CHAPTER 32

3238 Words
“BLESS, you misunderstood, please let me explain myself. Maskin makaron eang, sayod ko nga gago ako kat inaywanan ta pero kunta taw-an mo pa ako it chance (Translation: Kahit ngayon lang, alam kong gago ako n’ong iniwan kita pero sana bigyan mo pa ako ng chance),” nagsusumamo n’yang saad kaya nanatili lang akong nakatingin sa kan’ya. Chance? Ako ba binigyan n’ya ng chance n’ong magmukha akong tanga kakahabol sa kan’ya? Kakahintay sa kan’ya sa mga lugar na sinasabi n’yang magkikita kami pero pumuti na yata ang uwak wala pa ring Austin Marquez akong nakita? Alam n’ya pala ang mga salitang ‘yon pero n’ong ako ang humingi hindi n’ya binigay? Alam na alam n’yang kailangan ko siya ng mga panahon na ‘yon. Na isa siya sa mga taong kinukunan ko ng lakas at inspirasyon para magpatuloy mabuhay pero siya pa nga ang unang iniwan akong mag-isang lumaban. Ang lakas ng loob n’yang sabihin sa kin ngayon na sana bigyan ko siya ng chance. Bakit? Akala n’ya ba madali lang bigyan ng chance ang bagay na alam mong matagal ng naglaho? “Para saan pa, Marquez? Kung chance ‘yan para mabuhay ako ng mas mahaba tatanggapin ko ng taus puso, pero mukhang ibang chance ang tinutukoy mo,” matigas kong sambit atsaka inilihis ang tingin ko mula sa kan’ya pabalik sa dagat na nasa aming harapan ngayon. “Why can't you say my name? Bless, I won't deny that I missed you so much and wanted to win you back, but how can I do that if you're trying your best to neglect me?” sagot na naman n’ya. Minsan hindi ko rin naintindihan kong paano ko na-survive ang dalawang taon na naging kami nitong lalaking kaharap ko na panay siya english. Dalawa lang kasi ginagamit na lengguwahe nito, akeanon o english. Minsan natatandaan ko na nag-away kami tapos galit na galit ako pero bigla yata akong parang yosi na natunaw n’ong nag-lsm siya sa kin ng english. Napalitan ng pagka-nosebleed ang galit ko! Pero bakit ko ba ‘yon naiisip? Erase. Erase. Erase. “Hindi naman siguro required ngayon na dapat lahat ng tao ay pansinin ko ‘di ba? Nasa tao na involve kung sino ang papansinin n’ya at sa hindi. Nagsalita ba ako o kwinestiyon ba kita n’ong ilang oras kitang hinihintay pero hindi ka dumating? Nagreklamo ba ako sa mga panahon na kinakalimutan mong may jowa kang naghihintay ng text o tawag mo man lang? Wala kang narinig sa kin, Austin! Ayan, tinawag na kita sa pangalan mo kaya sana masaya kana,” sarkastiko kong saad. Ang tagal na panahon ko ng binabaon ‘tong lahat ng hinanakit ko sa kan’ya sa puso ko kaya panahon na rin naman sigurong ilabas ko na tutal kaharapan ko naman na ang taong direktang makakasagot sa kin. “Until now, Bless? Until now, you can't still understand my reasons why did I do that? Bless, everything that I've done is for the two of us! This is all for you! When this all ends successfully, we both benefit from it. So, please, can you move on and forget your issues,” dikta pa n’ya. Ayan, d’yan naman siya magaling. Ang iwasan ang mismong problema, na laging ang dami n’yang rason hindi sagot. Ang kailangan ko sagot! Aanhin ko ‘yang mga paliwanag n’ya kung iba naman ang nakikita ko sa mismong sinasabi n’ya. Kung para sa min ‘yon lahat, kung para pala sa kin lahat ng ginagawa n’ya bakit hindi n’ya ako magawang bigyan man lang ng kakarampot n’yang oras? Aanhin ko lahat ng pangarap na maari n’yang maibigay sa kin kung pati ako ubos na ubos na ang pansensiya para inintindihin siya ng paulit-ulit? Ang dami kong