasabi n’ya, akala n’ya ba ang dali lang ng pinagsasabi n’ya?
"Trevor! Stop playing around! f**k!" boses na naman n’ya. Bakit gan’yan siya? He was acting that he cares? Maniwala.
"What, Austin? I am dead serious here," nagmamatigas na sagot ni Trevor habang nanatiling seryosong nakatingin sa kan’yang lolo.
"Trevor, can you fix yourself and stop all of these? We'll talk about it later. Right now, I want you all out of here! Go!" sigaw ng chairman. Buti nga ano wala siyang wrinkles halos? Ang titigas ng ulo ng mga apo n’ya, buti sana kung isa lang kaso anim, eh. Parang nag-alaga ka rin ng mga batang paslit na wala pang kamuwang-muwang sa mundo.
Ilang saglit lang din ang lumipas ng tuluyan ng tumahimik ang buong kuwarto at kami na lang ni chairman ang natira.
"Have a seat,” paanyaya n’ya kaya agad ko na ‘yong sinunod.
"I am sorry if I disrespect you in a way. Bless, I am grateful that you save my life, hindi ko lang talaga alam paano kita mapapasalamatan," anitong may ngiti sa mga labi.
Tumawa ako upang baguhin ang mood sa pagitan naming dalawa. “Ayos lang po! Simple lang naman po ang ginawa ko, eh, wala naman po akong ginawa sa inyo, sinalo ko lang po talaga kayo. Hindi ko naman po inaasahan na ganoon na po ang dating sa inyo. Sorry na rin po sa mga nasabi ko kanina pero ayaw ko lang po na isipin ng iba na pera lang po ang habol ko sa inyo, gusto ko na lang po ng mas mabuhay pa ng matagal ng may katahimikan sa buhay," makabuluhan kong tugon.
"For you, it may be simple, but for me, it is not. It deals with my life, so I am very thankful. What do you mean about you wanting to live longer?" tanong na naman n’ya. Humahaba na naman ng humahaba ang usapan namin, eh!
Lagot na talaga ako nito pero ayaw ko naman maging bastos.
Ngumiti ako ng mapakla sa chairman bago sagutin ang tanong n’ya. “Stage 4, acute myeloid leukemia po, chairman. I was diagnosed when I was 15 sabi pa nga doctor ko hindi na raw ako magtatagal pero sinusuwerte pa naman po ako at pinagbibigyan pa ng Panginoon kaya ito po buhay pa naman and still kicking, 2 years na ang nakalipas,” pinanatili ko ang kasiglahan sa boses ko. Hindi naman dapat ikasaya pero mas lalong hindi naman dapat ikalungkot.
"I'm sorry for that," nag-aalala n’yang sagot.
“Naku po! Wala po ‘yon, chairman! Matagal na po ang two years para maintindihan at matanggap ko ang kahihinatnan ko sa susunod pang mga taon. Ang importante po may nagawa akong maganda habang nandito pa ako," aniya ko.
"Malakas kang bata, hija. Pero pwede ko bang makuha ang number mo? Kanina ka pa balisa so I assume that you are worried that your parents will look for you.”
"Sige po! Wala pong problema, tama po kayo diyan. Hindi po kasi basta-basta ang sitwasyon ko kaya naiintindihan ko rin po ang mga magulang ko hindi rin naman po nila ginagawa ‘to para sa iba, para rin naman po sa akin,” nakangiti kong sagot.
"Please, write down your phone number here," wika n’ya sabay abot ng ballpen at maliit na notebook sa kin kaya mabilis ko iyong inabot at isulat ang phone number ko.
"You can call me lolo, apo," mahina ngunit tamang-tama na para marinig at makita ko sa mga mata n’ya ang sinsiridad ng isang tunay na lolo. Na-miss ko tuloy ang lolo at lola kong yumao na.
“Thank you po, chairman! Ay este lolo, ito na po,” sabay balik ko sa kan’ya ng sinulatan ko.
Muling tumawa ng malakas ang chairman. “You are very genuine, apo. You really remind me of my late wife. You can go now they will assist you home, huwag kang mag-alala kapag pinagalitan ka, sagot ka ng lolo," masaya akong tumango. Sunod kong ginawa ay tumayo upang lumapit sa kan’ya at bigyan siya ng isang yakap.
Alam ko pong kailangan n’yo nito.
"Your wife will be so happy because I can see how driven you are in taking care of your grandchildren, lolo," huli kong saad bago ako sa kan’ya bumitaw at nag-umpisa ng maglakad paalis nga kuwartong iyon.
Nakatayo na ako sa harapan ng pintuan ng muling magsalita ang chairman. " Pharaoh's mansion is always open for you, apo. Think about it you can marry someone from my grandchildren, hindi ako nagbibiro n’ong sabihin ko iyon," pero hindi na ako sumagot sa halip ay liningon ko lang siya upang ngumiti.
Think about it you can marry someone from my grandchildren. Think about it you can marry someone from my grandchildren. Think about it you can marry someone from my grandchildren.
Parang sirang-plakang paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko. Talagang hindi n’ya talaga tinatantanan ang pag-aasawa na ‘yan ha? Too good to be true.
Tulad nga ng sabi ng chairman talagang inalalayan at in-escort-an talaga ako ng mga body guards n’ya paalis ng mansiyon. Pagkalabas namin ng main door ay may nakaparada at naghihintay na doong black na van. Sila pa mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin at nagulat na lang ako n’ong nandoon din sa loob si Evelyn at Monalisa.