gustong sabihin, ang dami-dami! Pero lahat ng ‘yon hindi ko pa rin masabi sa kan’ya ng diretso. Bakit? Kasi nasanay akong ganoon kapag siya na ang kaharap ko. The more I think of it, mahal ko siya pero ang pagmamahal ko sa kan’ya dati napalitan na ng mahal ko siya kaya dapat gawin ko lahat para hindi n’ya ako iwanan kahit ako pa ang magtiis, kahit ako pa ang mag-suffer. “Alam mo kung ibabalik lang ang panahon tapos nandoon pa rin tayo sa mga oras na tayo pa. Sasabihin ko sa ‘yo ngayon na. Sige, babe, naiintindihan ko. Sorry, babe, masyado lang yata akong nilamon ng pagiging pusong babae ko. Sorry. Tapos ano? Yayakapin mo ako tapos lalambingin tapos ano? Ayos na tayo! Surprise! Ganoon kadali, ganoon ka bilis,” tumigil ako sa pagsasalita para balingan siya at tapunan siya ng tingin na kahit kailan hindi ko pa sa kan’ya naibibigay, despise. “Pero ngayon iba na, wala na tayo sa panahon na ‘yon kaya alam mo kung anong sagot ko d’yan?” tumango lang siya sa kin para sabihin na ipagpatuloy ko ang sinasabi ko. Kahit kailan talaga, Austin, hindi pa rin nawawala sa ‘yo ang pagiging superior mo. “Hindi ‘yon para sa kin. Kasi walang para sa kin sa lahat ng naiisip mo, lahat ng ‘yon para sa ‘yo. Para sa ego mo! Austin, sana sabihin mo rin sa sarili mo na hindi lang ikaw ang tao sa mundo kaya normal lang na mas may nakakalamang sa ‘yo sa isang bagay. Alam mo mahal na mahal kita, sobra, pe---” pinutol n’ya ang sasabihin ko at agad na ngumiti. “I love you too, so much,” sabi n’ya at susunod na sanang hawakan ang mga kamay ko pero binawi ko ‘yon agad. “Mahal na mahal kita, dati. At isa ‘yon sa mga bagay na nagpabulag sa kin. Sa sobrang pagmamahal ko kasi sa ‘yo n’on hindi ko na napansin na hindi naman pala talaga para sa kin lahat ng tiniis ko. Lahat ng pagtitiis kong hintayin ka kasi may meeting ka sa ganito, may webinar ka sa ganito, may training ka sa susunod na linggo at kung ano-ano pa. Hindi naman ‘yon lahat para sa kin kasi kung para ‘yon sa kin kahit gaano ka pa ka-busy ako pa rin ang priority mo, ako pa rin ang uunahin mo. ‘Yon ang totoong para sa kin. Hindi ko naman hiningi sa ‘yong ibigay mo sa kin ang mundo, never kong sinabi sa ‘yo na gusto ko ang mundo. Sana malaman mong ang gusto kong mundo ay mundo mo. Pero tulad ng sinabi ko kanina, dati, halos dalawang taon na rin naman ang lumipas kaya huwag ka ng mag-alala pa sa kin dahil I get over you, totally,” matigas kong sambit. Kitang-kita ko kung paano siya manlumo. Kitang-kita ko sa mukha n’ya ang mukha ko n’ong iwanan n’ya ako. N’ong sabihin n’yang magkikipaghiwalay na siya sa kin. “Bless,” pagtatawag n’ya sa pangalan ko. “But, Bless, I still love you, I really do,” dugtong na naman n’ya. Napangisi ako ng marinig ko ang mga katagang ‘yon galing sa kan’ya. Ang tagal na simula n’ong huli n’yang sinabi sa kin ‘yan. Gustong-gusto kong sabihin sa pagmumukha n’ya na. Sana sinabi mo ‘yan sa kin n’ong panahon na kailanganng-kailangan ko ‘yan dahil ‘yan na lang ang rason para tulungan ako at i-push ang sarili kong ipaglaban ka pa rin, ipaglaban pa rin ang tayo. Kaya lang, bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa? Kung saan sobrang huli na. (Flashback) Masayang-masaya akong nakasakay sa kotse ni papa habang nasa biyahe kami papunta sa isang sikat na restaurant dito sa Boracay. Kumakanta-kanta pa ako ng kung ano-ano lang na kanta na pumasok sa utak ko habang nakatingin sa mga taong nadadanan namin. “Ang saya mo naman yata, anak,” puna ni papa habang tinitignan n’ya ako sa rear-view ng sasakyan. “Naman po, papa! Magkikita po kami, eh. Miss ko na po siya atsaka marami po akong gustong ikuwento sa kan’ya!” full of energy kong sagot. “Naku! Basta, nak, ang bilin ko? Laging tatandaan,” aniya kaya agad akong nag-approved sign. “Naman po! Huwag magpapadala at magpapasobra sa mga ginagawa!” Kapuwa kaming nagtawanan ni papa at agad naman n’yang p-in-ark ang sasakyan namin sa harap ng hotel. “Salamat po, papa! Huwag n’yo na po akong sunduin for sure naman po ihahatid ako ni Austin,” pagpapaalam ko. “Sige, nak, mag-text ka na lang kapag nagkaproblema,” aniya. Nag-wave ako sa kan’ya ng muli na n’yang pinaandar ang sasakyan at iwanan na ako. Sumasayaw-sayaw pa ako ng papasok. Anniversary lang naman namin ngayon kaya ubod langit ang excitement na nararamdaman ko. Atsaka ilang araw na kaming hindi nagkikita o nagkaka-usap ng maayos dahil masyado siyang busy sa studies n’ya at sa pag-impress sa lolo n’ya. Gets ko naman kung bakit lalo at ang lolo na lang ang natitira n’yang pamilya at talagang sa kanilang magpipinsan siya ‘yong halos sa mansiyon na nila tumira. “Good evening, ma’am. May reservation po ba kayo?” agad natanong sa kin n’ong waiter na lumapit. “Good evening din, kuya! Meron po!” excited na sambit ko lalo at winter na winter ang decorations ng restaurant na ‘to. Ang ganda! “Pwede po ba malaman, ma’am, kung kanino po? Para masamahan ko po kayo sa table ninyo,” aniya kaya tumango naman ako. “Opo naman! Kay Austin Marquez po, saan po ba banda?” ani ko naman. “Ah! Kayo po pala kasama ni Sir Austin, sige po, dito po tayo,” saad n’ya at agad na ni-lead ang daan. Tahimik akong sumusunod sa kan’ya hanggang sa tumigil na nga siya sa isang napakalaking table at kakaiba pa ang decorations. Mas maganda kasi siya kung i-compare sa table ng iba. “Wow! Bakit parang iba po ‘yong ayos ng table na ‘to sa iba?” usisa ko kaagad. “Pinasadya po ‘yan ni Sir Austin, ma’am, maupo na po kayo may kukunin lang po ako,” aniya na siyang sinunod ko naman. Namula agad ang pisngi ko dahil kinilig na naman ako sa paandar ni Austin. Ang sweet at ang effort talaga ng boyfriend ko! Mas lalo pa akong kinilig n’ong sa pagbalik n’ong waiter na nag-assist sa kin ay may dala na siyang bouquet, teddy bear at balloon na naka-arrange rin. “Hala! Para po ba sa kin ‘yan?!” bulalas ko na nang ipatong n’ya ‘yon sa may mesa ko. “Opo, ma’am,” tugon n’ya at ibinigay sa kin ang bouquet. Tinanggap ko iyon at agad na inamoy. Hala! Ang bango! Kaya agad kong kinuha ang phone ko at t-in-ext si Austin. Babe, grabi naman ang pa-surprise! Super salamat! Ingat ka nandito na ako atsaka syempre, happy anniversary at from the bottom of my heart. Super unkabogable I love you! 30 minutes na ang lumipas na naka-upo lang ako roon sa mesa namin at nagtitingin-tingin sa bawat taong papasok sa pinto n’ong restaurant nagbabakasakaling si Austin na ‘yon. Kanina pa rin ako tinatanong n’ong waiter kung kakain na raw ba muna ako habang hinihintay ang sarili ko o hindi. Panay na rin ang tingin ko sa phone ko dahil ni isang text o tawag ‘man wala na naman akong natanggap galing sa boyfriend ko. ‘Yong totoo? Plano n’ya bang paghintayin na naman ako ng ilang oras kaya may pa bouquet, balloons at teddy bear agad siya? “Kalma, Bless, kalma, darating din ‘yan baka may tinatapos lang,” pamimilit ko sa sarili ko. Pero halos makatulog na nga ako sa gutom doon sa restaurant pero wala pa ring