"Bless! God! For Pete’s sake! We been searching for you! Saan ka ba nagsusuot?!" bulalas agad ni Mona.
"Bff, you almost give me a heart attack! Sigurado akong tita and tito will make galit kapag naiwala ka namin! Nakakaloka you!" segunda naman ni Evelyn.
Nginitian ko lang silang dalawa. "Thank you sa pag-aalala sa kin, Mona at Eve, pero huwag na kayong maging praning diyan dahil ayos lang ako. Umuwi na lang tayo."
Trevor's Point of View
I was crazily walking back and forth inside the Pharaoh's House entertainment room while my other cousins were busy watching a movie and my big brother was sleeping.
Putangina! Naka-uwi na ba ‘yong si Bless?
"Trevor, umupo ka nga, hindi ako makatulog sa ‘yo. Ano bang problema mo? Kanina ka pa pabalik-balik diyan?" puna sa kin ni Alas habang kumukuha pa ng popcorn.
"f**k! f**k! f**k! Alas, did you see that girl?! Did you see how beautiful she is?! f**k! Holy s**t! This is driving me crazy!" parang nababaliw kong sagot.
That girl got my attention. She is someone I should own.
"Trevor, stop making a fuss." It's Austin again.
"Austin? By any chance do you know that girl? Sinabi mo ang pangalan n’ya kanina," baling ko sa kan’ya but he just give me a warning look.
Ulol talaga.
Kaysa tumunganga lang ako at magpakabaliw lang dito nag-umpisa akong maglakad palabas ng entairtainment room. Nandito kaming lahat dahil hinihintay namin si lolo.
"Oh? Siin ka gaadto? (Translation: Saan ka pupunta?)," tanong ni Premo.
"Nausoy si Bless. Gwapa man mana, pod. Kinahangean ko sa kama do mga makato ka gwapa, uwa dapat ginasayang dun! (Translation: Hahanapin ko si Bless. Ang ganda n’ya kaya, pinsan. Kailangan ko sa kama ang mga ganoon kaganda, hindi dapat sinasayang ‘yon!)," seryoso kong sagot. But I was shocked most when Austin immediately grabbed my collar and started punching me.
"f**k! Austin! Anong problema mong gago ka? Kanina ka pa!" asik ko sa kan’ya matapos siyang mailayo sa kin ng mga pinsan ko.
"Austin! Magpundo ka eon! Alin ing problema? Haman bigla-bigla ka eang gapanugod? (Translation: Tumigil ka na! Ano bang problema mo? Bakit bigla-bigla ka lang nanunugod?),” Premo said while holding Austin kasama ni Ziggy.
Big Brother helps me stand up from the tiled floor. At the same time, Alas is standing between us to stop Austin from attacking me again.
"Damn! What is your f*****g problem, Austin? Bobo ka ba! Bakit ka nanakit diyan?!" I hissed.
"You! Your damn mouth and dirty mind is my f*****g problem! You are f*****g asshole! Don't you ever touch, Bless! If you do, ako ang mismong papatay sa ‘yo! Gago ka!" malakas n’yang hiyaw sa kin.
"Austin, calm down. She is neither yours nor anyone, so stop acting as you own her," nakangising saad ni big brother.
"Shut up, Nazarene! You don't even know a f*****g thing!" asik ulit ni Austin na parang leon na galit na galit.
Big Brother loosens his grip on me and lays down again to the leather sofa putting his hand on the back of his head.
"I don't know a thing, Austin? Hmm? Actually, that is a big question, may kailangan ba kaming malaman?" Big brother sarcastically said.
"Oo nga! Big brother is right. What the f**k is your problem, Austin? Do you know her? Why are you so damn protective and concerned? Come on, babae lang ‘yan," hirit ko naman.
"Huwag mong binastos si Bless sa harapan ko, Trevor! She is not just a woman that you can f**k anytime and to tell you, f*****g yes, I know her! I own her! She is my f*****g ex- girlfriend! Kaya tumabi ka dahil akin siya. Let go of me!" naninigas n’yang saad bago ako tapunan ng masasamang tingin. Nagka-girlfriend siya?
Tumatawa habang naglalakad paalis si big brother. "Good luck, fellas!" He said before leaving as five.
"Austin, kumalma ka nga muna, pwede naman kasi pag-usapan," Alas suggested.
"I don't have f*****g time to talk with this asshole cousin of yours! I will make myself clear, Trevor. Kaya tandaan mo ‘to. Bless is mine! End of conversation," umiigting ang panga n’ya at sunod na bungguin ako ng malakas.
Aba’t gago ‘to, ah! Anong akala n’ya? Matatakot ako sa kan’ya, ulol n’ya. The hell out of him.
"Austin, he is not yours. Just like what you said, he is your f*****g ex-girlfriend kaya huwag kang magmagaling," I said with gritted teeth.
"f**k you, Trevor!" susugurin na naman sana n’ya ako ng pumagitna na naman si Alas.
"Austin tumigil ka na!" Alas shouted.
We all fell in silence when the door opened, and grandfather entered the room.
"What the hell is happening here?! Did you all lose your mind? Fix yourself. We will be meeting the organizer. I will be hosting a party for tomorrow to celebrate my second life. Don't start me with your childish acts, grandsons, hindi ko kayo sasantuhin," nanggagalaiti n’yang wika na siyang nagpatahimik sa aming lahat.