Austin ang dumating. Hindi naman sumasagot kung tinatawagan! Lagi na lang out of reach! Nasaan ba siyang lupalop ng Aklan at walang signal?! Pero dahil anniversary namin at talagang gusto kong magpakamartir na jowa, naghintay talaga ako. Tatlong oras! Tatlong oras na lumipas! Pero wala pa ring sign ni Austin dito sa restaurant. Ang dami ng mga tao ang nakakain at nakaalis dito, ako, nandito pa rin. “Ma’am, natawagan n’yo na po ba si Sir Austin? Ano po kasi 30 minutes na lang magsasara na po kami,” nag-aalangang ani sa kin n’ong waiter. Mula sa pagkakahiga roon sa mesa ay agad akong napabangon at ngumiti. “Sige, tatawagan ko na lang muna siya. Kunin ko na lang muna ‘yong bill ko,” sagot ko naman. Hindi ko na kasi talaga natiis ang gutom ko. Mauuna pa yata akong mawalan ng malay kaysa sa pagsipot sa kin ni Austin sa ki dito. Muli kong dinutdut ang phone ko nag-text muna ako bago ko siya muling tinawagan pero wala talagang sumasagot. “Ma’am, ito na po ‘yong bill,” bungad ulit sa kin n’ong waiter kaya agad ko iyong kinuha at naglagay ng pera. Nagsimula na rin akong magligpit ng mga gamit ko at ‘yong mga paregalo n’ya dahil balak ko ng umuwi kaysa mas lalo pa akong amagin dito. “Ito na po sukli, ma’am, aalis na po kayo?” nagtatakang ani n’ong waiter. “Ah, oo, hindi na raw kasi kakain si Austin dito pero nasa labas na siya sinundo ako,” pagsisinungaling ko na lang. Tumango siya sa kin kaya ngumiti ako ng hilaw kahit naiiyak na talaga ako. Taas noo pa rin akong naglakad palabas n’ong restaurant at nangangalahati na ako ng paglalakad doon sa may eskinita palayo sa restaurant ng napa-upo na lang ako at umiyak nang umiyak. Ang sakit lang talaga sa pakiramdam. Ilang sandali pa ng nanatili lang akong nasa ganoong ayos ng may mapansin ako na pares ng sapatos sa harapan ko kaya agad kong itinaas ang mata ko to just find out na it was Austin. Nagmadali akong tumayo at agad na pinunasan ang mga luha ko atsaka siya tinignan. “Babe, I’m sorry, we had an emergency at home,” aniya at agad akong hinalikan sa noo atsaka yinakap. “Happy anniversary, babe,” aniya na naman pero nanatili lang akong tahimik. Noong naghiwalay kami sa isa’t isa siya na mismo ang nagpunas ng mga luha kong nasa mga mata ko pa rin. “I’m really sorry, and I didn’t mean to let you wait, babe, I’m really sorry,” ulit na naman n’ya pero ngumiti lang ako ng pilit. “Sinabi mo sa kin na kasama kita sa laban ko para madaig ‘tong sakit ko, naalala mo ba ‘yon?” panimula ko. “Of course! And I will really be by your side, you’ll be fine, babe, you will be,” sagot naman n’ya habang hinahawakan pa ang magkabila kong mga kamay. “Pero alam mo ba na nahimatay ako habang nasa banyo ako? Dapat magbabawas lang ako pero hindi ko alam na nawalan na ako ng malay. Mabuti na lang nakita ako nina mama, alam mo ba ‘yon?” mahina kong saad at muling nagsimulang tumulo ang luha ko. “Babe, I’m sorry I wasn’t there for you,” anito. Umiling ako sa kan’ya atsaka pilit na tinaggal ang mga kamay n’ya na nakahawak sa mga balikat ko. “Ayos lang, naiintindihan ko. Alam kong busy ka, alam kong ginagawa mo lahat para sa atin. Iyan ‘yong sinabi mo sa kin, eh, iyan ‘yong pangako mo sa kin, ‘di ba?” tanong ko na naman. “Yes! I am really trying my best to fulfill that promise.” “Pero hindi ba dapat kahit kunting oras makapag-reply ka lang? Ano lang naman ang ilang segundo na pag-type ng reply ‘di ba? Nangako ka rin sa kin na sasamahan mo ako sa laban ko, pero bakit hindi ko nararamdaman? Pero bakit wala na ‘yong Austin na kailangan ko? Bakit?” may diin kong sumbat. “Bless, not now! I'm exhausted, and I'm f*****g tired. I have already explained my side to you. I am not just doing nothing. Everything I've done, this is for the two of us! Remember that! When I fail once, everything will vanish. So, please do understand. You are not only the person I need to look for, to love to, galit n’yang saad. Oo, siya pa ang galit. Ang galing. “So, ngayon sinusumbat mo na sa kin ngayon na nakakadagdag pa ako sa isipin mo? Ganoon ba ‘yon?” “No! Of course not! Bless! Come on! Could you not pick a fight with me right now? I don't need that! What I need is you, so, please, stop! Stop finding me fault.” giit n’ya kaya muli na naman akong napangisi. D’yan naman siya magaling, laging siya naman kasi ang pagod. Laging siya ang lahat kaya dapat ikaw ang laging mag-adjust sa kan’ya. “Bakit n’ong kinailangan ba kita nand’yan ka? ‘Di ba, wala? Pinagmukha mo akong tanga! Tatlong oras! Sana man lang nag-text ka na hindi ka na lang pupunta kaysa naman umasa akong parang tanga! Ako ang kailangan mo? Ako pala pero kung pabayaan mo ako sobra-sobra!” himutok ko na. Buti sana kung isang beses lang ‘to nangyari pero hindi kasi. Ilang ulit na, paulit-ulit na lang. “Bless, this conversation will end here. This won't work, let's go, I'll bring you home," patapos n’yang saad atsaka ako tinalikuran at naglakad na nga siya pabalik ng sasakyan n’ya. It’s now or never. “Austin, sandali, may kailangan lang akong itanong bago tayo umuwi. Isang tanong lang ‘to,” lakas loob kong saad. Tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap akong muli. “What is it, babe?” “Ang pamilya mo o ako?” basag man ang boses ko pero alam kong narinig n’ya ang sinabi ko. Nanlaki ang mga mata n’ya at agad akong binalikan. “Babe, what are you saying?” pag-aamo n’ya sa kin. “Kung mahal mo ako, kung para talaga sa tin ‘tong lahat ng ‘to kaya mo akong i-prioritize. Kung tunay nga ang mga sinasabi mong para sa tin ‘to lahat. Gusto kong patunayan mo.” “Bless! Are you serious? Do you want me to choose between you and my family? Are you insane? I can't disappoint my grandfather!” Napatawa ako ng mapait. “May napili ka na naman pala, bakit pa ako nandito?” tanong ko bago ko siya lagpasan at nagsimulang maglakad. Napapikit ako at tahimik na nagdadasal na sana bawiin n’ya, naghihintay na sana pigilan n’ya man lang ako at sabihin na babawi siya na kahit kakarampot n’yang oras bibigyan n’ya pa rin ako. “Bless! Are you serious? Do you want me to choose between you and my family? Are you insane? I can't disappoint my grandfather! “Bless! Of all the people you knew, I only have my grandfather! You already know that my grandfather doesn't permit us to be involved in a relationship. I was late because I couldn't see the right timing to go out of our mansion. So, please, understand me! This is not easy for me, and this pains me also! Bukon eang man ikaw do nasakitan! (Translation: Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan!)” Muli ko siyang binalingan at ipinakita ang pinakamaganda kong ngiti. “Sorry kasi nahihirapan ka dahil sa kin. Sorry kasi dumagdag pa ako sa pasanin mo, huwag kang mag-alala mababawasan na ‘yan ngayon dahil I am letting you go, Austin. Tapusin na natin ‘to.” (End of flashback) “Mahal mo pala ako pero bakit hindi ako ang pinili mo noon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD